CHAPTER THIRTY-SEVEN
_
NOAH CRANE's POV
"Bounce the ball constantly with each hand, switching back and forth between your left and your right to get a feel for handling with both of your hands, staying crouched, and point your opposite hip toward the basket."
Napakamot ako sa ulo. Kanina pa nagsasalita si Timog pero wala akong maintindihan. Una kasi sa lahat, hindi ko alam kung ano ang Basketball na 'yan. Jackstone lang talaga ang kaya kong laruin. Hehe, magaling ako sa tiktik buka bibig. Sana Jackstone nalang ang ipalaro sa amin ni Timog.
"Kaps, naiintindihan mo ba sinasabi ni Timog?" bulong sa akin ni Peter. Katulad ko ay naguguluhan din siya.
"Hindi nga, Kaps. Nagugutom na ako" bulong ko rin at saka ngumuso. Kanina pa tumutunog ang sikmura ko.
"Nakikinig ba kayo sa akin, Noah at Peter?"
Napa-ayos kami bigla ni Peter ng tayo nang bumaling sa amin si Timog. Seryoso ang mukha niya at parang hindi siya mabibiro ngayon.
"O-oo, hehe." Ngumiti kami para itago ang kaba na nararamdaman namin. Nakakatakot kasing galitin si Timog, hehe.
"O siya, pumila kayo sa linyang 'yon" sabi ni niya at tinuro ang pabilog na guhit sa sahig.
Nasa basketball court kami ng village namin. Dinala kami ni Timog kanina dito at sabi niya ay dito niya kami tuturuan ng Basketball. Malapit lang din ito sa bahay namin kaya okay lang na lakarin.
"South, bakit kami pipila? Magpapa-feeding program ka ba?" tanong ni Isaiah. Nagni-ningning ang mga mata namin nang marinig namin ang salitang 'Feeding program'' hihihi pagkain kasi 'yon.
Hays, na-miss ko bigla si Teacher K.
"Hindi. Magsho-shoot kayo ng isa-isa sa ring na 'yan" sagot ni Timog at tinuro ang ring daw.
"Ah, okay. Anong i-sho-shoot namin, South?" tanong ulit ni Isaiah.
"Etong bola." Pinatalbog ulit ni Timog ang bola sa sahig at pina-ikot pa sa daliri niya.
Wow! Astig!
Pumila kami sa linyang sinabi ni Timog. Syempre, dahil ako ang panganay ay ako ang una. Sunod si Peter, tapos si Genesis, si Psalm at panghuli si Isaiah. Lahat kami ay naka Jersey na short at walang pang-itaas na damit. Ubos na kasi ang mga damit namin, eh. Sa sabado pa kami maglalaba, hehe. Naka sapatos din kaming lahat ng Jordan shoes, binili ito ni Dada sa amin no'ng pumunta siya sa America. Hihi ang cute nga sa akin dahil kulay pink ang sapatos ko. Pati sa mga kapatid ko ay kung ano ang kulay ng buhok nila ay ganun din ang kulay ng mga sapatos nila.
"Noah, eto ang bola" sabi ni Timog at binigay sa akin ang bola. "Patalbogi—WHAT THE?!"
Hindi na natapos ang sinasabi ni Timog nang pinatalbog ko ng malakas ang bola. Lumipad ito ng sobrang taas at nagningning ang mga mata ko.
"Wow! Astig!"
Pababa ito ng pababa at ng malapit na sa mukha ko ay biglang sinalo ito ni Timog at ganun nalang ang gulat ko ng bigla niya akong batukan.
"Ouch!"
"Gago ka ba? Hindi gano'n ang tinuro kong pag-drible! Tsk, ayan kasi hindi nakikinig!" sermon niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Comédie[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...