Chapter 63: Rooftop

28.3K 1.3K 929
                                    

Belated HAPPY BIRTHDAY kay @AsaphTiongson, pasensya na kung natagalan ang update :) Always smile. Love lots <3

KEEP SMILING :)

CHAPTER SIXTY-THREE

_

PSALM CRANE

"Come, everyone! Masarap 'tong niluto kong Spaghetti!"

Nanunuot sa ilong ko ang mabango at katakam-takam na amoy ng Spaghetti ni Death. Kaibigan siya ni Peter at nag-aaral din siya sa Abs University. Hindi ko pa siya nakikita sa school pero mabait naman siya, sweet din at maganda hehe.

"Akala ko Brown Spaghetti." Ngumuso ako nang makita ang Spaghetti na dala niya. Kulay Red kasi ito pero mas gusto ko ang kulay Brown. Mas masarap ang spaghetti ni Timog.

"Psalm, walang brown na Spaghetti," sabi ni Ate Death.

"Meron, Ate Death. Iyon ang niluluto ni South sa amin," si Isaiah ang sumagot.

"Hmm..." Tumangu-tango siya bago ngumiti ulit.

Hindi ko maiwasang mamangha habang nakatitig sakanya. Tama iyong sabi ni Peter na mukha siyang Angel kasi pati ugali niya pang-Angel din. Kung titignan ng mabuti, para siyang si South at Ate North na naghalo, kasing bait niya si Ate North at kasing astig naman niya si South. Pero ewan ko para akong magkakasakit kapag nandiyan siya. Ganito ang pakiramdam ni Dora kapag nandiyan si Swiper.

Habang pinagmamasdan ang bawat galaw niya, biglang nangunot ang noo ko nang maalala na siya iyong kasama ni Peter sa school!

Hinila ko ang kwelyo ni Peter na nahuli kong titig na titig kay Death. Ayaw pa niyang tanggalin ang tingin sakanya kaya iyong tenga na niya ang hinila ko. Nakasimangot siyang tumingin sa akin.

"Bakit Kaps? Nag-e-enjoy pa ako sa pinapanood ko, eh."

"Hindi naman siya si Dora kaya bakit ka nag-e-enjoy?"

Bigla siyang ngumiti ng malaki. Ngiting katulad kay Dada kapag nakakakita siya ng maganda. Hays, unti-unti nang nagiging fuckboi si Peter.

"Ang ganda niya talaga kaps," nagningning ang mga mata nito.

"Looks can be deceiving, Peter. Napatunayan ko 'yan nang makilala ko si South, maganda, mukhang mabait pero halimaw pala hehe. 'Wag kang magsusumbong kay South, ha? Lab ko naman siya. Pero ang sinasabi ko lang, base on the experience h'wag tayong basta magtiwala sa maganda. Iyong katulad ni Death, siya iyong mukhang lalapitan ka lang kapag may gustong kunin na mahalaga sa iyo."

Lumabi si Peter saka tumingin kay Death na naglalagay ng Spaghetti sa mga plato namin.

"Sinasabi mo bang may balak na masama si Death sa atin? Pero impossible naman, Kaps. Ang bait niya kaya."

"Ang weird niya, Peter."

"Hindi porket weird siya ay masama na siya. Don't judge a book by its cover. Malay natin hulog talaga siya ng langit."

Bumuntong-hininga ako, mukhang mahihirapan akong kumbinsihin si Peter na lumayo kay Death. Maging sina Noah at Isaiah na mukhang tuwang-tuwa sa bisita namin sa bahay.

"Bahala ka sa kung ano ang gusto mong paniwalaan. Basta ako, paninindigan ko ang hinala ko. Hindi ko siya gusto, Peter. Masama ang kutob ko sakanya."

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon