CHAPTER TWELVE
_
"Wowo ko! Wait lang!"
"Wowo ko! Hintayin mo naman ako!"
Wowo ko? What the fuck?!
Ibang klase rin ang Condom boy na 'to.
"WOWO KOOO!"
Letse! Kailan ba siya titigil?
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito ng may naiiritang mukha. Hingal na hingal na ito sa kakasunod sa akin. Matapos niya akong dukutin ay para na siyang tuta sa sobrang kulit sa pag-sunod sa akin. He can't stop annoying me at kung anu-ano pa ang tinatawag sa akin!
"Tigilan mo ako Condom boy, ha!" asik ko.
"Gab nga ang pangalan ko. Stop calling me that!" Ngumuso ito na parang batang pinagkaitan ng candy.
"Gusto ko eh! Wala kang magagawa! Lumayas ka nga sa dinaraanan ko!" utos ko nang humarang ito sa harapan ko.
"Ihhh sabihin mo muna kasi ang pangalan mo!" pangu-ngulit niya at ang kupal, nagpapadyak pa.
Simula nang makilala niya ako ay bukod sa pag-sunod, hindi rin ito tumitigil sa pagtanong sa pangalan ko. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao. Girls' death glares on me were enough to threaten me. Baka hindi ako maka-uwi agad dahil pagbubugbugin ako ng mga ito. I can slay a group of people but hundreds? Damn. Nakita ko kung gaano karami at desperado ang mga babaeng naghahabol sa lalaking ito. Mga itsura palang, nangangagat na.
This guy in front of me was downright handsome. Walang duda doon. He could pass as a Prince-like what the books describe one. Sikat na sikat din ito sa school pero kahit gaano pa ka-gwapo ito ay hindi ko pwedeng basta-basta nalang sabihin ang pangalan ko. Baka makilala pa niya ako at malintikan na. At isa pa, wala akong interest sakanya. I will only tell my name to those who deserve to know.
Bukod dito ay kailangan ko na ring umuwi baka hinihintay na ako ng mga Crane. Anong oras na baka gutom na ang mga 'yon. Sana naman nakapag-saing na si Peter. Bibili nalang ako ng ulam namin dahil sobrang nakakatakot kapag magluto ulit ako. Baka mapatay ko na sila ng tuluyan.
"Lumayas ka sa daanan ko" malamig kong utos pero matigas ang lalaking ito.
He stood firmly on the ground and smile at me. "Aalis lang ako kapag sinabi mo ang pangalan mo. Sabihin mo na kasi Wowo ko! Alam mo bang matagal na kitang gustong makita? Swerte ko lang ngayon na nakita kita dito! This must be destiny!" He clasped his hands together and beamed with a dreamy look.
Alright. He looked cute acting childish. Papasa na nga itong maging Crane, eh. Gwapo pero tokmol. But still.
Nairita ako sa tawag niya kaya sininghalan ko ito, "Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng Wowo! What the hell is that?"
Wowo ng Wowo, kaurat. Para namang pangalan ng alien.
The handsome man in front of me smiled widely. Kita na nga ang gilagid buti mapuputi ang mga ngipin. Umiwas ako ng tingin dahil natutunaw ako. Si Isaiah ang panlaban ko sa ka-cute-an pero contender ang isang 'to.
"Wowo ko, short for Wonder Woman ko!" He then giggled like someone's tickling him.
What the hell? Wonder Woman? I prefer Darna, maka-Pilipino.
"Kung maka-ko ka akala mo pag-aari mo ako. Stop that and will you please, move? Kailangan ko nang umuwi."
Maganda siya sa mga mata pero nakakaurat din. Sobrang kulit. Parang tutubi na sinindihan sa pwet.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...