Aliyah's POV
"Beshie, punta na kasi tayo sa party, please." Pagpupumilit sakin ng bestfriend ko na pumunta sa party ni Gerald Emerson Enriquez, Jem for short.
"Ayoko." matipid kong sagot at ipinagpatuloy ang pagre-review ko. Mas mabuti na itong ginagawa ko kaysa sa pumunta sa party nung Jem na 'yan.
Yes, I admit. Si Jem lang naman ang ex-crush ko, at syempre pinagsisisihan ko yun ng buong buhay ko. Napaka-yabang niya! Akala mo siya yung pinaka-gwapo sa buong university. Well, assumero siya ng taon kung ganon. Di mapagkakaila, gwapo siya. But the real definition of gwapo for me is a gentleman who treats a girl right. Not like Jem.
"Pero Ally, invited lahat ng 3rd year college. Ikaw lang ata di pupunta eh." Ani ulit ni Pammy.
Binaba ko ang libro ko at tumingin sakanya, "Pammela Ann, kung gusto mong pumunta then go. Kasama naman ata si Baby mo e." Sabi ko at muling nagbasa.
"Yung totoo, nakamove on ka na ba talaga sakanya?" Deretsuhan nyang tanong sakin.
Napahinga nalang ako ng malalim, "Yuck Pammy, mandiri ka nga. Move on na talaga ako noh, 2 years na ang nakalipas. At pinagsisisihan ko na talaga na nagustuhan ko siya at di naman naging kami eh." Explain ko sakanya, medyo nagtitimpi pa ako nyan paano pa kaya kung hindi na.
"Eh ayun naman pala e! So, why won't you come? Siguro nga affected ka pa kasi baka kasama nya yung girlfriend nya noh?" Natatawa niyang sabi pero hindi naman nakakatawa.
Sumimangot ako, "Yuck, hindi noh. Ugh!" I took a heavy sigh. "Oo na, I'll come. Huwag mo na akong kulitin, okay?
"Yes! Thank you, Beshie!" Sabi nya at hinalikan niya ako sa pisngi.
"So, anong isusuot natin? 19th birthday yun ni Jem!" Excited na sabi ni Pammy sabay palakpak pa. I don't even know why he's so excited about the party. As if naman close na close niya si Jem? But no.
"Kahit ano." Sabi ko at inayos na ang gamit ko. "I'm hungry, kain na tayo."
"Okay, pero di pa tapos usapan natin about Jem's birthday." Ngumiti siya. "Sa cafeteria nalang tayo sa labas ng Campus." Dagdag niya.
"Okay, let's g!" Naiirita kong sabi, hindi lang dahil napupuno na ako sa mga sinasabi niya tungkol kay Jem. Pero gutom na ako, and don't iritate me when I'm hungry.
Pagkarating namin don, nainis ako sa bonggang pambungad ng cafeteria na ito. Nandoon sila Jem kasama ang gang niya.
I snapped my finger, "Come on Pammela, sa iba nalang tayong cafeteria. I changed my mind." Paalis na ako sa cafeteria pero hinatak ni Pammy ang braso ko.
"Look, nakita ka na ni Jem baka isipin niya affected ka pa sakanya." Sabi ni Pammy.
Kung hindi ko lang siguro kaibigan si Pammela, baka kanina pa nabatukan ko na siya. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto akong inisin ni Pammela pagdating kay Gerald.
Napatingin naman ako sa gawi nila, nakita ko si Jem na nakatingin din samin. Ugh, I hate him."Let's order na nga." Naiinis kong sabi. I have no choice, tama naman kasi siguro si Pammy lalo na't gutom narin ako.
Okay self, umayos ka. Naka-move on ka na sa mokong na yan kaya shut up ka nalang.
"Ako na mago-order, save some seat." Suggest ni Pammy. Tumango nalang ako at humanap ng vacant seat.
There's one but hell no. Sa tabi yun ng table nila Jem. Napapansin ko na tumitingin siya sak—No, I don't care about him. He's a jerk.
"Here's our order na wala ka paring nahanap na vacant seat?" Nagising lang 'yung diwa ko nang makita ko si Pammy sa harap ko dala-dala ang mga order namin.
BINABASA MO ANG
Dating My Ex-Crush (COMPLETED)
Teen FictionPaano mo mamahalin ang taong pinagsawaan mo na? Kung totoong mahal mo talaga, kaya mo ba talaga i-sacrifice lahat para sakanya? Sabi nga nila, love finds a way. Makaka-hanap nga ba ng way ang destiny para paglapitin sila ulit? The Gangster meets Mis...