Jem's POV
Nandito kami ngayon sa hide out ng Golden 10. Buti kumpleto kami ngayon, wala si Ally kaya wala din si Pam.
"Musta pala kayo ni Ally, boss?" Tanong ni Ivan sa akin.
Kami ni Ally? Okay lang kami. Forever kaming magiging okay. Selosan nga lang. Tsk!
"Balita ko boss, nag-kainitan kayo ni Ally." Cold na sabi ni Arthur habang naghe-hena.
"Okay lang kami. Selosan lang." Sabi ko.
"Ano bang nangyare?" Tanong naman ni Greg.
"E partner niya kasi si Stever sa project nila sa history. Tapos tinawag nyang my partner si Aliyah." Sabi ko. Bakit ang sakit?
"G*go pala yun, darks eh." Sabi ni Robin. Mas lalo tuloy akong naiinis.
"E di ko nga nakasama si Ally ngayon kasi nasa bahay siya ng mokong na yun." Chill kong sabi pero deep inside, gusto ko ng pumatay.
"Bakit , darks?" Nagtatakang tanong ni Simon.
"Di ko pa nga alam kung nakaka-uwi na e. Tatawagan ko na yung babaeng yun." Sabi ko.
Kinuha ko na ang phone ko, at dinial ang number niya.
["Hello?"]
"Nasan ka? Nakauwi ka na?"
["Oo, nakauwi na ako. Why"]
"Tapos na project niyo?"
["Oo, tapos na."]
"Wala ba syang ginawa sayo?"
["Wala ah. Siya pala yung anak nila Ma'am Teresa."]
"Sila yung may-ari ng school?"
["Oo, mayroon silang isa pang business. Gusto nila ng partnership."
"Miss na kita, muffin ko."
["Hmmp. Ako din, siopao! Hahaha"]
"Pupuntahan kita." Sabi ko at binaba na ang phone.
~~
Aliyah's POV
["Pupuntahan kita."]
"Ha?! Sandali! Ngayon?" Sh*t! Binaba na niya. Baka makita niya si Kuya Arthur.
"Kuyaaaaaa!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kwarto ni Kuya Arthur.
"Bakit?"
"Huwag ka lalabas ah, pupunta daw si Jem." Sabi ko at lumabas na papuntang garage.
Mas magandang doon nalang kami kasi may family picture kami. Baka makita nya si Kuya Arthur doon.
Agad-agad? Nandito na siya agad. Pagbaba nya ng kotse, nagmadali syang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Bakit ang bilis mong magpa-andar ng sasakyan? Adik ka ba ha? Paano kung na-aksidente ka?!" Nag-aalala kong sabi sa kanya.
"Chill ka lang, muffin ko. Masyado kasi kitang na-miss."
Sabi ko. Nawala naman simangot niya.
BINABASA MO ANG
Dating My Ex-Crush (COMPLETED)
Teen FictionPaano mo mamahalin ang taong pinagsawaan mo na? Kung totoong mahal mo talaga, kaya mo ba talaga i-sacrifice lahat para sakanya? Sabi nga nila, love finds a way. Makaka-hanap nga ba ng way ang destiny para paglapitin sila ulit? The Gangster meets Mis...