Arthur's POV
Nasa garden na kaming lahat para mag-start ng training and plan.
Kakatapos lang namin mag-breakfast at gumawa ng plano.Buti nalang at magaling sa boxing itong si Joel para kahit papaano maturuan nya itong mga girls.
Napatingin naman ako sa gawi ni Pammy na ngayo'y seryoso sa pakikinig kay Joel.
Napatingin naman din siya sakin, she smiled."I love you." I whispered pero mukhang naintindihan naman niya. Natawa sya, wooooah heaven 😍
"I love you, too." Sabi niya rin saka na bumalik sa pokus sa pakikinig.
Nilapitan ko naman ngayon si Ivan, to clear things. Hahaha.
"Van, paabot naman ng tubig." Utos ko sakanya, katabi niya kasi yung table kung nasaan yung water. But seriously, hindi naman talaga tubig yung talagang kailangan ko. Hahaha, galawan to chong."Ah sige." Maikli nyang sagot at kaagad ng inabot ang tubig.
"Thank you." Sabi ko sabay inom. "Musta kayo ni Sam?" Tanong ko pero nakatingin ako sa mga nagt'training.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumingin siya sakin. "Ayun, strong." Napangiti siya. Mukhang masaya nga silang dalawa.
"Kayo ni Pammela?" Pahabol nyang tanong."Sinagot na niya ako." I also smiled. Nakita ko naman sa mukha niya ang saya. Seryoso? Masaya siya para samin? Hahaha hindi naman sa parang minamasama ko. It's just, ugh, I can't explain.
"Alagaan mo sya." Sabi niya sabay apir sakin. Oo naman, aalagaan ko si Pammela.
Tumayo na ako at nginitian siya. Kumuha naman ako ng tubig para kay Aliyah, sobrang pawis na niya. Sobrang seryoso nya sa training, syempre para ba naman sa love of her life.
Masaya ako para kay Aliyah, akala ko talagang gago si Jem para gawin niya sa kapatid ko yun. Yun pala para sa kaligtasan niiya kaya ginawa ni Jem yun.Pinuntahan ko na si Aliyah at inabot sa kanya ang bottled water.
"Magpahinga ka naman." Payo ko sakanya.Nginitian naman niya ako, "Okay lang, kuya. Hindi pa naman ako ganon kapagod eh, all for Jem! Bumabawi lang ako sa mga sinacrifice niya para sakin."
Ngiti nalang ang iginanti ko sakanya. Masaya ako for her, di na nya kailangang madepress. After all thay happened to her, buti nalang kapalit nun ay kasiyahan.
Sana patuloy nalang ang saya para kay Ally.
Ayoko na siyang makitang nasasaktan kasi nasasaktan din ako.~~~
Aliyah's POV
Naramdaman ko naman na nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at tinignan ang caller's ID.
Si Stever. He's calling, wala namang ilang segundo at sinagot ko na rin yun."What's up, Steve?" Pambati ko sakanya. Hindi sya nakasama sa US dahil nags'start na syang magtraining para sa kumpanya ng family nila. Mas kailangan sya dun. Hehe.
["How's everything there? How's the training? I wish I was there to help."] Sabi niya. Halata naman sa boses nya ang lungkot. Ang bait talaga niya, alam kong nangako ako sakanya. Yun yung pagkakamali na nagawa ko.
Pinaasa ko siya. Pero heto parin sya, suportado sa lahat ng gagawin namin."Aww, it's okay. The training is on-going. Well, I wish you were here to pero mas kailangan ka dyan." Sabi ko.
["When is the wedding again?"] He asked. Oh my, one week nalang pa kasal na. Ang bilis talaga ng mga araw. Ni hindi ko naisip na malapit na pala ang araw na pinaghahandaan namin.
"Next week." Matipid kong sagot.
"Ally, kain na daw." Yaya ni Miguel sakin. Binigyan ko naman siya ng thumbs up as a reply.
"Oh Steve, we need to get going. Regards to tita and tito, ah?" I said sabay ngiti. Wow, kala mo naman makikita nya yung ngiti. Hahahaha.
["Oh okay. Sure. Bye Ally."] Sabi niya then I ended the call.
Agad namang akong tumakbo papunta ng kitchen.
"Ally, bakit ang tagal mo? Nakausap namin si Jem sa phone." Nanghihinayang na sabi ni Pammela. Napasimangot naman ako sa sinabi niya."Ay! Bakit di nyo ako tinawag!!!" Mangiyak-ngiyak kong sabi.
Tinignan ko naman si kuya Arthur na ngayo'y tumatawa dahil sa reaction ko."Aba, ang busy mo kayang kausap si kano." Natatawang sabi ni Joem.
Nagsitawanan naman sila dahil sa sinabi ni Joem."Uy, ano? Anong sabi ni Jem?" Curious na curious kong tanong.
"Nangangamusta lang. Saglit lang yun kasi may inaayos pa daw sya." Explain ni Ivan.
Kahit na sandali lang yun. Kahit sanang narinig ko yung boses niya. Miss na miss ko na sya eh 😭"Don't worry, malapit mo na rin naman syang makita eh." Sabi ni Robin sabay wink.
One week pa, pero titiisin ko para sakanya."Kahit na, di niyo parin ako tinawag." Naka-pout kong sabi. Huhuhuhu. Sayang talaga eh!
"Eh anong magagawa namin mas priority mo si Steve." Pagbibiro ni Kuya Arthur.
"Oo nga!" Sabi ni Pammela. Ayan tayo eh, kampihan. Hahaha.
"Grabe ka Kuya ah! At saka nangangamusta lang din si Stever." Explain ko. "Pero sayang talagaaaaaaa!" Pagdadrama ko.
Agaw atensyon naman samin nang biglang mag-ring ang cellphone ni Joem.
Omg! Si Jem ba yan? Omg!!!Kinuha naman niya ito sa bulsa nya at sinagot.
"Hello, Mom? Uhm kasi may ginagawa pa ako. I'll be there sa wedding of course." Awwww. Mommy pala ni Joem yun. Huhuhu."Umasa kang si Jem yun, noh?" Pang-iinis sakin ni Alexis.
I rolled my eyes, "Hindi, noh?" Palusot ko.
Bumalik naman ang atensyon ko kay Joem na ngayo'y tapos ng kausapin ang Mommy niya.
"What did your Mom said?" Tanong ni James.
Joem took a heavy sigh, "Gusto na nyang umuwi ako. But uuwi ako the day before ng wedding. Hindi ko kayo iiwan sa ere." Sabi niya ng nakangiti.
Nag-react naman kaming lahat wari mo'y kinikilig.
"Lakas naman namin sayo!" Malakas na sabi ni Robin."Nakakakilig ka naman, tol." Sabi naman ni Simon.
"But seriously, ang nagpapauwi daw sakin ay si Jessica. Tingin nyo ba may idea sya na may plano tayo?" Nagtatakang tanong ni Joem.
"Ano bang excuse mo kung bakit wala ka?" Tanong ni Sam.
Napa-isip naman si Joem, "I said papers sa Philippines. Di nila alam na nasa US na ako." Sabi niya.
"Hindi naman siguro alam ni Jessica. Abangan nalang natin sa wedding day." Sabi ni Ivan.
Napabuntong hininga naman kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Dating My Ex-Crush (COMPLETED)
Teen FictionPaano mo mamahalin ang taong pinagsawaan mo na? Kung totoong mahal mo talaga, kaya mo ba talaga i-sacrifice lahat para sakanya? Sabi nga nila, love finds a way. Makaka-hanap nga ba ng way ang destiny para paglapitin sila ulit? The Gangster meets Mis...