Part 58: The Wedding Day

272 10 6
                                    


Aliyah's POV




Heto na, ang araw na pinaghandaan, ang araw na hinihintay naming lahat. Sana lahat ng plano namin matupad. Naready na namin ang lahat, si Joem nakabalik na rin sakanila kahapon. Ngayon, nakapulong na kami para sa last na pag-uusap before umalis.



"Just remember to pray if ano man ang mangyare." Sabi ko sakanila. Lahat kami ay kinakabahan, dahil hindi biro itong gagawin namin.



"Ready na ba kayo?" Tanong samin ni Ivan.



"Yes!" Malakas na sagot naming lahat.
"Let's go!" Sigaw niya saka na kami lumabas ng bahay.



Sabay-sabay na kami sumakay sa van. Si Jake ang magd'drive, sobrang lapit lang ng church dito kaya madali lang kaming makakapunta.



Wala mang ilang minuto at nakarating na kami sa church. Ipinark namin ang kotse sa parking para hindi halata na hindi kami kabilang sa guests.
Kitang-kita parin dito sa parking ang mga tao sa loob ng simbahan.



Laking gulat naman namin ng andaming nakabantay sa pintuan ng simbahan.
30 minutes pa bago mag-start ang wedding.



"Shit guys, nagtext si Joem. Hindi niya daw expect na darating ang Ace frat." Gulat na sabi ni Kuya Arthur. Lahat naman kami ay nagulat din.
Paano na ang plano namin?
Unang plano, sisilip sa simbahan tapos deretso na sa hide out ng Ace Frat. Pero now, andito sila.



"So, sila yang mga nakakatakot na yan na nakabantay sa gate?" Tanong ni Samantha. Tumango nalang kami.



"Paano yung tinrain natin? Edi maiiba dahil nandyan yung Ace Frat?" Tanong ni Alexis.



"Another message from Joel, nasa hide out pa daw ang dalawang leader ng Ace Frat." Sabi ni Ivan. So, tuloy ang plano!
"A little change of plans, tres marias..." pagtawag nya samin nila Pammela at Samantha.
"Yung plano natin sainyo, do it na. Here's the costume." Sabi niya sabay bigay samin.



"Thank you!" Sabi ni Pammela. Aktong bababa na kami pero pinigilan kami ni Kuya Arthur at Ivan.



Nilapitan nila ang mga girlfriend nila at binigyan ng mga bilin sabay halik.
Okay! Sige, ako na walang lovelife. Hahahaha. But magkikita din tayo, Jem.




Agad kaming bumaba after non. Dumeretso kami sa restroom sa gilid ng church.



After naming magbihis, humarap  ako sa salamin. Natawa kaming tatlo.
"Mukha tayong inosesnte!" Tumatawang sabi ni Pammela.



"Bagay sayong mag-madre, Pam!" Pagbibiro ni Samantha.
"Ally, dahil kilala ka nila Jessica, kailangan mong magsuot ng face mask. Sa amin nalang ni Pam at reading glasses." Sabi niya sabay suot sa salamin.



Ngayon, complete outfit na kami. Kailangan na naming bantayan ang mga ganap sa loob ng simbahan.
Pumasok kaming tatlo sa simbahan at pumwesto sa right ng mga chairs.
And there I saw Jem, he's not even smiling.
His so handsome wearing that attire. I miss my man so much!




~~~~

Ivan's POV


Nandito na kami sa hide out nila. Ako ang nagpanggap na pizza guy, kunware na-wrong deliver kami.
Nakaready na rin ang mga back-up sa likod ko.
Dahan-dahan akong nag-doorbell.



Pagkabukas ng pintuan, "What do you need?" Tanong ng isang lalaki. Isa to sa mga leader, base sa nakitang picture na sinend ni Joem.



Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad ko ng sinipa ang ari niya.
Napakagat sya ng labi sa sakit. Agad namang sumunod ang mga back up, tinalian nila Simon ang isa sa mga leader.
1 down agad.


Nakita ko naman na may kino-contact ang isang myembro nila, nakita nya siguro ang ginawa namin sa leader nila.
"Guys, get ready. They're coming!" Sigaw ko.



Agad kaming nagtago ng makita namin ang isang leader na may dalang kutsilyo.
Agad kaming nagtago.
Nakita kong tumakbo si Miguel sa likod nung isang leader, sinipa nya ito sa likod. Napatumba ito, sinipa ni Miguel ang kutsilyo palayo. Sumugod naman kami dun sa isang leader, sinuntok ko sya sa tiyan.



Gumanti sya ng suntok sakin kaya napatumba ako. Bigla naman akong nakaramdam ng sakit sa likod ko, nang tumingin ako nakita ko ang isang myembro nila. Sinaksak nya ang likod ko, di ko namalayang nakahandusay na ako sa sahig.



Ginantihan ng suntok ni Arthur ang sumaksak sakin.
Nakita ko naman na nagsidatingan na ang ibang mga miyembro, dumami sila.
Pinapanood ko nalang sila na ngayo'y nagsusuntukan. Buti nalang wala silang dalang mga baril.



Nakita kong natumba na si Robin dahil pinukpok siya sa malaking bakal sa dibdib. Oo, lalaki ako pero naluluha ako ng makitang nagdurusa ang mga kasama ko. Kahit ako. Gustohin ko mang tumayo pero hindi ko magawa.



Napatumba naman ni Arthur yung isang leader gamit ang bakal na pinagpukpok kay Robin.
Natumba narin si James dahil sinuntok siya sa mukha, pahina na ng pahina ang pwersa namin.
Nakita ko naman na siniko ng isang Ace frat sa mukha si Arthur kaya natumba narin sya, pero hindi tulad ko ay tumayo pa rin siya.



Nakarinig ako ng wangwang galing sa labas. Yun na ba ang mga pulis?
Nakita ko naman na nagsipasukan ang mga pulis dito sa loob. Wala akong ibang masabi kung hindi, Thank you, Lord!
Nakita ko si Stever na tumakbo sakin at itinayo ako.
"I called the police, sorry I'm late. Common' we'll bring you to the hosputal." Sabi niya. Nakatingin ako sakanya ngayon pero malabo na ang paningin ko.
Magsasalita pa sana ako pero bigla nalang akong nawalan ng malay.



~~~

Aliyah's POV


Hindi na tuloy ang kasal dahil madaming pulis ang dumating dito sa simbahan.
Pinasama na si Jessica para maimbestigahan at magkaalaman na.
Lumapit ako sakanya sabay tanggal ng mask ko, "You deserve that, bitch." Nakangisi kong sabi sakanya.



Dumating naman sila Simon na bugbog sarado ang mukha.
"Girls, okay na." Sabi ni Simon.



"Ow, thank you, Lord." React naming tres marias.



Pero lumungkot ang hitsura niya.
"Si Robin, pinalo ng bakal sa likod." Malungkot na sabi ni Simon. "Nasa hospital sila ngayon." dagdag niya.




"Si Arthur, nasiko sa mukha kaya marami syang bugbog sa mukha at katawan." Explain ni James.




Nakita ko naman sa ekspresyon ni Pammy ang pagkagulat at feel ko in any moment iiyak na siya.
"And lastly, Ivan got stabbed." Pahabol ni Simon.
Agad namang naiyak si Samantha ng marinig yun, kahit si Pammy naiyak narin.
Sh*t, natapos nga ang problema ang dami namang nasaktan sakanila.




"Come on, puntahan na natin sila." Natatarantang sabi ni Pammela.




"Go ahead ,guys, sususnod ako." I said.









Dating My Ex-Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon