Aliyah's POV
Ilang araw na ang nakalipas pagkatapos naming mag Enchanted Kingdom. Wala namang pagbabago. Cold pa rin si Jem sa lahat ng bagay. Mataray pa rin ako. Hahaha.
Nandito ako ngayon sa third floor sa terrace. Pinagmamasdan ang mga tao dito sa village. It's 6am in the morning kaya maraming nagj-jogging.
"Aliyah."
"Yes Pammy?" Sabi ko ng nakangiti pero deretso pa rin ang tingin ko.
"I still can't believe na kayo na ni Jem." Cold nyang sabi. Natatawa nalang ako sakanya, dahil ang seryoso ng tono ng boses niya. This is not Pammy. Hahaha.
"Me too."
"Admit it, Ally. Napipilitan ka lang ba?" Tanong niya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba tong kahibangan na tanong niya?
"What are you saying?" Sabi ko na ngayon ay nakatingin na sakanya. Nasasaniban na ata tong bestfriend ko.
"Admit it, gagantihan mo lang ba siya?" Napataas na ang boses niya. Buti nalang nandito kami sa third floor at tingin ko wala namang makakarinig.
"Hindi kita maintindihan." Palusot ko.
"Admit it!" Sigaw niya.
"Oo!" Pasigaw ko ring sabi. Di ko na namalayan na may dumadaloy ng luha sa mga mata ko. First time naming mag-away, at dahil kay Jem pa. "Pero I know na matututunan ko rin siyang mahalin." Humahagulgol kong sabi.
"Siguraduhin mo yan! Mahal ka ng tao e! Bakit ba pinapairal mo ang pride mo!" Sigaw niya kaya lalong lumala ang pag-iyak ko.
"Tama na yan." Cold na sabi ni Kuya AJ. Nag-walk out naman si Pammy at naiwan kami ni Kuya sa terrace..
"Kuya." Sabi ko at niyakap na siya. Lumalala ang pagdaloy ng luha ko, miss na miss ko na ang Kuya ko.
"Shh, stop crying baby girl." Sabi niya habang pinapath ang likod ko. "Narinig ko ang usapan niyo. Bigyan mo muna siya ng space." Tumango naman ako.
"Halika na, gising na si Jem baka makita niya tayo." Sabi ni Kuya at bumaba na kami.
~~
Jem's POV
Kakatapos ko lang maghilamos. Nagising kasi ako dahil sa dalawang babaeng nagsisigawan. Di ko alam kung saan ba talaga galing yun. Imposible namang sila Pammy At Ally yun, e never pang nag-away yung dalawang yun.
Aakyat ako sa kwarto ni Ally, baka kasi nagising din siya sa ingay e.
Pumipito pa ako paakyat ng second floor, hanggang sa nakita ko si Pammy, umiiyak.
"Moks? Okay ka lang?" Tumingin lang siya sakin at tumakbo na.
Sh*t! Sila nga ang nag-aaway! Pero bakit? Parang ang imposible eh.
Agad naman akong tumakbo pero nakasalubong ko si Arthur at Aliyah. "What happened?" Nagaalala kong tanong.
Tinanguan naman ako ni Arthur at umalis na. Hinawakan ko ang dalawang balikat ni Ally. "Are you okay?" Hindi siya sumagit at dumeretso siya papuntant kwarto niya kaya sinundan ko siya.
BINABASA MO ANG
Dating My Ex-Crush (COMPLETED)
Teen FictionPaano mo mamahalin ang taong pinagsawaan mo na? Kung totoong mahal mo talaga, kaya mo ba talaga i-sacrifice lahat para sakanya? Sabi nga nila, love finds a way. Makaka-hanap nga ba ng way ang destiny para paglapitin sila ulit? The Gangster meets Mis...