Aliyah's POV
"Sino ba kasi yang ka-text mo?" Tanong ko kay Pammy kasi kahapon pa siya busy sa phone niya, hindi ko na nga siya nakaka-usap ng maayos e. Hindi naman siya ganito dati, ang weird lang.
Tumingin siya sakin at tumawa, "Grabe naman, alam mo naman ako." sabi niya sakin.
"Alam mo, di ko talaga alam sino boyfriend mo." Natatawa kong sabi. Araw-araw kaya may pinapakilala siyang lalaki sakin.
"Uy, isa lang naman ang boyfie ko. O.A. na, girl." She playfully rolled her eyes.
"Oo nga, si George."
"What the fuck, break na kami." Masungit niyang sabi.
What?! Agad-agad? Less than 1 month palang sila ni George e. I thought magtatagal sila lalo na kay George? I can see na mahal na mahal talaga niya si Pammela.
"What?! Kailan pa?" Naguguluhan kong sinabi.
"Last week pa, girl." Chill nyang sinabi.
"Sino nakipag-break? Bat di ko alam? Sino bago mo?" Medyo napalakas ang mga dere-deretso kong tanong.
Siya naman tumawa lang, "Chill, girl. Ako nakipag-break okay? Nakakainis na kasi siya, patay na patay siya sakin."
"I know! That's my point, mahal ka ng lalaking yun—gosh, I have to chill." Huminga ako ng malalim. "Okay, sino bago mo?" Chill kong tanong.
Medyo kinilig pa siya, "Kyaaaah!"
"Shh!" sabi ko sakanya sabay quiet sign.
"Si Ivan!!" Napayakap naman siya sa libro na hawak niya pagkatapos sabihin 'yon.
"What?!"
Bakit si Ivan? No! No! No. Si Ivan lang naman ang Dark Master, pangalawa sa pinakamataas sa Golden 10 (Gang nila Jem). Kung baga sa mga groupings, siya yung assistant leader.
"Yeah. Si Dark Master." Kinikilig niyang sabi.
"No way." Matipid kong sabi. Hindi parin kasi ako makapaniwala as in.
Ngumiti siya, "At dahil bestfriend kita, sasamahan mo ko sa hide out nila mamaya kasi magkikita kami ni Ivan." Kinikilig nyang sabi.
What?! Parang gulo papasukan ni Pammy. Delikado. Gang yung mga yun, and hindi lang 'yon. Isa sila sa mga notorius gangs sa buong easthood. Madalas silang may kaaway at parang normal nalang ang gang fights sakanila.
"No."
Nag-pout siya, "Kung ayaw mo, ako nalang." She rolled her eyes.
"No! I'll come with you sa hide out nila." Shit, bakit ko nasabi yun? Gosh. Ayoko kasi na pumunta siyang mag-isa dun. Kung may ginawa man silang masama samin, ika-karate ko sila.
"Well, then tara na!" Sabi nya at hinila ang kamay ko.
Ang hide out ng mga Golden 10 ay malapit lang dito kaya lalakarin lang namin, mga 5 minutes walk lang. Keri pa naman.
Pagkarating namin dun, bigla akong kinabahan. Mukhang haunted na 'to oh. Pagpasok namin agad bumungad samin si Arthur, isa sa mga myembro nila. Nginitian ko siya.
"Andito na pala kayo, kanina pa naghihintay si Dark Master." Sabi ni Arthur.
Naglakad na kami at narinig ko na ni-lock ni Arthur ang malaking gate.
"Hey Ladies." bati ni Simon samin.
Eto lahat ng Members nila at positions para di kayo malito.
Gerald Emerson "Jem" Enriquez - Dark King.
BINABASA MO ANG
Dating My Ex-Crush (COMPLETED)
Teen FictionPaano mo mamahalin ang taong pinagsawaan mo na? Kung totoong mahal mo talaga, kaya mo ba talaga i-sacrifice lahat para sakanya? Sabi nga nila, love finds a way. Makaka-hanap nga ba ng way ang destiny para paglapitin sila ulit? The Gangster meets Mis...