Aliyah's POV
Bukas na ang 1st monthsary namin ni Jem. Pero di ko pa sya nakikita since last week. Oo, pumapasok siya pero di ko na sya naabutan. Magkaiba na kami ng sched.
Di man lang sya mag-text. Jusko! Mababaliw na ako sa kakahanap sa kanya. Bukas na ang kauna-unahang monthsary namin pero di ko pa sya nakikita.
The hell! What's happening to him? Ganyan na ba sya ka-bipolar? Nakakalimutan nya na may girlfriend slash fiancé pa?
"Bukas na monthsary nyo ni Jem ah." Paalala sa akin ni Pammy. Napapikit nalang ako dahil di ko na alam ang gagawin? Sh*t! Jem! Where are you? You're making me lunatic as f*ck!
"Doesn't he text you?" Tanong naman ni Stever. Umiling lang ako.
"Bes, trust him. Never kang makakalimutan non." Sabi nya habang pina-path yung likod ko.
Di ko alam ano maisasagot ko sa sinabi niya. Imagine, last week ko huling nakita si Jem. At last kaming nag-usap ng matino nung 3rd weeksary namin. Sinong hindi mababaliw don?
"Hindi ko na kaya." Sabi ko kila Stever habang umiiyak. Masyado na akong nasasaktan sa actions ni Jem.
I tried calling him last night pero di siya sumasagot.
"Aliyah, we are here. We are your comfort zone so just let it out. Don't be scared. Cry so it will lessen the pain.." Sabi ni Stever.
Thankful naman talaga ako dahil di nila ako iniwan. Di ko na alam anong mangyayare sakin kung wala sila.
Nagtanong naman ako sa mga member ng Golden 10 at kay Kuya. Once a week nalang daw pumupunta si Jem sa hide out tapos dry pa sya.
Pilit daw tinatanong ni Kuya Arthur kay Jem kung okay daw ba kami. Pero di daw sumasagot si Jem.
"Thanks Guys." Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Ano balak mo?" Tanong sa sakin ni Pammy.
"Nothing. I really don't even know what to do either than crying." Sabi ko.
Wala na nga ba talaga kami ni Jem? Ugh. Bakit ba nya pilit na pasakitin ulo ko! I swear kapag nakita ko sya ilalabas ko lahat ng galit ko!
"Well, don't waste your tears. You're not even sure of what's happening to him." Napaisip ako sa sinabi ni Stever.
Goodness. Oo nga! I keep worrying about myself. Masyado akong naging selfish. Di ko man lang naisip ang nararamdaman nya kaya niya ginagawa ito. Masyado akong nagdamdam mag-isa.
Lalo tuloy ako nag-alala.
"Nasan na kaya siya?" Nagaalala
Kong tanong."Aliyah." And a familiar voice called me.
"Jem?" Nakatingin ako kila Pammy habang sila nakatingin sa likod ko...nakangiti.
Tumalikod ako at nakita ko sya na nakatingin sa sahig. "Jem!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya.
"What the f*ck! Ano bang nangyayare sayo?! Did you know na mababaliw na ako sa kakahanap at pagaalala sayo huh?! Wala ka man lang paramdam!" Sigaw ko sa kanya habang dinadabog ang dibdib niya. Magsasalita pa sana ako pero he cutted my words.
"Shh." Sabi niya habang naka-shh sign. "I'm sorry. Ano kasi. Nagr-ready ako para bukas." Bulong nya sa akin.
"The f*ck! G*go ka ba? Oo! Ako na ang sasagot ng tanong ko!" Nanggigigil ako sa kanya.
"Tama bang sagutin mo ang sarili mong tanong?" Naiinis ako sa way ng pagsasalita niya. Nakukuha nya pang mag-chill? Habang ako mamamatay na sa inis?
"Sorry na kung nagalit ka...." tama ba tong nangyayare? Kumakanta nanaman sya?
"Di naman sinasadya." Pinalo ko naman sya sa braso.
"Aray!" React niya."Manigas ka dyan!" Sabi ko at tumakbo.
Magpapakita lang siya ng ganon ganon lang? Dammit!
Ang yabang nya talaga! Feeling nya agad ko syang mapapatawad. Pagkatapos nya akong pagalalahanin? Pagtapos nya akong paghintayin? Pagkatapos nyang di sagutin ang mga calls and text ko? O.A na kung O.A. pero nakakainis siya!Naririnig ko naman ang pagtawag sakin ni Pammy at Stever. Pero tumatakbo pa rin ako.
I need space. Okay lang sana kung pang-una nya to eh. Pero di ako tanga. Pangalawa ng beses nangyare to. And I swear!!! I'm starting to hate him again!
~~
Jem's POV
F*ckity f*ck myself! Galit na talaga sya sa akin. And hindi ko siya masisisi dahil alam ko yung mga ginawa nya. I'm not answering her calls and texts. And I didn't care about her feelings. Pero kailangan ko lang talagang gawin to. KAILANGAN na KAILANGAN.
I'm sorry for hurting you, Aliyah. But this is for you. Siguro maganda na rin ang ginagawa ko na para masanay ka. Perhaps, bukas pa lang ang first month namin. First month nung naging kami. Pero years na yun pagmanahalan namin kaya alam kong masakit parin sakanya at syempre para sa akin.
Tinry ko syang sundan pero hindi ko na sya naabutan. Medyo naging tuod kasi ako nung tumakbo siya.
May humawak naman sa balikat ko. Si Pammy pala. Kasama niya si Stever.
"Give her space." Sabi sa akin ni Pammy.
"Pero bukas na monthsary namin." Sabi ko. Di ko pwedeng palipasan ang araw na to na galit sya sa akin.
"Kasalanan mo yan." Sabi ni Pammy at umalis na.
Sa pagsabi niya nun para pasan ko ang mundo. Na parang ang laking kasalanan yung ayoko siyang masaktan. Ano kayang gagawin ko? Ilang months, weeks or days pa ba?
"It's your responsibility." Sabi naman ni Stever at sumunod na kay Pammy.
Nung sinabi nilang dalawa yun. Mas nasaktan ako. Mas nagmumukha pala akong masama sa paningin nila. Eh ang tangi ko lang ginagawa ay protektahan si Aliyah. Pero wala.....alam kong di/never nila akong maintindihan.
A/N: short update.
BINABASA MO ANG
Dating My Ex-Crush (COMPLETED)
Teen FictionPaano mo mamahalin ang taong pinagsawaan mo na? Kung totoong mahal mo talaga, kaya mo ba talaga i-sacrifice lahat para sakanya? Sabi nga nila, love finds a way. Makaka-hanap nga ba ng way ang destiny para paglapitin sila ulit? The Gangster meets Mis...