A/N: si Ate Sparks @sevensparkles may idea ng flow na to. HAHAHAHA. Yung about sa London nyahaha. Tapos para daw pag blah blah blah. Secret na pala yun! Hahaha. Thank youuuuu Ate Sparks!
~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤
Aliyah's POV
Agad akong pumayag sa gusto ni Dad na umalis kami sa pinas ni Kuya. Parang back to normal lang ako, baka din mabilis akong makapag-move on ngayong wala na si Jem sa buhay ko.
Nakauwi na ako sa bahay pero siyempre di pa naghihilom ang mga sugat ko sa mukha, lalo na sa puso. Malakas kasi yung impact ng pagkauntog ng mukha ko sa manubela kaya malala rin ang mga sugat ko sa mukha.
*knock knock*
Someone knocked. "Come in!" Sigaw ko.
Pumasok naman si Kuya AJ at Dad. Tumabi sila sa akin at nginitian ako.
"Uh baby, mukhang cancelled ang pagpunta niyo ni Kuya AJ mo sa korea." Sabi ni Dad.
My jaw dropped. Seriously? Ano to, pinaasa nanaman ako?
"What!?" React ko.
"Well baby girl, kinontact kasi namin kanina ni Daddy sila Auntie Perusa at Uncle George. They decided na mag-change location kaya mga 2 weeks after din nasa London na sila." Ecplain din sa akin ni Kuya AJ.
The question is tuloy pa ba kami?
"So, sa London nalang. Okay lang ba sayo?" Sabi naman ni Dad.
I smiled. "Ofcourse Dad. I just got nervous na akala ko di matutuloy ang pag-alis namin ni Kuya. Kahit saan okay lang sakin basta makaalis lang ako dito." Sabi ko.
"That's great. So, magpahinga ka na." Sabi ni dad at kiniss ako sa forehead same as Kuya. Pagkatapos nun ay lumabas na sila.
Naglibot naman ako sa kwarto. Nandito pa rin yung pictures namin ni Jem.
Kumuha naman ako ng malaking box. Nilagay ko dun yung picture namin na naka-frame. And also, di ko pa rin pala natatanggal ang engagement ring namin.Muli akong umiyak, sobrang sakit ng ginawa niya sakin. Tinanggal ko na ito at nilagay din sa box. Madami pa kaming pictures, lahat yun inilagay ko. Kinuha ko naman sa cabinet lahat ng damit na binigay niya nung mga monthsaries namin. Nilagay ko rin ang mga yun sa box. Kahit ang ganda ng mga damit na yun kailangan ko paring alisin. Para maalis na rin si Jem sa buhay ko.
Pati rin pala itong si Marshie, yung human-sized teddy bear na binigay niya kailangan ko ring alisin. Kahit ang dami na naming napagdaan ni Marshie, sorry, pero ito lang ang paraan na alam ko para makalimutan ko si Jem.
Siya rin kasi ang nagbigay sa pangalan mo para daw complete family na. Siya daw si Siopao, ako naman si Muffin at ikaw daw si Marshmallow. Complete na daw yung pamilya. Pero g*go siya noh? Iniwan niya ako. Sinabi niya mahal niya ako, hindi naman pala.
Tapos ngayon, pupunta na akong London. Hindi ko na siya makikita. Sana mahanap na niya ang babaeng magmamahal sakanya...nahanap na niya pala. Si Jessica na ang kapalit ko. Sana alagaan niya si Jem kung paano ko siya alagaan.
Kapag nasa music room si Jem tapos magp-play siya ng instrument. Kahit naka-aircon pagpapawisan talaga yun kaya lagi kong nilalagyan ng towel yun sa likod kasi baka matuyuan ng pawis. Sana gawin dun yun lagi ni Jessica sa kanya.
Si Jem kapag busy sa school works di na kakain yun. Lagi kong pinapaalala sa kanya na kumain siya kasi magagalit ako pag hindi siya kumain. Sana huwag kalimutam ni Jessica na paalalahanan siya kasi baka magutuman si Jem baka pumayat.
Si Jem hindi madaling malasing yan pero mahirap kapag nalasing. Agad tulog. Nung christmas diba pool nag-party kami? Tapos may cuddle cuddle pa siyang malalaman. Ang sweet niya noh? Sana gawin niya rin yun kay Jessica.
Si Jem sobrang let it go non, sobrang cold pero kapag tinarayan ko na siya mawawala na yun. Sana may technique din si Jessica para mawala yung let it go let it go ni Jem.
Teka, bakit ba pilit kong sinasaktan ang sarili ko? Nasasaktan na natutuwa. Naaalala ko yung mga ala-ala namin. Ang sakit sakit kasi alam kong hindi na mauulit yun.
Pinunasan ko ang mga luha ko at kinuha ang phone ko. Ide-deactivate ko na lahat ng account ko at gagawa ako ng bago. Gustong-gusto ko na siyang kalimutan at sana mawala na lahat ng feelings ko para sakanya. Pero ang hirap! Sobrang hirap.
Binuhat ko na ang box pati na si Marshie at lumabas na ng kwarto.
"Manong? Pakidala po ito sa basurahan." Sabi ko kay Manong Alfred at inabot sa kanya yung box at si Marshie.
"Eh ma'am Ally, sigurado ho kayo?" Tanong ni Manong Alfred.
Tumango naman ako at ngumiti. "Opo, oh di kaya i-donate nyo nalang po." Sabi ko.
"Sige po." Aalis na dapat siya pero pinigilan ko siya.
"Uh manong, sandali lang po." Sabi ko at kinuha si Marshie.
"I'm gonna miss you." Niyakap ko siya ng mahigpit at kiniss. "Eto po. Sige na po, Manong". Sabi ko saka na siya umalis.
Mamimiss ko si Marshie (T.T) siya ang kausap ko kapag wala si Jem. Siya ang kayakap ko kapag wala si Jem. Siya ang pinagsasabihan ko kapag wala si Jem. Bestfriend plus proxy siya ni Jem kaya mas maganda talaga siguro na ipamigay ko nalang siya. Kahit sobrang sakit at di ko pa tanggap, balang araw matatanggap ko rin.
Pumunta naman ako sa kitchen para kumuha ng snacks. Binuksan ko ang ref at kumuha ng yogurt at apple. Tapos dumeretso ako sa dining room para doon ko kainin yun.
"Hi baby!" Bati sa akin ni Mommy.
"Hello, Mommy." Bati ko pabalik. Umupo naman siya sa harapan ko.
"Aww, I'm gonna miss you. Kapag nakita kita 21 ka na." Sabi ni Mommy habang pilit na ngumingiti.
"Me too. Biglaan din po kasi pero diba it's for my good." Sabi ko kay Mommy sabay wink.
"I hope makalimutan mo siya agad. Alam mo, botong-boto ako kay Jem at gustong-gusto ko siya para sayo dati kasi sobrang pinakita niya na mahal ka niya. Hindi nga ako makapaniwala na lolokohin ka niya." Sabi ni Mommy. Nang sinabi niya yun gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko. Hindi ako sanay umiiyak sa harapan niya.
"I will, mommy. Makakalimutan ko din siya. I just need time."
BINABASA MO ANG
Dating My Ex-Crush (COMPLETED)
TienerfictiePaano mo mamahalin ang taong pinagsawaan mo na? Kung totoong mahal mo talaga, kaya mo ba talaga i-sacrifice lahat para sakanya? Sabi nga nila, love finds a way. Makaka-hanap nga ba ng way ang destiny para paglapitin sila ulit? The Gangster meets Mis...