Aliyah's POV
4 days nalang goodbye Philippines na ko. Teka, diba paputok yun? Ay di yata. Ay bahala na.
Nasa sala kami ngayon nila Pammy at Stever nagmo-movie marathon para daw kay bonding kami bago ako umalis.
"In fairness sayo bakla ka, bumabalik na ang kagandahan mo. Wala na yung mga sugat mo." Sabi sa akin ni Pammy habang kumakain ng chips.
"Salamat naman." Sabi ko ng nakangiti. "Tanong ko lang ah, kayo pa ba ni Ivan?"
"Nakipag-break na ako at saka wala na rin daw yung Golden 11."
Pinokus ko naman yung tingin ko sa kanya. "Seriously? Kailan pa?"
Uminom muna siya ng juice bago ako sagutin. "Nung the date na nakipag-break si you know who sayo." Sabi niya.
Tinanguan ko naman siya at muling nag-focus sa panonood. Ayoko ng mag-open ng topic na nandoon si you know who.
"Stever." Tawag ko. Ang seryoso niya kasi eh, poker face. Ang lalim ng iniisip neto. "Are you okay?" Natatawa kong tanong sa kanya.
Tinignan naman niya ako, "Nothing. Wala. I'm just gonna miss you." Cold niyang sabi.
"I think we need more juice." Sabi ni Pammy at kinuha ang pitcher. Alam mo naman yung balak niya eh, balak niyang iwan kami ni Stever para makapag-usap kami.
"Don't worry. There's skype, messenger so we could keep in touch." Sabi ko sakanya ng nakangiti.
"Iba pa rin kapag wala ka." Sinabi niya. Kyaah! May accent pa rin e! Pero ang gwapo niya.
"Saan mo naman natutunan yang mga katagang yan?" Natatawa kong tanong.
"I have an english-filipino dictionary and I'm trying hard to talk in tagalog just----para makausap kita ng tagalog like Jem when he's telling you corny jokes." Sabi niya.
"You want to be like him?" Tanong ko.
Umiling siya, "No, I want to replace him." Huminga siya ng malalim. "Look Ally, I really really like you and it's hard for me to live without you." Seryoso niyang sabi.
Nat-touch ako sa sinabi niya pero hindi pa ako handa.
"Aliyah, pwede ba akong manligaw?" Tanong niya.
Ngumiti naman ako. "Steve, di pa ako ready na pumasok sa relasyon."
"No, I'm not forcing you. I'll give you time." Sabi niya ng nakangiti.
Niyakap ko naman siya, "Thank you." Sabi ko at kumalas na sa yakap. "Steve, when I come back I'm sure naka-move on na ako. I'll give you a chance to make our story."
"Really? Thank you, Aliyah. You're always making me happy." Sabi niya.
"Yiiiie!" Sigaw ni Pammy habang nagdadala ng isang pitcher ng juice.
"Ang tagal mong nagtimpla ah." Sabi ko sakanya.
Tumawa naman siya, "Siyempers, lagi kaya akong right timing." Sabi niya at nag-wink. "Tse! Huwag nyo pala akong kausapin, inggit ako! Huhuhu." Pagdadrama niya.
"Sus! Ikaw pa! Akala ko ba maraming nakapila?" Tumatawa kong tanong.
"Naman!" Sagot niya.
"You'll find the right person for you." Sabi ni Stever kay Pammy.
"Jusko!" React ko. "Bago niya mahanap si da one, 500 na lalaki muna ang magiging boyfriend niya." Natatawa kong sabi.
"Grabe ka sakin, bakla ka ah." Sabi niya. "I'm gonna miss you." Dagdag niya.
Asus! Nag-drama pa ang baklang palaka.
"Kapag di mo kami binalikan, di ka na makauwi."
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Joke lang, beshie! Mamimiss talaga kita." Sabi niya at niyakap ako."I'm gonna kiss-I mean miss you too." Sahi ni Stever. Kaloka siya pero niyakap ko na rin para it's a tie.
Naiiyak talaga ako, mamimiss ko silang pareho pero kailangan talaga. Tama naman siguro ako na binigyan ko ng chance si Stever, hindi naman siya mahirap mahalin. Sana nga naintindihan niya ako dahil hindi ko pa talaga kayang umibig sa ngayon. Masyadong masakit yung binigay sa akin ni you-know-who. Yung mga ala-ala na di na mangyayare. Hays pag-ibig, minsan masaya, minsan nakakamatay na.
"Edi halikan mo na!" Sigaw ni Pam. "De joke." Pahabol niya.
"I'll wait for the right time." Sabi niya ng nakangiti.
"Bes, asaan pala si Arthur Mc Arthur?" Tanong ni Pammy.
"Nasa kwarto."
"May nakalimutan kasi akong sabihin sa kanya." Sabi niya.
"Sige, katukin mo lang." Sabi ko. Tumakbo naman siya paakyat.
Tinignan ako ni Stever at ngumiti. Medyo awkward pa talaga para sa akin.
"Aliyah, I won't hurt you I promise." Ngumiti naman ako at niyakap siya.
Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa kanya. Pero imposible sa isang relasyon na hindi kayo magsasakitan emotionally diba? Sinabi na sakin kasi ni you-know-who yan.
At saka sa isang sariwang puso na nasaktan, mahirap pa sakanya ang magtiwala. Isang linggo palang ang nakakalipas nung umulan ng pain tapos wala akong masilungan. Dinadaan ko nalang sa tawa ang lahat pero ang hirap at ang sakit kasi ayaw mawala. Masakit sa dibdib. Kaya mo lang siyang itagi pero di mo siya kayang alisin. Ang hirap, ang sakit sa dibdib. Sisiguraduhin ko na magbabago na ang lahat sa akin. I will be strong, hindi na ako madaling magpauto kasi masakit.
"I'll wait." Sabi niya ulit.
Hindi ko munang kayang tumango o um-oo sa kanya kasi baka umasa siya at masaktan. Hindi ko pa kasi talaga kaya. Pero kung si Stever na nga, sana magtuloy-tuloy na at sana walang masyadong problema. Masyado na akong nasasaktan. I want a happy life. I want my old self back.
Sana maibalik ni Stever sa akin yun, sakanya ako aasa muli. Wala na akong mahanap na ibang lalaki na magmamahal sa akin kung hindi siya nalang. Nahanap ko na ang lalaking nagmamahal sa akin ng totoo. Yung kayang gawin lahat para sumugal sa pag-ibig na ito.
Sa ngayon tanging pasasalamat na muna ang ibibigay ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dating My Ex-Crush (COMPLETED)
Teen FictionPaano mo mamahalin ang taong pinagsawaan mo na? Kung totoong mahal mo talaga, kaya mo ba talaga i-sacrifice lahat para sakanya? Sabi nga nila, love finds a way. Makaka-hanap nga ba ng way ang destiny para paglapitin sila ulit? The Gangster meets Mis...