Part 15: Jem's Background

336 12 0
                                    

Aliyah's POV


Sa wakas!!!!!! We're here! Sobrang pagod sa byahe ang lola niyo kaya for sure, beauty rest ako neto.


Simple lang ang bahay nina Jem dito. Bahay pala ito ng Lola niya na si Lola Amber. O diba? Pak na pak ang pangalan? Hahaha.


"Hi Mommy Lola!" Masayang bati ni Jem sabay yakap at halik sa kanyang Lola. How sweet ♥


"Ang pogi kong apo, gwapo ka pa rin." Sabi niya sabay gulo sa buhok ni Jem. Mukhang early 60's pa itong si Lola Amber, batang-bata pang hitsura.


"Mommy Lola, si Aliyah po. My love." Sabi niya habang naka-akbay sakin. Grabe! Pwede namang 'girlfriend' nalang ang ginamit niyang term. Hahaha. Kilig to the bones ang lola nyo!


"Hmm" tinignan ako ni Lola Amber mula ulo hanggang paa. Inikutan pa niya ako. Bigla tuloy akong kinabahan. "I like her. Her looks, her fashion, her hair, I like everything about her!" Tuwang-tuwa niyang sabi.


Wooh~~ Akala ko rejection na ito. Mabait naman pala, akala ko masungit.


"Thank you po, Lola Amber." Sabi ko.


Tumingin naman siya kay Jem saka tumawa. "No, no, no, my Dear. You should call me 'Mommy Lola' na din. Masyadong nakaka-tanda kung lola lang. By the way, I should follow you on your social media accounts." Excited na sinabi ni Mommy Lola. Okay, I didn't expect her to be like that. Hehe ♥ I mean, I like it naman. Unexpected nga lang.


"Mommy Lola, pagod sa byahe." Sabi ni Jem habang tumatawa. Yea~ I forgot about my beauty rest. Eto na talaga yun!


"Oh yeah. By the way, doon kayo sa second floor." Explain ni Mommy Lola.


"Do we have seperate rooms?" Tanong ni Jem.


"Na-uh. Same room kayo. Osya, I have to cook for lunch. Ayusin niyo na gamit niyo." Tumango lang kami at umalis na siya.


Huminga ng malalim si Jem, "Sorry, I didn't know na parehas tayo ng kwarto." Sabi niya habang nakangiwi.


Ano bang gagawin ko? Okay lang ba na parehas kami ng hihigaan? Huhuhu. Di iz me sanay, baka mapadyak ko siya or something.


"It's okay." Huhuhu


Pumasok na kami sa kwarto, malaki naman pala ang kama. In fact, sobrang laki. Maglalagay nalang ako ng kumot sa gitna namin para iwas malisya.


Aktong hihiga na ako pero----


"Hep! No beauty rest muna, may pupuntahan tayo." Sabi niya.


What?!!! Pero andito na si bed, matagal nang naghihintay kung kailan magagamit. Heto na ako oh :(


"Saan?" Tanong ko sabay pout.


"Basta." Sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ako at lumabas na.


Saan ba kami pupunta? Dumaan pa kami dito sa may mga palayan. Ang ganda ng view!


"We're here." Sabi niya. Hinigal ako. Ang layo ng nilakad namin, double beauty rest niyan ito.


Pero natanggal ang pagod ko nang nakita ko ang view. "Kami mismo ang nagpagawa nito." Sabi niya.


Ang ganda! (♡·♡) isa siyang parang river pero maliit lang. Lakas talaga nila Jem, pati ilog meron sila.


"Malinis ang tubig dito, dahil binabayaran din eh." Malinis naman pala. Kaya umupo ako sa isang bato at nilagay ang paa ko sa tubig, ginawa rin yun ni Jem.


"This is my favorite place ever." Sabi niya. Halata naman e! Ang ganda kaya dito.


"Mukhang favorite place to ng lahat." Sabi ko ng nakangiti. Tinignan ko siya, seryoso nanaman mukha niya.


"Dalawa lang ang may favorite sa lugar na ito."


"Sino pa?" Clueless kong tanong.


"Kapatid ko." Waaaah~ may kapatid pala siya?


"May kapatid ka pala? Asan na siya?" Excited kong tanong.


"Nasa states, miss ko na nga siya eh. Kasama niya sila Mommy and Daddy doon." (¤·¤\\) umiiyak siya? Umiiyak si Jem.


"Kung nasa states sila, bakit hindi ka kasama?" Naka-pout kong tanong.


"Marami akong kailangan bantayan, tulad ng mansion at iba pa. May cancer kasi kapatid ko, kailangan siyang gamutin doon." Nang sinasabi niya yan, nakatingin lang ako sakanya. It breaks my heart kapag nakikita siyang nasasaktan. Now, I know. Now, I understand.

Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit, "I didn't know. And I'm sorry for not knowing it. Nandito lang ako, Jem. Hindi kita iiwan." Umiiyak na rin ako. Sobrang sakit na nakikita siyang ganyan. Hindi ko kaya.


"Don't say sorry, di ko talaga pinaalam sayo nung una. Pero now you know how weak I am, ikaw lang talaga ang nagpapasaya sakin. Sa ngayon, ikaw lang ang meron ako." Grabe ang pinagdadaanan niya. Hindi ko alam talaga. And I'm sorry dahil nag-plano akong paghigantihan ka. Hindi ko alam na lalong sasakit ang nararamdaman niya kapag nalaman niya iyon. Kaya isasantabi ko na yun.


"I'll never let you down." Sabi ko at kiniss siya sa cheeks. Buti nalang ngumiti siya.


"You are my happiness, my everything, my love, my world. And If nawala ka pa, I know I'm going to be dead." Sabi niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko yun. I can't express what am I feeling right now. Hinding-hindi ko na hahayaan na magka-hiwalay kami.


Niyakap niya ako, "Mahal na mahal kita, Aliyah Jane Morales."


"I love you too, Gerald Emerson Enriquez." Sabi ko.


Tinakpan ko ang labi ko gamit ang kamay ko saka ito dinikit sa labi ni Jem. "Tatanggalin ko itong kamay ko sa araw ng kasal natin." Sabi ko sakanya.


"Hindi ba pwede ngayon?" Natatawa niyang sabi. Buti naman at tumatawa na siya. Di ko keri yung mga scenes kanina. Hahaha.


"HINDE!" Masungit niyang sabi.


"Joke lang" hahahahaha





.

Dating My Ex-Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon