Part 37: Last Message

268 8 1
                                    

Aliyah's POV





Nagising na lang ako ng puno ng puti ang nasa paligid ko. Tumingin ako sa paligid at nakita ko sila Mommy, Daddy, Kuya AJ, Pammy at Stever. Nasaan ba ako?






"Baby, buti nalang nagising ka na." Sabi ni Mommy at kiniss ako sa forehead.





"Are you okay? May masakit ba sayo?" Tanong naman ni Daddy.






Lumapit naman sa akin si Pam. "Omg, you're not answering us. May amnesia ka ba?" Naluluhang tanong niya.






Amnesia? Eh kilala ko nga sila eh.





"Don't you remember anything?" Tanong naman ni Stever.






"Naaksidente ka." Sabi ni Kuya AJ.






Oo nga pala. Naaksidente ako! Tumulo nanaman ang mga luha ko.






Si Jem! Bumalik nanaman yung sakit. Sanang nanatiling tulog nalang ako o kaya sana namatay nalang ako!



"Si Jem!" Hagulgol ko. "Patayin niyo nalang ako!!!" Sigaw ko habang humahagulgol.






Hinawakan ni Kuya AJ ang kamay ko. "Anong ginawa niya sayo?"






"He broke up with me. Ang sakit ng mga sinabi niya, Kuya. Kuya, hindi siya yun! Kaya pa namin ayusin diba?" Sinubukan kong tumayo pero ang sakit ng katawan ko.






"I'll be here, pinagganti na na kita." Sabi ni kuya.






Lalong lumala ang iyak ko. "Kuya please. Is he okay? I want to talk to him!" Sabi ko.






Pilit akong tumayo pero sobrang hina ko. Napaluhod nalang ako sa sobrang panghihina. Iyak ako ng iyak.






Nakita ko naman na niyakap ako ni Kuya. Si Mommy at Daddy umiiyak na din. Si Pammy nakayakap kay Stever.






"Sinaktan ka lang niya." Sabi ni Kuya AJ.






Tumingin naman ako kila Pammy at tumango sila. "He broke you." Sabi naman ni Daddy.





I know! I know! Alam kong sinaktan niya ako pero hindi ko kaya na wala siya. HINDI KO KAYA.






Pinilit naman akong tinayo ni Kuya at pinahiga sa kama ko. "You deserve better, kalimutan mo na siya." Sabi ni Pam.






Hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya! Mahal na mahal ko siya. Bakit niya ba kasi ako iniwan? Bakit?




~~~~~

Arthur's POV






Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang ganito. Kasalanan talaga to ni Jem!





Nakita ko namang sumenyas si Daddy na lumabas ako. Tumango ako at lumabas na kaming dalawa.





"Hindi na dapat makita ni Aliyah si Jem." Sabi sa akin ni Daddy.





Tumango naman ako, "Paano naman, Dad?"





Tinignan naman niya ako ng mabuti. "Edi sa Korea na muna siya, samahan mo siya. Nandoon naman sila Auntie Perusa at Uncle Goerge niyo." Sabi ni Dad.






Medyo nalungkot ako sa idea ni Daddy, ayokong iwan ang Pilipinas pero para naman kay Aliyah to' kaya mas mabuting huwag na akong magreklamo.





"Opo, Daddy. Pero kailan po ang alis namin?" Tanong ko.





"Uhm, baka after two weeks maaayos ko na ang papers niyo." Sabi ni Daddy.





"Ilang years naman po kami mags-stay doon?"




"3 years." Sabi ni Dad at pumasok na sa kwarto.





Napalunok na lang ako sa sinabi niya. Paano na ang Golden 11? Mags-stay ba sila kahit wala na ako?





Lumabas muna ako ng Hospital. Maglilibot muna ako, mamimiss ko ang Pilipinas.




Pumasok muna ako sa kotse at pinaandar na ito.





Pupunta muna ako sa mall. Tambayan ko kasi dito hahaha. For sure, mamimiss ako ng mall na ito. 3 years ba naman akong mawawala? Haha.




Ilang minuto lang nakarating na rin ako dito. Naglakad-lakad ako, sanay naman akong mag-isa.





Isang pamilyar na lalaki ang nakita ko. Tinignan niya muna ako ng matagal bago lumapit sakin.





"Arthur, let me talk to her." Sabi ni jem. Ang kapal nga naman ng mukha niya, pagkatapos ng ginawa niya sa kapatid ko.




Naglakad naman ako palabas ng mall, baka kasi bigla ko siyang awayin.





Nakalabas na kami ng mall at hinarap siya. "Huwag mo na siyang guluhin!" Sabi ko sakanya.





"Please." Pagpupumilit niya.





Hinawakan ko ang kwelyo niya gamit ang dalawa kong kamay at tinulak siya. "G*go ka talaga. Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sakanya ang lakas ng loob mo para magpakita sa kanya? Mababaliw na ang kapatid ko dahil niloko mo siya! Huwag mo na kaming guluhin. Makalipas ang dalawang linggo, hindi mo na siya makikita." Derederetso kong sinabi sa kanya.





Lumungkot naman ang mukha niya. "Saan siya pupunta?"





"Pupunta na kami ng Korea, kasalanan mo to."





Nabigla naman ako ng tumulo ang luha niya. "Arthur, please huwag. Kakausapin ko siya, I'll explain everything."





Sinuntok ko naman siya sa pisngi. "Last na yan, Gerald. Paalam." Sabi ko at umalis na.





Naglakad na ako papalayo sa kanya. Lumingon ulit ako para tignan siya. Umiiyak siya.





Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya pero ang labo niya. Sobra. Pagkatapos niyang saktan si Aliyah? F*ckkkkkkk. Nakakainis siya!





"Arthur!" Siya nanaman. Bakit ba ang kulit kulit niya?! Kulang pa ata yung suntok na binigay ko sakanya.





Tinignan ko siya at hinintay siyang magsalita ulit. "P-pakisabi sakanya na." Tapos lumuha nanaman siya. "Pakisabi sa kanya na mahal ko siya. Mahal na mahal." Tapos humagulgol nanaman siya ng humagulgol.





Kung hindi niya lang sinaktan si Aliyah maaawa ako sa kanya. Pero nasa hospital ngayon ang kapatid ko, dahil sakanya. Kaya di dapat ako maawa.





"Arthur please. Sabihin mo sakanya yun bago man lang kayo pumunta ng korea." Nagmamakaawa niyang sabi.





Tinignan ko lang siya saka na umalis. Sasabihin ko ba kay Aliyah? Kapag sinabi ko natural magmamakaawa siya na makipag-usap kay Jem. Kasi maf-feel niya na mahal pa rin siya ni Jem. Makakalimutan niya na niloloko lang siya ni Jem. Kaya mas mabuting huwag ko nalang sabihin kay Aliyah para makapag-move on siya agad.





I'm sorry, Jem. But you deserve that pain.

Dating My Ex-Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon