Part 59: Muling Pagkikita

326 13 0
                                    



Aliyah's POV





Umalis na sila Samantha, nagpa-iwan ako dito. Nagbihis muna ako agad. Nagsialisan narin ang mga tao. Tanging ang mga maglilinis nalang ng church ang mga nandito.
Pumasok ako sa loob para hanapin si Jem.
At ayun, nakita ko siya sa tapat ng altar. Nakaupo siya.





Nag-lakad ako sa aisle, fini-feel ang moment. Punong-puno ako ng ngiti habang tuloy-tuloy kong na-realize na papalapit ako sakanya.





Siguro naramdaman niya ang presence ko kaya tumingin siya sa likuran niya at nakita na niya ako. Lumaki ang mga at napatayo siya.
Tanging ngiti lang ang nailabas ko ngayon. Hindi ako makapag-salita.
Palapit kami ng palapit sa isa't-isa.





Ngayon nasa harapan ko na siya.
Parehas kaming ngumiti.
"Aliyah." He cried while calling my name.
Sasagot pa sana ako pero bigla niya akong inakap ng mahigpit. Wala akong ibang magawa kung hindi umiyak.
After lahat ng mga nangyari, nagkita ulit kami.





Kumalas na kami sa yakap, kitang-kita ko sa mga mata nya ang mga crystal clear na luha. Kahit ako hindi ko na napigilan at naiyak na rin ako.
"I'm so sorry. Alam ko ano lahat ng mga nangyare sayo. I'm really really sorry for not protecting you." Hagulgol niya.





"Shh, no. It's not your fault. Kailangan ko ngang magpasalamat dahil sa sinakripisyo mo para sakin." I said.
"I'm just so happy to see you again." Nakangiti kong sabi.





Ngumiti rin siya, "Ako din but wait, where are they?" Tanong niya.





Lumungkot naman ang hitsura ko, "Sa hospital. Madaming nasaktan sa kanila, lalo na si Ivan. Nasaksak siya sa likuran." Sabi ko sabay patak ng luha sa mga mata ko.





"What?!" React niya.





I took a heavy sigh, "Yes, Jem. Pinlano namin lahat ng 'to." I explained.





"Tara, let's go there."





~~~~~~



Nandito na kami sa hospital. Naikwento ko na rin kay Jem lahat ng kailangan kong ikwento sakanya.





Nakita naman yung mga Goldens na nasa tapat ng operating room.
"Jem!" Sabi nilang lahat then isa-isa nilang niyakap.
Kumpleto na sila dito, si Ivan nalang ang wala dahil inooperahan pa siya.
Buti nalang sila Kuya Art, mukhang nagamot na.





Nilapitan ni Jem si Kuya Arthur. Remember? Hindi maganda ang huli nilang pagkikita.
"Peace, bro?" Tanong ni Jem. Tumango naman si Kuya sabay yakap kay Jem.





After naman ni Jem, syempre ako naman.
Agad akong tumakbo para yakapin si Kuya.
"Kuya kuya! I heard what happened. Okay ka na ba?" Nagaalala kong tanong sabay tingin pa sa mga bugbog niya na naka-band aid ngayon.





"Yah, masakit pero okay na." Sabi niya.
Nakita ko naman si Pam at Sam na papunta kung nasaan kami ngayon.





"Saan kayo galing?" I asked sa kanilang dalawa.





"Restroom lang." Sagot ni Pammela.
Hindi naman makasagot si Samantha dahil hanggang ngayon, ang sakit parin ng iyak niya.





"Hey, Sam." Sabi ko sabay yakap sa kanya.
"He's gonna be alright." Sabi ko para matahan siya.





"Yah, I know. Nag-aalala lang talaga ako." Sabi niya.
"By the way, is he Jem?" Tanong niya sabay tingin kay Jem.





Tumango ako. "Yes. Jem, she's Samantha. Girlfriend ni Ivan. Naikwento ko naman kung paano namin siya nakilala, diba?" Explain ko.





Ngumiti siya at nakipag-shake hands. "Pleasured to meet you." Sabi ni Jem. Tumango naman si Sam. "How are you, Robin?" Tanong ni Jem.
Para kasing nahihirapan pa si Robin na umupo ng maayos eh.





"I'm okay. Ganyan talaga hehe." Matipid niyang sabi.





"Sabi na kasi pa'confine ka na eh." Sabi naman ni Simon.





"Okay lang, kaya ko naman." Nakangiti niyang sabi.
Napatigil naman kami sa pag-uusap nang lumabas ang Doctor mula sa operating room.





Napatayo naman kaming lahat para maka-usap ang Doctor.
"He's now safe, all he need is to rest." Nakangiting sabi nung Doctor.





Napa-Thank you, Lord!!! Naman kaming lahat sa saya. Buti nalang okay na Ivan. Wala talagang makakatalo samin hehehe. Sa lahat ng hardwork na napagdaanan, buti nalang nalagpasan na namin.






Si kuya Arthur ang kumausap sa Doctor ni Ivan.
Ito namang si Pammy nilapitan ako.
"Bes," bulong niya. "Ang gwapo ng Doctor." Kinikilig niyang sabi.





Ito nanaman si Pammy oh pero tama siya. Mistiso. Ang gwapo nga.
"Hmm, oo, gwapo nga. Bes, may dimples." Sabay naman kaming kiligin ni Pammy.





"Oh guys, pwede na daw pumasok sa room ni Ivs." Sabi ni Alexis.





Nauna na silang pumasok.
Si Jem, tinabihan ako.
"Ikaw, nahawa ka na talaga kay Pammy. I heard your topic kanina. Just to remind you, liligawan kita ulit." Mayabang niyang sabi.





"Well, goodluck." I said while smirking then pumasok na kami sa kwarto.





Nadatnan naman naming gising si Ivan. Hindi daw siya natulog habang inooperahan ang likod niya, huhu ang brave niya.





"We should say thanks to Stever, siya ang tumawag ng police." Sabi ni Ivan.





"Yeah, guys. Right timing siya." Sabi naman ni Miguel.





"Galing talaga! But wait, nasaan pala siya?" Tanong ko.





"Uhm, nasa police station para mag-explain sa mga nangyare. Bukas palang tayo pupunta don to explain about daw plan." Explain naman ni Greg.





"Ahh. Buti nalang talaga ligtas tayong lahat." Sabi ni Jake.





Napangiti naman si Alexis, "Teka, jake. Sabihin mo na pala sakanila. Wala ng problema, diba?" Sabi ni Alexis.





Napataas naman ang kilay namin.
"Okay, guys. Pero paalala ko, after graduation pa ito, ah?" Paalala ni Jake.





"Oo na, ano na ba yun?" Naiinip na tanong ni Pam.





"After graduation, papasok ako ng seminaryo." Nakangiti niyang sabi.




Nabigla kaming lahat pero syempre masaya kami.
"Sabi na eh! Kaya napaka-relihiyoso mo!" Pangiinis ni Robin.





"Well, I'm so happy for you!" Sabi naman ni Jem. Ayiie naman! Muli na talagang nagbabalik ang Dark King.





"Thank you, Darks! Namiss ka namin." Sabi ni Jake.





"Oo nga!" React nila.





"After ng mga problema, maglibot na tayo sa U.S." aya ni Kuya Arthur.




"Yes naman!!!" Masaya naming sabi.





Malapit na kami ulit sa kasiyahan. Sana wala na ulit haharang pa samin. Buti nalang sa lahat ng napagdaanan namin, mapupunta rin sa saya ang lahat.














Dating My Ex-Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon