Aliyah's POV
Bukas na. Bukas na ako aalis ng Pinas. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ngayon. Pero na-ready ko na lahat ng gamit ko, tanging tulog nalang ang tangi kong gagawin.
Binuksan ko yung cellphone ko na ngayo'y naka-charge. Oh no, 11:57 am na. In 3 minutes 12 na. Huhuhu, 6am kailangan ko ng magising kasi 10 am flight ko kailangan pang bumyahe.
Nagpagulong-gulong ako sa kama. "Namimiss ko na siya! Pero hindi pwede, hinde!!!" Pilit kong sinasampal-sampal ang sarili ko.
Two weeks palang ang nakakalipas, masakit pa rin. Kahit lang sana isang araw na hindi ko na siya maisip, sana pwede. Okay na kasi eh! Okay na, bakit niya ako iniwan? Bakit niya ako niloko?
Ayan ka nanaman, Aliyah. Umiiyak ka nanaman eh. Dapat kasi kalimutan na siya. KALIMUTAN.
Tawagan ko kaya siya? Ay hindi huwag. Huhuhu.
Ang hirap! Gustong-gusto ko siyang makausap kahit isang minuto lang. Basta marinig ko lang boses niya. 3 years akong nasa London. :(
~~~
Reding-ready na talaga ako. Naka-dress ako ngayon pero naka-jacket. Ang jeje diba?
On the way na kami ngayon. Kasama namin ngayon sa van ay si Dad, Mom, Pam, Steve, Kuya AJ at ako.
Katabi ko ngayon si Stever na kanina pa hindi nagsasalita.
Kinalbit ko siya, "Huwag na masyadong malungkot." Nakangiti kong sabi."How? In just a few hours, your gonna leave me."
"Drama nito." Sabi ko ng tumatawa. Dinadaan ko nalang sa tawa, ayoko kasing masyadong malungkot.
May kinuha siyang papel sa bulsa niya. "Aliyah, ipinapangako ko sayo na pagbalik mo ipaparamdam ko sayo ang tunay na kasiyahan. Sisiguraduhin ko na hindi kita sasaktan. Hihintayin kita. Mahal na mahal kita aking sinta." Basa niya. Ang cute talaga ng accent niya. Hahaha, nabubulol pa siya ng konti.
"Scripted?"
"No, I made it." Natatawa niyang sabi.
"Thank you, Stever." Saka ako humiga sa shoulder niya.
"We're here." Sabi ni Kuya AJ.
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Eto na, nandito na kami.
Nagmadali naman akong bumaba ng van.
"This is it." Sabi ni kuya AJ.
Si Mommy kanina pa nakatabi kay Kuya AJ. Kanina pa niya sinasabi ng paulit-ulit ang mga bilin niya.
Niyakap na ako ni Mommy, "Be a good girl. I love you and I will miss you." Umiiyak na sabi ni Mommy.
"Don't worry, Mom. I will. I love you, too." Sabi ko at kiniss siya sa cheeks.
"Dad." Naiyak na rin ako at niyakap siya.
"Oh my baby. I trust you ah? Make me proud. Si Kuya mo na bahala sayo." Tumango naman ako as my response.
Pinuntahan ko naman si Pammy at niyakap siya. Ang O.A. talaga ng iyak niya parang mamamatay na ako eh. "Bes, gusto ko lagi tayong nagv-video call ah? Mamimiss kita talagang-talaga. Love you na agad sagad." Sabi niya. Kiniss ko naman siya sa cheeks.
At eto na. Hinawakan ni Stever ang dalawang kamay ko. "Promise me, we'll be together when you come back. It's okay kung ayaw mo." Sabi niya.
Huminga naman ako ng malalim at ngumiti. "I promise." Sabi ko.
Ayan, nangako na ako. Matututunan ko ring mahalin si Stever.
"Thank you!" Sabi niya at kiniss ako sa forehead.
Si Kuya AJ naman ang nagpapaalam. Pinakahuli si Pammy sa niyakap niya, I smell something fishy.
"Hoy Arthur Mc Arthur, siguraduhin mong safe tong bestfriend ko ah? Alam mo naman na clumsy yan." Para naman siya yung Nanay ko kung makapagbilin. Hahaha. "At syempre, mag-ingat ka rin." Dagdag niya.
Ayun naman eh! (^3^) kinilig ako!
Kumaway na kami para pumasok na. Sila naman pumasok na sa van.
Teka, si Jem ba yun? Di ako nagkakamali. Siya yun! Pero puno ng bugbog ang mukha niya. Napano siya?
"Ally, don't go." Sabi niya. Pero sobrang layo niya sakin.
Umiyak ako. Gusto ko syang puntahan at kausapin pero pinigilan ako ni Kuya AJ.
"Kailangan na nating pumasok." Sabi ni Kuya.
Umiyak naman ako ng umiyak, "Kuya please, let me talk to him." Pagmamakaawa ko.
"Hindi pwede."
Tama siya, hindi nga pwede. Maayos na ang lahat. Sinaktan niya ako. Muli akong tumingin sa kanya at pumasok na.
Derederetso lang ang lakad ko at hinahayaan na si Kuya gawin ang mga dapat gawin.
15 minutes before our flight. Nakaupo ako at umiiyak pa rin. Hiniga ni Kuya AJ ang ulo ko sa shoulders niya para i-comfort ako.
"Ally, don't go."
"Ally, don't go."
"Ally, don't go."
Nakikipagbalikan ba siya sakin? Gusto niya bang mabalik ang dati. Kasi kung gusto niya, gusto ko rin.
Pero lagi kong naaalala na sinaktan niya lang ako kaya kailangan ko na siyang kalimutan. He broke me so he deserves that pain.
I hate this feeling! I love him. I loved him. Bakit ba kasi ang dali sa kanila na manakit? Kung laro lang ito sa kanga pun*eta siya. Ang sakit sakit sakit. Bakit niya akong nagawang lokohin?
Siguro tama siya na hindi nga ako kamahal-mahal. Na basura lang ako. Na walang lalaking ibang magmamahal sa akin. Pero pinaniwala niya pa rin ako na mahal niya ako. After 3 years magbabago na ako.
Nag-ooverthink nanaman ako.
Bakit ba kasi kailangan niya pang magpakita? At bakit parang ang dami niyang dalang gamit. Aalis na rin ba siya? Saan siya pupunta? Kasama niya kaya si Jessica.Hindi ko na pala kailangang malaman. Wala na akong karapatan na malaman yun. Wala na dapat akong pakielam sa kanya.
Paalam na talaga, Jem. Salamat sa lahat lahat. Ito na ang huling araw na magtatanong ako about sayo.
BINABASA MO ANG
Dating My Ex-Crush (COMPLETED)
Teen FictionPaano mo mamahalin ang taong pinagsawaan mo na? Kung totoong mahal mo talaga, kaya mo ba talaga i-sacrifice lahat para sakanya? Sabi nga nila, love finds a way. Makaka-hanap nga ba ng way ang destiny para paglapitin sila ulit? The Gangster meets Mis...