Part 11: On the Way

387 15 0
                                    

Aliyah's POV


Rise and shine! Good Morning World! Enchanted Kingdom, here I come.



Sandali ko munang binuksan ang phone ko para i-open ang social media accounts k-----O to the M to the G! Seriously?! It's 8:17 AM na! I'm two hours late!



Ano bang katangahan ko! Bakit di ko narinig yung alarm?! Baka iniwan na nila ako or for sure, kanina pa sila naghihintay. Mas lalo nyang sisimangot si Dark King neto.



"Okay, chill Ally. Kailangan ko nang magmadali in....1...2...3. Go!" Sigaw ko at tumakbo na sa C.R.



After ilang minutes! Viola! Nakabihis na ako. Suot ko ang black ripped jeans ko at simple white t-shirt.



Kinuha ko na ang gamit ko, ni hindi pa nga ako nagsusuklay e.
Paglabas ko ng kwarto, nabigla ako ng makita ko si Jem na nakasandal malapit sa pintuan ko.


I'M SO DEAD.



"You're early." Cold niyang sabi. Pero halatang naiinip na siya, mukhang kanina pa siya naghihintay.



"Pasensya na, uh, napa-sarap kasi tu---waaah!" Di na nya ako pinatuloy dahil nilapit nya ang mukha ko sa mukha nya. Buti nalang kaka-toothbrush ko palang.



Hindi ako makagalaw, mas mabuti na yun dahil in any wrong move baka mahalikan ko siya.



Nakatingin siya sakin pero wala man lang ngiti. He's just looking at me with no expression in his face.



"J-Jem." Mahina kong sabi. Thank you talaga, Lord! Buti nalang nakapag-toothbrush ako.


Buti sa pagsalita kong yun ay binitawan na nya ako. Hay~ salamat, nakahinga na rin ako ng maayos.


"Lahat sila naghihintay sa baba." Sabi nya at kinuha ang backpack ko.


Iniwan nya lang ako ng naka-tayo sa tapat ng kwarto. Woah! Nice.


Pagbaba ko ng hagdan, andun na silang lahat nanunuod ng T.V.



"Let's go." Still walang reaksyon na sinabi ni Jem.



"Girl, aga mo ah." Pangiinis sakin ni Pammy.



"Bakit naman di nyo ko kinatok man lang, magigising naman ako." Mahina kong sabi.


"Yun nga plano namin, Queen. Kaso ayaw ni Jem." Paliwanang ni Ivan.



Napakati naman ako sa batok, may saltik talaga si Jem. Haha ♥



Naka-van kami lahat, ang magd-drive ang driver ni Greg.



Pinaupo ako ni Jem sa pinaka-dulo, nirequest ko na rin na gusto ko sa tabi ng window. Bakit ba kailangan lagi ko syang katabi?



Nasa byahe na kami ngayon, ang iingay nilang lahat. Parang wala ng bukas! Hahaha. Ako naman, sobrang excited dahil first time ko! Hihi ♥



"Where's my phone?" Narinig kong sabi nya. Kinuha ko ito sa bag ko, buti nai-charge ko to kagabi. Kundi baka maging monster nanaman to.



Binuksan nya ito, bigla siyang napangiti. "Looks like nahulaan mo ang password." Sabi nya habang pinagmamasdan ang pictures ko. Oo! Nag-selfie ako, bongga!



Hays, matutulog nalang ako! Bahala siyang tignan ang mga pictures ko hanggang sa magsawa siya. Marami pa naman akong wacky pose hahahaha.



Dating My Ex-Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon