Part 6: Emergency

447 16 1
                                    

Third Person's POV

Nagising ang lahat dahil sa isang malakas na sigaw na nanggaling sa kusina. Agad namang bumaba ang mga nakarinig upang malaman kung anong nangyare. Nakita nila na nakahandusay si Pammela sa sahig. Si Ivan ang sumigaw, halata naman sakanya na sobra siyang kinakabahan.

"Shit, what happened?!" Alalang-alalang tanong ng kanyang bestfriend na si Aliyah.

"Ewan, sabi niya iinom lang siya ng tubig!" Malakas na sabi ni Ivan dulot ng kaba.

"Dalhin na natin siya hospital!" sabi ni Miguel.

Lahat sila ay ninenerbyos at nagpa-panic na.

"Goldens, sumama kayo sa hospital. Susunod kami ni Ally para bumili ng pagkain." Malakas na sabi ng pinuno nila na si Jem.

"Samahan mo akong pumunta sa grocery, wala akong alam 'dun, please." Sabi ni Jem kay Aliyah.

Tumango naman ang dalaga.

Agad hinanda ng mga kalalakihan ang kanilang kotse at umalis na.

"Halika na, Ally. Sakay na ng kotse."

Nang nasa byahe na sila, di mapigilang hindi umiyak ni Aliyah sa sobrang nerbyos.

"She'll be fine." Sabi ni Jem saka niya pinatong ang kamay nya sa kamay ni Aliyah.

"Sorry, I-I just can't help it." Nauutal na sabi ng dalaga.

"Lahat tayo ay nag-aalala."

Nakarating sila grocery store at sinumulan ng maglibot.

"Why is this necessary? Hindi pa ba sapat ang mga binigay ni Dad?" Tanong ni Aliyah.

"Anong di sapat? Eh sobra pa. But fhe case is, puro can goods. We need chips and beers." He winked at her.

"Sus." Kumuha naman si Aliyah ng mga gusto niyang kainin habang pinagmamasdan lang siya ni Jem

"O I can see my future."

Jem's POV

Inalalayan ko si Ally papasok ng hlspital dahil ramdam ko ang kaba at panghihina niya. Tahimik siya buong byahe at kahit anong gawin ko, hindi talaga siya nagsasalita. Ganon talaga siya siguro kapag kinakabahan siya. Tatahimik siya at kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isip niya.

Kumaliwa kami papunta sa labas ng Emergency Room at doon namin nakita ang Goldens.

"Nasan sila Arthur?" Seryoso kong tanong.

"Nasa loob ng E.R." Sagot agad ni Robin.

Pumasok naman kami sa E.R. at nakita namin sila si Ivan, Arthur at Jake na binabantayan si Pammela.

"Kamusta na daw si Pammy?" Alalang tanong ni Ally sabay yakap kay Pam na natutulog.

"Okay na daw siya, Ally. Over fatigue, baka daw pagod at gutom." Sagot ni Jake.

"Gutom?" Nagtataka kong tanong.

"Nagd-diet kasi si Pammy." Paliwanag ni Ivan.

"Napansin ko din yun,"  Dagdag ni Arthur. "Umupo muna kayo dyan."

Inaya ko namang umupo si Aliyah,
konting kalayuan lang kila Arthur. Kaya pala ang laki ng pinapayat ni Pammela, nagda-diet siya. But she doesn't need to loose weight, her body already fits her.

"Don't do that." I said seriously while not looking at her.

"Ano?" Nagtataka nyang tanong.

Humarap ako sakanya, "The diet thingy—" I took a heavy sigh, "—dahil kay Pammy pa lang aatakihin na ako sa nerbyos, paano pa kaya kung ikaw na?!" Umiwas ako ng tingin sakanya dahil nginitian niya ako.

Dating My Ex-Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon