Part 46: Team Work

263 12 4
                                    

Greg's POV



"How?" Yan lang ang lumabas sa bibig ko. Paano nga ba? Alam ko na nakipag-break si Darks kay Queen dahil sila na ni Jessica. Pero paanong nagawa ni Darks yun? Bakit kailangan niya pang buwagin yung grupo?



"Do I really need to explain?" Maarte nyang sabi. Oo, syempre! Hays, gigil mo si ako.



"Yes." Sabi naman ni Ivan. Kailangan naming malaman lahat para hindi na kami maguluhan.



Pumunta naman kami garden para doon mag-usap. "How? Well, simple. Gusto na niya, gusto na niya na magpakasal kami kaya ginawa niya yun."



Napatayo nan si Ivan. "Liar!" sigaw niya.



"Hindi kayang gawin ni Darks yun!" Sabi naman ni James.



"Hindi kaya? Nagawa na niya. I'm pregnant na nga oh!" Sabi ni Jess. Nakakapagchill pa siya sa lagay na to? Ako nga kung hindi lang siya babae at buntis nasuntok ko na to sa ipin eh.



"Mahal ka ba niya?" Tanong ni Robin.



"Of course, ang kulit nyo noh? I already said that he already wants to marry me. So that's why ginawa na namin para agad pumayag sila Mommy." Explain niya ulit.



"Nyeta." Sabi ni Ivan. Alam kong kanina pa siya nanggigigil sa babaeng to eh.



"Pero si Aliyah lang ang mahal niya." Sabi ni Simon.



"Hindi! Ako lang. I'm his true love."  Sambit niya. Napahinga nalang ako ng malalim. Hindi ko masyadong kinaya ang mga sinasabi niya. "Well, if ayaw niyo maniwala edi huwag."



"Make us believe." Sabi ko sakanya.



"Yah, give us 13 reasons why." Sabi naman ni Alexis.



She took a sigh, "First, mahal niya ako. And the rest, yun pa din." She smirked. Ugh!



"Hindi pa rin kami maniniwala." Sabi ni Jake habang umiiling.



"Ugh. Walang kwenta itong usapang ito." Sabi ni Jess at tumayo na.



Aktong aalis na siya pero muli akong nagsalita. "If he really loves you, bakit hindi mo alam kung nasan siya?" Nakangisi kong tanong.



Sinamaan naman niya ako ng tingin at umalis na. Nakipag-apir naman sila Ivan sakin. Coz' I have a point. Kung mahal nga siya ni Jem, bakit hindi sinabi ni Jem kay Jess kung saan siya pupunta? Common sense, aye?



"Sobrang naiinis ako sakanya." Sabi ni Miguel. Kaya pala kanina pa hindi umiimik si Migs.



"Basta di tayo maniniwala sakanya." Sabi ko tapos ay umimon ng tubig.



Goodness! She's pregnant! And si Jem ang Ama. Ayokong maniwala pero bakit may 5% feeling na kailangan ko syang paniwalaan. Babae siya, lalaki si Jem kaya walang imposible diba?



"Bakit hindi natin tawagan si Darks?" Suhestyon ni Alexis.



"You have a point, Alexis. The question is, are we ready to talk to him after what happened? After ng mga nalaman natin?" Sabi naman ni Miguel. He's a genious. Pero kailangan na naming harapin ito.



"Meron ka ding point, Migs. Pero kailangan na nating harapin to, huwag na tayong maging duwag." Matapang na sinabi ni James.



Dating My Ex-Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon