Part 41: Ulam

231 7 0
                                    

Aliyah's POV



Isang oras na ang nakakalipas simula nung nakarating ako dito sa London. Inaayos ko ngayon ang mga damit ko at inilalagay ito sa cabinet ko.




Bigla nalang may tumulong mga luha sa mga mata ko. Saan pupunta si Jem? Bakit may mga bagahe siya kanina? Susundan niya ba ako? Well, kung ganon hihintayin ko siya. Kahit ilang oras o taon pa yan, kaya ko siyang hintayin. Ganon ko siya kamahal.




*knock knock*




Agad kong pinunasan ang mga luha ko at huminga ng malalim. Masyadong masakit ang pag-iyak ko kaya baka halata sa akin. Araw-araw, oras-oras nalang ako umiiyak.




Nakita ko namang pumasok si Auntie Perusa, nginitian niya ako at lumapit sa kanya. "I know what happened. Masakita talaga sa una but soon that pain will leave you just like he did." Sabi ni Auntie.




I took a sigh. "Thanks, Auntie. I really hope na matanggal na kasi sobrang sakit eh." sabi ko at naluha nanaman.




Niyakap naman niya ako. "You know, magbabago ang buhay mo dito. You will meet new friends sa new school mo. Kasama mo naman si Kuya AJ mo kaya you're protected. Makakalimutan mo siya."




Tumango ako, "I really really hope, Auntie." I said.



"Good. So, tuloy mo muna yang ginagawa mo. Bilisan mo at in 30 minutes ready na ang dinner." Nakangiting sabi ni Auntie at lumabas na ng kwarto.




Minadali ko naman ang pagkabit ng mga damit ko sa cabinet.




Nang matapos ako, inayos ko na rin ang kama ko. Ano pa ba ang gagawin ko? Hm. Wala na.




Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Uncle George nanonood ng T.V.




"Ally, are you hungry? In just a few minutes ready na rin nyan ang dinner." Sabi ni Uncle.




Ngumiti ako, "It's okay, Uncle. Hindi pa naman po ako masyadong gutom. Uhm, magpapahangin lang po ako." Sabi ko.




"Ah okay. Maglakad-lakad ka dyan, wag' kang lalayo."




"Yes po." Sabi ko then lumabas na.




I feel safe here. Kung sa Pilipinas parang nasa mamahaling village ako kasi sobrang linis at hindi naka-gate yung mga tao dito. Natatawa nalang ako sa mga toughts ko. Paano kung ganito sa Pilipinas? Jusko. HAHAHA.




Naramdaman ko namang nag-vibrate yung phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at nakita kong tumatawag si Pammy via messenger. Video call? Miss na talaga nila ako.




Napangiti ako at sinagot ito.
"Miss niyo na ako agad?" Pambungad ko sakanila.




["Ally! Ally! Ally!"] Sigaw nilang dalawa ni Stever. Tinakpan ko pa ang tainga ko sa sobrang lakas ng boses nila.




"Huy! Ganito ba ako kaganda para mamiss nyo agad?"



["Of course."] Sabi ni Stever.



["Mahirap ba mag-adjust?"] Tanong ni Pammy.



"Yas, mahirap kasi wala kayo." Pangiinis ko sa kanila.



["Awww."] React nilang dalawa.



"Guys, I'm nervous. In 2 days, papasok na ako sa bagong school ko. What to do!? What to say?!" Kinakabahan kong sabi. Kung pwede lang lalakad na ako pauwi ng Pinas eh.




["You can do it!"] Cheer ni Stever.




["Oo naman, kaya mo yan."] Sabi naman ni Pammy.




"Aliyah! Dinner is ready!" Sigaw ni Tita Perusa.




Nagpout naman ako.
"Guys, I have to go." Sabi ko sa kanila.




["It's okay, Aliyah."] Sabi ni Stever.



"I really need to go. Bye! Love you both!" Sabi ko at in-end na ang tawag.




Pumasok na ulit ako sa bahay at naglakad na papuntang dining. Nakasalubong ko naman si Kuya Aj na pababa ng hagdan.



"Oh baby girl, tara na sa dining." Sabi niya at inakbayan ako. "Bukas, saan mo gusto pumunta?" Tanong niya.



Umupo naman ako sa second chair tapos si Kuya umupo sa harapan ko.



Lumabas naman si Auntie Perusa at Uncle George sa kitchen buhat-buhat ang mga pagkain.



"Oh, Pinoy food ang niluto ko kasi baka di kayo sanay sa pagkain dito." Explain ni Auntie tapos nilapag ang kanin.



"Okay lang po kahit ano kasi para po masanay kami, Auntie." Sabi ko.



"Eh ano po bang niluto niyo, Auntie?" Tanong ni Kuys na halatang gutom na.



"Kare-kare!" Masigla niyang sabi saka na nilapag ni Unlce yung kare-kare sa harap ko.



Naramdaman ko naman na pinath ni Kuya ang likod ko. Gusto ko ng maiyak pero ayoko dito at pagod na rin akong umiyak.



Tinignan naman kami ni Auntie at Uncle at binigyan kami ng 'bakit' look.



"Ah, memories." Sabi ni Kuya AJ.



Niyakap naman ako ni Auntie patagilid. "I'm sorry, Ally. I didn't know." Explain ni Auntie.



"Okay lang po." Sabi ko.



"Don't worry, Ally. Now we know, next time hindi na magluluto si Auntie mo ng kare-kare." Sabi naman ni Uncle.



"No, Uncle George. It's okay, naalala ko lang po talaga siya." Sabi ko.




"Sige na, let's eat." Aya ni Auntie.




Nawalan talaga ako ng gana pero pinilit kong kumain kasi nakakahiya kila Auntie kung maginarte pa ako.




"You made my day."  yung mga words niyang corny pero nakakakilig. Yung kahit sobrang cold niya napapangiti mo pa rin siya. Is that happiness? Yung kapag nag-aaway naman kayo, wala mang ilang saglit bati nanaman kayo. I miss him so much! Nahihirapan na ako. Masyado na akong nasasaktan.




Alam ko sa sarili ko na hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon kaya kailangan kong maging matatag. Kasi kung wala si Kuya at yung mga kaibigan ko baka matagal na akong namatay. Baka matagal na akong nagpakamatay.


Konting tiis lang, medyo matagal pa bago ko sya makalikutan kasi sariwa pa yung sakit. Parang kahapon lang nung nakipag-break siya.




I think I can't. Parang di ko talaga kaya na wala siya. Siya ang buhay ko tapos nawala siya kaya namatay na rin ako. Parang patay na rin ako. Tapos pagkatapos ka niyang patayin, muli ka niyang bubuhayin kasi magpapakita siya sayo at sasabihing huwag kang aalis. Ang gulo diba? Mas lalo akong nasasaktan.




Pero alam ko sa ngayon na hindi ko talaga kaya.
Hindi ko kayang wala siya.







Dating My Ex-Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon