8th Ride

31.5K 564 51
                                    

Author's Note: Hello kay @chocolateeeyyy :)  and thank you so much guys for making Make Me Come rank #143 in General Fiction! I love you too guys! <3 Thank you for supporting Make Me Come. =)

Congratulations din kay Hazel who just gave birth to her baby girl who's named after my character named "Gia". Congrats sa inyo ni Kuya Ry! <3

PS: Sundays pa rin ang update schedules nito ha? *winks*

PPS: Mock board na sa saturday! Doon nakasalalay kung makakagraduate ako at makakapag board exam ako. Wish me luck guys!

------

"Ipainom mo na lang sa kanya 'tong mga antibiotics na nakalagay dito at babalik din sa normal 'yang lalakeng 'yan." Bilin ni Kenken matapos tahiin ang sugat ni Dan.

Tama nga ang hinala ko. Malalim nga ang sugat sa noo niya kaya hindi basta-basta tumigil sa pagdurugo.

"Pasalamat siya, hindi kasing lala ng pinsala noon ang natamo niya ngayon. I don't think you'll manage to be awake twenty four seven once again because of this punk." Tinuro nito si Dan. Namula naman ako nang dahil sa pamumuna niya. "Don't worry. Hindi niya pa rin alam kung paano ka nag-alala sa kanya noong naaksidente siya last year. G@go kasi 'tong pinsan kong 'to."

I know what she meant. Noong kasing naaksidente siya nakaraang taon, ako ang nag-alaga sa kanya noong mga panahong wala siyang malay. Pero noong nagkamalay siya, yung ex-girlfriend niya noong mga panahong iyon ang nakita niya kaya ang buong akala niya, yung ex-girlfriend niya ang nag-alaga sa kanya. Nagsinungaling din naman yung ex niya kaya hanggang ngayon yung ex niyang iyon ang pinaniniwalaan niyang nag-alaga sa kanya kahit pa na noong araw na nagkamalay siya unang beses na pinuntahan siya ng ex niya. Hindi ko na binago pa ang pananaw niyang iyon dahil ayoko na makipagtalo sa kanya.

"Kalimutan na natin 'yun. Ang mahalaga maayos na siya ngayon."

"Tsk. Mauuna na ako Lyn. Kapag may problema, tawagan mo na lang ako. Kapag lalagnatin 'tong si g@go, tawagin mo na lang ako."

"Sige," Matapos siyang magpaalam, hinatid ko na siya palabas ng penthouse ni Dan.

Pagkabalik ko ng unit, mahimbing pa rin ang tulog ni Dan dala ng epekto ng gamot na ibinigay ni Kenisha nang gamutin niya ang mga sugat nito.

Napaupo ako sa sofa sa may paanan ng kama niya habang hinihintay siyang magising. I've prepared him food while Kenisha's attending to him.

Napansin ko ang pagbiblink ng telepono niya sa bedside table kaya kinuha ko iyon. Napakunot ang noo ko nang makitang si Jacksenn ang tumatawag. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin ang tawag.

"Punk, you're still alive? Sabi naman kasi sa'yo tanggapin mo na lang ang posisyon bilang knight para hindi mo na kailangan pang makipagkarera."

Dan was offered to be a Knight? Bakit hindi niya nabanggit sa akin iyon?

"Jacksenn..."

"Li-Lyn, i-ikaw pala yan. Akala ko, si Tyler ang nakasagot ng tawag."

I sighed. "He's still asleep."

"Ah, sige. Tatawag na lang ako pagkagising niya. Pasensya na."

May sasabihin pa sana ako sa kanya pero naunahan niya ako nang ibaba niya ang tawag. Itatanong ko pa naman sana ang patungkol sa alok ng pagiging knight kay Dan.

Masters have the privilege to be a knight under special circumstances. For the case of Jacksenn, tatay niya ang isa sa mga Duke ng society. The duke of Heishi or known as Black Market to the commoners.

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon