58th Ride

12.9K 307 21
                                    

Author's Note: Since Kwon Ji Yong made me so happy yesterday, ilabas lahat ng pondo! Hahaha!

Sa mga readers ng Santillan Siblings Series, you probably know who Yelena is. Hindi na siguro surprise sa inyo si Yelena. Sa mga hindi naman, masurprise lang kayo kay Yelena. Hahaha!

Make Me Come song of the day: Untitled, 2014 by Kwon Ji Yong a.k.a. G-Dragon

PS: Sundays is still the update schedule.

--------

Pagkaliko namin sa pasilyo kung nasaan ang kwarto namin, napahinto kami ni mommy dahil sa mga lalakeng nakaitim na masama ang tingin sa amin.

"I told you so baby. Kitams? Hindi man lang tayo nakatagal ng ilang oras ng malaya. Magbabar sana tayo mamaya kung hindi maagang dumating 'tong mga 'to."

"Fang Li Xue!" Napapikit ako sa gulat sa lakas ng sigaw ni daddy. Nang imulat ko ang mga mata ko, noon ko lang napansin si Kuya na nakatayo sa likuran niya at masama din ang tingin sa aming dalawa ni mommy.

"Sabi ko naman sa'yo mommy hindi magandang ideya yung pagtakas natin," I whispered to mom.

"Tsk. Huwag kang matakot diyan sa daddy mo. Akong bahala diyan." She whispered back before she turned to daddy wearing the sweetest fake smile I had ever seen from her. "Hi honey. Missed me?"

Napailing na lang ako at naglakad papunta sa kwarto ko. Alam kong sinundan ako ni Kuya para mabigyan ng pagkakataong mapag-isa sila mommy at daddy.

Umupo ako sa sofa sa receiving area habang siya naman, nakatayo lang sa harap ko at akmang magvavape nang pigilan ko siya.

"I hate the smell of the smoke. Stop that."

He immediately kept the vape on his pocket. "So, how does it feels seeing his first love? Kaya kayo napapunta dito sa Pilipinas dahil kay Zara hindi ba?"

So, he knows about the girl pero hindi niya sinabi sa akin? Ibang klase.

But at least, he's making this too easy for me. Hindi ko na kailangang sugurin si Dan para lang alamin kung sino yung babae.

"Sakto lang. I must admit, maganda siya." Simpleng sagot ko kay kuya kahit na sa loob-loob ko ay gusto ko siyang bugbugin.

"Yeah, she's really beautiful."

"Kilala mo siya?"

Kuya nodded, "Kaibigan namin siyang lahat. Everyone who's a member of our brotherhood knows Zara."

Ohh... Now that's a revelation. "What happened to her and Dan?"

"It's better if you ask Tyler about that. Hindi ko naman alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa kahit pa magka-brad kaming dalawa."

"I already asked him but he refused to answer."

"Then perhaps he's not yet ready to talk about it." Kibit-balikat na sagot niya.

Darn it! Wala rin pala akong mapapala kay Kuya! Masyado siyang loyal sa mga kaibigan niya. Kainis.

"Okay. Ako na lang ang maghahanap ng sagot sa mga tanong ko. Wala namang may interes sa inyong sagutin ako."

Tumayo na ako at akmang papasok sa kwarto ko nang marinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Don't tell him that I'm the one who spilled this. Papatayin ako ng magkambal na iyon."

Pinagpatong ko ang magkabilang braso ko sa dibdib at hinintay ang sagot niya. "Okay. I won't. Now spill."

"Zara is Tyler's first love and in the same time his first girlfriend. Siya na ata ang pinakamatagal na naging girlfriend niya. Childhood lovers silang dalawa."

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon