51st Ride

14.7K 383 41
                                    

Author's Note: Since nashare ko sa facebook account ko na pinanood ulit namin ang A Walk to Remember kahapon kaya 'yan ang song choice ko for this chapter. Anyways, I've updated You Give Love A Bad Name earlier so sa readers ng Santillan Siblings Series, finally, nakapag-update din ako. LOL.

Make Me Come song of the day: I Wanna Be With You by Mandy Moore

PS: Ang hirap maghintay ng maghintay para sa taong mahal mo pero hintay pa more. Mahal mo eh. 

PPS: Pero kapag nauna ko pang matapos 'tong MMC, good luck na lang sa kanya. :P

--------

Nang makalabas kami ng kapilya, natigilan kami ng makita ang mga lalakeng nakasuot ng itim na nakapalibot sa amin at tinututukan kami ng baril.

Napahawak ako kay Gab dahil sa kaba. Ito na nga ang kauna-unahang pagkakataong lumabas ako, may ganito pa.

"Ang hirap namang lumabas kasama ang isang prinsesang katulad mo. May naghihintay na sa ating mga bisita mo dito sa labas." Litanya ni Gab habang nakatingin sa mga lalakeng nasa harapan namin at tinatago ako sa likuran niya.

Nang magtagumpay siyang maitago ako, hinawakan niya ang palapulsuhan ko at kinapa ang relo ko. Sinipat-sipat niya iyon na labis kong ipinagtaka. Makalipas ang ilang segundo, may kulay pula nang nagbiblink sa gitnang bahagi ng relo.

"What do you need from the princess?" Seryosong tanong ni Gab.

"We want her and the entire triad." Sagot ng kung sino sa kanila na hindi ko naman makita dahil tinatakpan nga ako ni Gab.

"If you really want the triad, you should've looked for the king. The princess had no holds or even powers in the triad."

"You don't know anything kid. That girl at your back has the triad on her hands. The man who'll marry her will be the next king of the triad."

Napasinghap ako nang marinig iyon. I suddenly understood why everybody wants to have me. Kay naman pala gusto nila akong makuha. May malaki pa pala silang mapapala kapag nakuha nila ako.

"So, young fella, just give the princess to us and we'll let you off."

Napakapit ako sa tela ng suot ni Gab sa likod. Natatakot na ako sa mga pwedeng mangyari sa akin habang nandito ako. Kinaya ko yung sa society pero ibang usapan na ang sitwasyon ngayon. May mahigit singkwenta katao na may hawak na armas ang nasa harap namin ngayon at kasalukuyang nakatutok sa amin.

"In exchange of the princess, what are you going to give me?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong tanong ni Gab. Naging madali ang pambabatok ko sa kanya dahil nasa likod lang naman niya ako.

"G@go ka ha?! Talagang ibibigay mo ko sa kanila?"

"Bakit? Nakikipag-transaksyon ako Shekainah. Pinag-iisipan ko kung ibibigay kita sa kanila."

"Punyeta ka! Akala ko ba mahal mo ko?! Bakit iiwan mo ko sa kanila?!"

"Bakit Shekainah? Hindi ba mahal mo din naman si Tyler pero nagawa mo siyang iwanan?" Natigilan ako nang sabihin niya iyon. For a split second, naramdaman ko ang pagkirot sa puso ko. "Alam mo na ba ngayon ang pakiramdam ng iniiwan at pinagkakanulo na lang sa kung sinu-sino?"

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Akala ko pa naman tinutulungan akong maging okay ng isang 'to. Akala ko lang pala.

I felt his hands played with my hair. "I meant no harm with what I said. I'm just curious." Humarap siyang muli sa mga taong nasa harapan namin. "But kidding aside, I'm going to give you the princess if you'll give me one thing that I want right now."

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon