Author's Note: May readers ba akong cebuano dito? Kaway-kaway naman diyan! :) I'm looking forward to meet all of you next year! I'll post the details soon kapag nafinalize na lahat.
Make Me Come song of the day: The Scientist by Coldplay
--------
I remained staring at the night sky full of stars. Just like that night, walang buwan. Kasing lamig ng hangin na humahampas sa balat ko ang pakiramdam. Minsan, gusto kong balikan ang gabing iyon at itama ang lahat ng mga pagkakamali ko. Gusto kong ibalik ang panahon kung kailan maayos pa kaming dalawa. Noong hindi naging ganun kagulo ang lahat.
Labis na akong nangungulila sa iyo mahal ko. May pagkakataon pa ba upang maging tayo?
Napabuntong-hininga na lang ako. Dalawang buwan na ang nakakalipas pero hanggang ngayon, sariwa pa rin ang mga sugat na idinulot ng gabing iyon sa akin. Maaring sa kanya, hanggang ngayon, masakit pa rin ang pangyayaring iyon. Pero magagawa ko pa nga bang bawiin ang sakit na idinulot ng pagmamahal ko sa kanya?
I stared at the starry night. I wonder if he's staring at the stars too. Sa tuwing nakatingin ako sa langit at nakikita ko ang mga bituin, hindi ko nararamdaman ang layo naming dalawa sa bawat isa. Sa ilalim ng madilim ngunit konting kislap na langit dulot ng mga bituin, alam kong may pag-asa pa para magkasama kaming dalawa. Nasa iisang mundo kami, kapag nabigyan kami ng pagkakataon at tuluyan nang naghilom ang mga sugat, malamang pwede na. Kahit papaano, magkakaroon ng konting puwang at pag-asa ang puso naming dalawa.
"Anak, bakit nasa labas ka pa? Malamig dito."
Nilingon ko si mommy... my biological mom. "Wala lang mommy. Nabobore na ako sa loob. Naiinis pa ako kay kuya."
Mom chuckled. "Bakit ka naman naiinis sa kuya mo? Dahil ba sa kinuwento niya sa nangyari sa kanila ni Yelena?"
Napalabi ako. "Mom, Yelena is perfect for him. Hindi ko maintindihan ang mentality ni Kuya. He said that he's making the right choice but I don't think so. Mukha nga siyang magpapakalunod na dito sa dagat."
Lumapit sa akin si mommy at sinuklay-suklayan ang mahaba kong buhok. "Alam mo anak, you'll never understand what a man who's deeply in love can do. Kung para sa kanila, magulo ang takbo ng utak nating mga babae, para naman sa atin, masyado silang misteryoso. Parang napakarami nilang tinatago."
"Psh. Bakit si daddy parang hindi naman ganun?"
Mommy chuckled. "Nako anak, kung makikilala mo ang daddy mo noong kabataan niya, baka bawiin mo ang mga sinabi mo."
"Mommy, paano ba si daddy noong kabataan niya?"
"Marami akong babae na natutukan ng baril ng dahil sa daddy mo." Napasinghap ako doon pa lang sa parteng iyon ng kwento ni mommy. "Your dad is a womanizer. Womanizer in all aspects. Wala nga sigurong matinong babae ang papatol sa daddy mo. Baliw nga rin siguro ako para patulan ang daddy mo."
"If that's the case, then why married him?"
For the first time, I saw the sweetest smile on her lips. Sa dalawang buwan mula nang mapunta ako sa puder nila, ngayon ko lang nakitang ngumiti si mommy ng ganito na para bang may naalala siyang isang napakagandang alaala.
"Then I guess that's the mystery of love. If you truly love a person, you love him wholly together with his imperfections and flaws. Our story isn't like any other fairy tale. Your dad is indeed a prince but not an ideal prince who's meant to be loved by everyone. He's one prince that is going to be despised by any reader. A character whom you'll think will never deserve a happy ending."
BINABASA MO ANG
Make Me Come
AcakThe relationship of a master and a sclavus which is beyond what any words about relationship can define. "Can you make me come?" Date started: May 7, 2017 Date finished: November 1, 2017