52nd Ride

14.4K 331 18
                                    

Author's Note: Siningit ko lang 'to dahil gagawa pa ako ng quiz ng mga alaga ko. Wala pa akong nagagawang quiz pero may pasok na ulit kami bukas. Kapag natapos ako ng maaga sa paggawa ng quiz nila, baka makapag-update ako ulit bago matapos ang araw na 'to.

Malapit nang matapos ang kwentong 'to kaya huwag niyong palalampasin ang first episode ng My Korean Jagiya mamaya! (Anong relate nun sa kwentong 'to? HAHAHA!)

Make Me Come song of the day: Breathless by The Corrs

PS: Sundays is still the definite update schedule.

--------

Hindi ko alam kung paano ko nagawang makarating sa hospital na sinasabi ni Kuya na pinagdalhan kay Dan nang hindi nawawalan ng malay. The entire time that I was riding the car, pakiramdam ko, hindi ako humihinga.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ko magawang maiapak sa loob ng kwartong kinalulugaran niya ngayon ang mga paa ko. Nang masilayan ko ang mukha niya mula sa glass pane ng pinto, napako na ako dito sa kinatatayuan ko.

'Yung kagustuhan kong makita siya ulit, bigla na lang nawala. Ngayong nasa ganyang kalagayan siya ng dahil sa akin, parang wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya.

"Hindi mo man lang ba lalapitan o kakamustahin ang pinsan ko?"

Jacksenn was standing at my right together with Noelle. Tipid akong napangiti sa kanilang dalawa.

"Magpapakita naman ako sa kanya."

"Kung magpapakita ka, bakit nandito ka lang sa labas?" Noelle asked.

"Nakokonsensiya lang kasi ako. Kasalanan ko kung bakit nasangkot siya sa engkwentro kanina. Kung hindi niya ako kasama, malamang hindi siya mapapahamak."

I heard Noelle sighed. "Jacksenn, mauna ka na sa loob. I need to knock off some senses to this woman."

Wala na akong nagawa nang hawakan niya ako sa kamay at kinaladkad ako papunta sa kung saan. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa dalhin niya ako sa isang open area.

Noelle faced me wearing a mad face. "Let me just deal with you alone."

"Don't you dare psych me."

She rolled her eyes. "Hindi ko mapipigilan 'yan. I'm a psychologist in the same time, a psychiatrist."

Napalabi ako ng dahil doon. Alam ko namang hindi niya mapipigilan iyon. I'm just hoping that she'll listen to me first before she concludes something.

"Ayoko ng paliguy-ligoy kaya didiretsuhin na kita. I'm standing in front of you as a friend and not as a professional."

"I understand."

She sighed again. "Lyn, I want you to understand one thing." Pilit niya akong pinaupo sa isang bench doon bago siya nagsalitang muli. "None of those things happening around you was your fault."

Umiling ako. "I'm always the primary cause why people are suffering."

"Pero ginusto mo bang mangyari ang mga iyon?"

Napailing ako bilang sagot.

"That's exactly what I am saying. Those things are out of your control. What happened to Tyler is something that HE wanted himself. Pwede namang ibigay ka na lang niya sa mga nakalaban niyo kanina pero ginawa ba niya?"

Umiling ako ulit.

"See? Kahit pa siguro pilitin mo si Tyler na ibigay o isuko ka na lang sa mga nakalaban niyo, hindi niya pa rin gagawin iyon. Because all he would do is to defend you and protect you because he loves you."

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon