44th Ride

15.1K 311 10
                                    

Author's Note: Congratulations to my cousin! She just won in Music Hero:The Vocal Battle in Eat Bulaga! :D (Actually kahapon pa namin alam yun but we can't release any statement regarding that not until aired na yung episode). I'm so proud of yah girl! You rock! :D 

Mga achievers yung baby cousins ko. Dyuskolord. Paano naman po ako? Should I start working out on my career too? HAHAHA!

Make Me Come song of the day: Somewhere Only We Know by Keane (Though I liked Lily Allen's version better)

PS: Sundays is still the update schedule.

--------

Nang huminto ang sasakyan namin sa pagdadaluhan ng karera, mas lalong bumigat ang paghinga ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

This is it.

"I have to leave you here Lyn. Susunduin ka na ng headmaster."

I smiled at her. "Thank you so much for everything Noelle."

"Tsaka mo na ako pasalamatan kapag malaya ka na talaga."

Pumasok na siya sa loob ng hall at naiwan akong mag-isa dito sa sasakyan. Kahit na alam ko na kung ano ang mga mangyayari ngayong gabi, hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

The headmaster seemed like he's wicked. He had tons of plans at the back of his mind. Kahit ako, hindi ko alam kung ano ang eksaktong tumatakbo sa isipan niya.

"Ms. Boglio, pumasok na daw po kayo." Utos ng bodyguard na ibinigay ng headmaster para magbantay sa akin.

Pumasok ako sa building na pagmamay-ari ng society. This is the headquarters of the society in this island. Lahat daw ng mga karera kung saan involved ang mga high-profiled masters, dito ginaganap sa islang ito.

Pinadiretso nila ako sa loob ng isang kwarto na may TV at may sofa. Probably, some masters watch races here. Iniwan akong mag-isa ng mga bodyguards ko dito pagkatapos akong bilinan ng ilang mga bagay.

Hindi ko na nga siguro makakausap pa si Dan hanggang sa makalaya ako. I don't think he'll be allowed to see me. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita and God knows how much I want to see him. Kahit ngayon lang, sa huling pagkakataon, mayakap at mahagkan ko man lang siya.

I heard three knocks on the door, agad akong lumapit doon para pagbuksan ng pinto ang nasa likod noon. I was surprised to see a man wearing a mask and a cape. When I saw the insignia being word of the man, I knew instantly who he was.

I slightly bent my knees and curtsied to the man right in front of me.

"What can I do for you sir?" I asked.

"I want to have a moment with you."

I motioned for him to enter the room. "If you say so, do as you please."

Pumasok siya sa loob ng kwarto at noon ko isinara ang pinto. Pagkasara na pagkasara ko ng pinto, noon niya hinubad ang maskara at kapang suot niya.

"Aish! Nakakaasar talaga ang nagpauso ng ganitong sistema sa society. How did the knights survived this kind of system for years?" Yamot na yamot na reklamo ni Jacksenn pagkahubad niya ng maskara niya.

"It's for your safety too. To protect you and your privacy from the other masters that might use your rank and your position at the society against you." Paliwanag ko sa kanya. It's really obvious why they had to do it this way. Kahit naman na sino, walang nakakakilala sa mga heads.

Noon nga, inakala kong si Tita Ava ang headmistress but then, I was proved wrong. Hindi siya ang headmistress.

"Napasugod ka nga pala dito? Anong sadya mo?"

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon