48th Ride

15K 322 9
                                    

Author's Note: Hindi ko maayos yung formatting nito. Naunang grumaduate ng laptop ko kaysa sa akin.

Bear with this for a while. Kapag nakapag-online ako sa lappy or sa pc, aayusin ko yung formatting nito.

Make Me Come song of the day: If Tomorrow Never Comes by Ronan Keating

PS: Sunday is still the update schedules.

--------

No words came out from him but I know he had a lot of things to ask. Alam kong maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon at maraming gumugulo sa isipan niya nang dahil sa akin. He needs clarity in our situation. Kailangan din niya ng sagot the same way I wanted and needed them.

"I'm sorry... Sorry, kung iyan lang ang kaya kong sabihin sa iyo sa ngayon."

He remained staring at me.

"Sana maintindihan mo kung bakit ginagawa ko 'to. Sana maintindihan mo kung bakit kinailangan kong gawin 'to."

"Gawin ang alin? Ang traydurin ako?"

Umiling ako. "I never betrayed you. Hindi ko kailanman magagawa iyon."

"If this is not betrayal, then what do you call this?"

"I just made a choice. Pinipili kong ayusin ang buhay ko."

"Hindi mo ba magagawang ayusin ang buhay mo ng wala ako? Kailangan ba talaga na--"

"Because you're hindering my plans." Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela nang makita ko ang panlalaki ng mga mata niya. "Siguro, iniisip mong tinutulungan mo ko pero hindi. Pinapangunahan at pinapakialaman mo ko Dan. Hindi ka nakakatulong. Lalo mo lang ginugulo ang isip ko."

"But I'm only--"

"I know. Alam kong ginagawa mo iyon dahil iyon ang tanging paraan na naiisip mo para protektahan ako. Pero Dan, hindi nga nakakatulong eh. It only made things worst. Maski si Krisha na walang kamalay-malay, nadamay nang dahil sa akin. I'm already sick with people sacrificing their lives for me."

"Shekainah..."

"Dan, I'm not as weak as you think I am! Hindi ako mahina. Kaya kong protektahan ang sarili ko. I don't need protection from anyone! Kaya ko ang sarili ko. So, stop protecting me every now and then. Stop meddling my businesses."

"Shekainah mahal kita."

"Mahal din naman kita pero nakakasakal ka na. Sa lahat ng desisyon ko para maayos ang buhay ko, lagi kitang iniisip. Lagi kong iniisip kung magugustuhan mo ba ang desisyon ko. Matatanggap mo ba ang desisyon ko. Mauunawaan mo kaya kung bakit ako nagpasya ng ganun. Dan, I'm already tired dealing with you. Ang hirap na nga ng sitwasyon ko, hindi pa ako makakilos ng maayos ng dahil sa'yo."

Kung pwede lang na saktan ko ang sarili ko ngayon sa harapan niya, ginawa ko na. Lying to him is the only way he'll let me go. Kung hindi ko gagawin ito, hindi na niya ako papakawalan. Patuloy lang siyang masasangkot sa gulo ng buhay ko. Kahit masakit para sa aking sabihin ang mga salitang iyon, I had to. I know I have to.

Sabay kaming napalingon sa likuran ng sasakyan nang makita namin ang mga sasakyang papalapit sa amin. Hindi ko alam kung sila ang mga susundo sa akin pero kung sila nga, I will gladly thank them for coming just in time.

I can't lie to Dan any longer. Tama na ang sakit na idinulot ko sa kanya. This time, I just have to walkaway.

But it surprised me to see Jacksenn, Noelle, Miggy and Kenisha inside the car when they stopped right in front of us.

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon