40th Ride

17.2K 368 30
                                    

Author's Note: Hi guys! Sorry talaga kung hindi ako makapagreply sa mga messages niyo. But please do know that I read them one by one. Yung mga nagtetext sa number ko, nakasave pa rin naman sa inbox ko yung mga messages niyo and I'll reply to you guys soon kapag medyo lumuwag-luwag ang schedule.

Abala lang talaga ako sa thesis ko. Tinatapos ko na kasi yun and hopefully, I could accomplish it and have our final defense before September 15. The kangaroos are already waiting at Australia!

Make Me Come song of the day: Out of the Blue by Michael Learns to Rock

PS: Sundays is still the update schedule.

PPS: Nagbago ang isip ko.

--------

After that "talk" earlier this morning, Dan really did everything to avoid me. Natulog siya ulit pagkatapos noon. Somehow, his gesture and reaction made me feel so guilty. Dan didn't deserved that kind of treatment but what can I do? I can't force myself to pretend for that will hurt him even more.

Habang natutulog siya sa ikalawang palapag ng bahay, nanatili ako dito sa baba. I know he needs space right now. I can't torture him endlessly by showing myself to him. Mas lalo ko lang siyang sasaktan kapag nagpanggap ako at umasta akong hindi nangyari yung sagutan namin kanina.

Sometimes, it makes me think how complicated love can be. Masaya sana ang lahat dahil mahal niya ako at mahal ko din naman siya pero hindi kami pwedeng magsama. One, there's the society and second, there's his family and mine too. We both have respective problems we had to face. Kahit na gustuhin naming maging masaya, walang kalulugaran ang kaligayahan sa sitwasyon naming dalawa.

Napahiga ako sa sofa habang nagmumuni-muni. Nabigla ako nang paghiga ko ay bumungad sa paningin ko ang seryosong mukha ni Jacksenn.

"Jacksenn, paano ka nakapasok dito?"

"Dumaan ako sa pinto." Seryosong sagot niya.

Sinamaan ko siya ng tingin sa naging sagot niya. Kahit kailan talaga, napakapilosopo ng isang 'to.

"My stupid cousin called for me. He needs his meds."

Inabot niya sa akin ang isang maliit na paper bag kaya napaayos ako ng upo. Binuksan ko iyon at nakita ko ang mga vials na may lamang colorless liquid. Malamang iyon ang sinasabi nitong gamot.

Napakunot ang noo ko nang makita ang mga gamot. Walang nababanggit sa akin si Dan na may sakit siya para kailanganin niya ng gamot.

"Bakit maggagamot si Dan? May sakit ba siya?"

"Meron, malala."

"Ano?" Bakit wala siyang sinasabi sa akin na kahit na ano? He should have told me na may sakit siya!

"Sakit sa utak." Tila hindi interesadong sagot niya. "Malapit nang mabaliw ng dahil sa'yo ang isang 'yun. Alam mo ba 'yon?"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata nang dahil sa sagot niya. Akala ko naman totoong may sakit si Dan.

"Could you please stop joking around? Seryoso akong nagtatanong dito. I demand for a serious answer."

"Gamot sa puso ni Dan 'yan. Alam na niya kung anong gagawin niya diyan. Nakita kong natutulog pa siya sa kwarto. Ikaw na lang ang magbigay sa kanya niyan. I wouldn't want to wake up a beast who happens to be in a bad mood too." Bilin nito bago ito naglakad palayo. "Isa pa, napakadaling hulaan ng password ng lock niya."

"Huh? Hinulaan mo lang ang password ng lock niya kaya ka nakapasok?"

"His password was the first day the two of you met." Simpleng tugon nito bago lumabas ng bahay ni Dan.

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon