14th Ride

27.1K 443 16
                                    

Author's Note: Woah! Surprised to see Make Me Come as #61 in General Fiction! I'm so thrilled that it managed to reach that far despite the number of reads and votes this one has. Grabe lang. Thank you everyone for your support for Make Me Come!

Dapat kanina ko pa 'to napost pero tinapos ko muna ang lahat ng gawaing nakaschedule kong gawin ngayong araw (maglaba ng kumot at punda, maglinis ng lungga at magsampay ng nilabhan). Anyways, I made it for today! :)

Make Me Come song of the day: Can't Help Falling In Love With You by Daniel Padilla

--------

"You."

"Argh! Nababaliw na ata ako!!" Paulit-ulit nang lumalabas sa isip ko yung sinabi ni Dan noong kumain kami sa restaurant nila Jacksenn.

"Uy girl, okay ka lang ba?" Nilingon ko si Jinky na kasama ko sa office, co-trainee ko din. "Para kang nababaliw diyan ha?"

"Wala. May naalala lang kasi ako."

"Kanina ka pa tinatawag ni Sir. Aning ka, mapapagalitan ka na naman nun."

Isa pa yung department head naming iyon, wala na ring ginawa yun kundi utusan at awayin ako. Matatapos na lang kami sa OJT, wala pa rin siyang patawad sa pagpapahirap sa buhay ko.

Dahil sa sinabi ni Jinky, pumunta ako sa opisina ng mabait naming department head. Akala ko kung anong mahalaga na ang sasabihin. Hahanapin lang pala sa akin yung pinagawa niya kahapon. Nakalimutan niyang pinasend niya sa akin sa email yung pinapagawa niya dahil may lunch meeting siya sa labas.

Lumabas na ako ng opisina niya at bumalik sa desk ko. Paupo pa lang ako pero nakita kong tumatawag si Gab sa phone ko.

"Girl, kanina pa 'yan nagriring. Mukhang paranoid ang boylet mo." Pang-aasar ni Kate.

"Loka ka. Bestfriend ko 'to. Malamang may problema 'to." Sagot ko kay Kate bago sinagot ang tawag ni Gab.

"Best, napatawag ka? Okay ka na ba? Natuyo na ba yung mga sugat mo?" Tanong ko sa kanya pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag niya. Okay na kasi ang kakambal niya. Bumalik na nga sa panggugulo sa buhay ko.

"Yes pero nagtatampo ako sa'yo."

"Bakit naman?" Inayos ko naman ang mga gamit ko habang kinakausap siya.

"Hindi mo na ako pinuntahan ulit pagkatapos mo akong dalawin noong sabado ng madaling araw."

Napabuntong-hininga ako. These past few days, Dan bothered me a lot. Kahit pa weekdays, he continued demanding things like he does every weekend. Muntik ko na ngang isipin na ginagamit niya ang nangyari sa kanya para lang mautusan niya ako ng mautusan.

Aside from that, hindi ako mapalagay sa sinabi ni Dan noon. Hindi ko maintindihan kung bakit paulit-ulit kong naalala yung sinabi niya noong araw na iyon.

"Sorry. Busy kasi ako nitong weekend. Tinapos ko yung thesis ko."

"I understand. Free ka ba ngayon?"

"Nasa office ako though its our lunch break. You're free to talk to me till one."

"Baba ka. Nandito ako sa baba. Let's have lunch together."

Natigilan ako sa sinabi niya. "Seriously?"

"Yes. Kaya bumaba ka na dito."

Dahil sa sinabi niya, nagmamadali akong bumaba papunta sa lobby. True to his words, he was indeed there. Standing regally in the poor lobby of our office. He is wearing the same attire like the employees here but I wonder why he stood out of everyone. Maybe it has something to do with the brand. I dunno.

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon