16th Ride

26K 478 18
                                    

Author's Note: Sundays pa rin ang update schedule nito ha?

Make Me Come song of the day: Ikaw Ang Aking Mahal by Daniel Padilla (since nakita ko si Kathryn Bernardo last time sa mall)

--------

Pagkatapos na pagkatapos ko sa night routines ko at sa pagkain ko ng hapunan, inaliw ko muna ang sarili ko sa dalawang tuta.

Nakakaloka naman kasi. I know I asked for puppies but I never expected to receive two!

"Tantan, Tyty, huwag kayong magmamana sa mga daddy ha? May saltik kasi yung mga yun. Baka hawaan kayo ng kabaliwan ng dalawang yun."

"Babae, ikaw na ang iisipin kong baliw kapag hindi mo tinigilan ang pakikipag-usap sa mga asong 'yan."

I turned to Brenda who's wearing nothing but a piece of towel. Mukhang kakatapos niya pang maligo.

"There's nothing wrong talking to your pets. You need to talk to them from time to time you know."

"Ewan ko sa'yo." She answered back before sitting on the space next to me. Kinuha niya ang iPad na bigay sa kanya ng master niya. "Oh? May announcement na patungkol sa race nila?"

"What did it say?" Sumiksik ako sa kanya para makita yung binabasa niya. It was a black mail stating the details of a certain race.

Nanlaki yung mga mata ko nang makita kung kaninong karera yun!

"What the? Karera nila ni Dos?!"

Napatakip ng tenga si Brenda sa lakas ng sigaw ko. "Aray ko naman girl. Ang sakit sa tenga ng boses mo ha?"

I studied the details of the said race. It's an equestrian race this time. Karera sa kabayo ang paglalabanan ng dalawa. Due to some reasons, lords lang ang maaring makasaksi ng gaganaping laban ng dalawa sa personal. Masters could watch the match at the gambling hall of the headquarters. They could also place their bets there.

Mautak ang headmaster. Kikita na siya sa laban ng dalawa, kikita pa siya sa mga masters na pupusta sa kanila. Added the income for the foods and drinks they'll purchase sa gambling hall. Medyo may kamahalan ang mga pagkain at alak na hinahanda doon kaya hindi na ako magtataka kung lumaki ang pondo ng society.

But what makes me think is that, saan nga ba napupunta ang perang winawaldas ng mga masters dito sa society? It's impossible that they're spending thousands and millions in this but they're not benefiting from this.

"May race pala siya sa sabado." Itinapon ko na lang ang atensyon ko kay Tyty na nasa paanan ko. Kinuha ko siya at tsaka binuhat para mahiga sa hita ko.

"Sasama ka ba?" Tanong ni Brenda matapos basahin ang kabuuan ng black mail.

"Yeah. Lagi naman akong sumasama sa master ko tuwing may laban siya."

"Pero noong huling race niya, wala ka."

"Because he asked to wait for him on his penthouse. Hindi ko rin naman inaakalang may aberyang mangyayari sa karera nila ni Dos."

"Eh kasi naman girl, naging usap-usapan ka sa mga sclavus noong gabing iyon. Alam mo naman sigurong sa waiting area lang kami dahil hindi kami pwedeng pumasok ng gambling hall 'di ba? Ayun nga, nagtataka silang lahat kung bakit wala ka samantalang ikaw ang pinaglalabanan ng dalawa pero ikaw ang wala. Tinanong namin ang headmistress pero ang sabi daw ng master mo, may sakit ka daw."

I sighed. Hindi naman na bago sa akin ang scenario na pinag-uusapan ako ng mga kapwa sclavus ko. It had always been a part of the title lalo na kapag may mga laban si Dan.

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon