57th Ride

12.7K 287 14
                                    

Author's Note: Because G-Dragon is love! Act. III M.O.T.T.E Live in Manila is over! Heart heart and I'm so fired up for the next few stressful weeks! Kayang-kaya ko na yun thanks to the man named Kwon Ji Yong. Kyaaaaah!

Nagbago na ang mga espesyal na araw sa buhay ko. Aside sa February 2 (birthday ni mahal), May 28 (anniversary naming dalawa), dumagdag na ang September 1 (all because of Kwon Ji Yong).

Made Me Come song of the day: 개소리 BULLSHIT by Kwon Ji Yong a.k.a. G-Dragon

PS: Sundays is still the update schedule.

--------

Mom literally dragged me from Hong Kong to the Philippines. She didn't even brought anyone from the security personnel. Hiniram niya ang private jet ng bestfriend niya para lang makabiyahe kami pa-Pilipinas nang hindi natatrace ni daddy. Sa pagmamadali nga niyang makapunta dito sa Pilipinas, I wasn't been able to inform Dan of our arrival. Malamang napapaisip na rin ang isang iyon kung bakit hindi ko nasasagot ang mga tawag niya. Mom left our handphones at home. Sinadya niya iyon dahil alam niyang may tracking device ang mga phones namin. Kahit pa patayin namin iyon, magagawa kaming tuntunin ng mga tauhan ni daddy gamit iyon.

Apparently, wala pa lang alam si mommy patungkol sa pagbubuntis ni Yelena. Hindi ko naman akalaing itinatago nila daddy ang patungkol sa bagay na iyon. I personally think that it's something to be celebrated and not kept. Hindi ko maintindihan ang dahilan kung bakit itinago nila daddy ang patungkol sa bagay na iyon.

"Mom, baka nag-aalala na si daddy sa atin. Hindi mo man lang ba ipapaalam na nasa Pilipinas tayo?"

"Bakit pa? Knowing the capacity of your dad, he probably knows that we're here at the Philippines." Sagot niya sa akin habang nagmamaneho siya papunta ng Bulacan kung saan nakatira si Yelena.

"Mommy naman kasi. Baka kasi mapagalitan ako ni daddy dahil kinunsinti kita."

"Bakit ka ba natatakot sa daddy mo? Alam mo baby, kapag nag-asawa ka, hindi ka dapat natatakot sa asawa mo. Ang asawa mo dapat ang natatakot sa'yo. Show them that we have the power and that we can live without them."

Ngayon ko lang nakitang nagkaganito si mommy pagdating kay daddy. Usually, daddy has the say to everything and mom respects it. Basta sinabi ng mahal na hari, walang makakabali noon maski ang reyna.

Pero ngayon, mukhang luluhod ang hari sa mahal na reyna dahil sa kasalanang nagawa niya.

"You're too harsh on dad, mom." Naiiling na komento ko.

"Your dad is used to this kind of treatment. Tuwing may atraso siya, alam niyang nilalayasan ko siya. Magnilay-nilay siya kung anong nagawa niyang kasalanan. Puntahan niya ako kapag alam na niya."

Ibang klase talaga si mommy. Ganyan ata talaga kapag buong buhay mo, nasa peligro. Wala ka nang kakatakutan. Maski taong mahal mo, hindi mo kakatakutan.

In no time, we arrived at Yelena's place in Pulilan, Bulacan. I'm already expecting that the shop is closed. Kung tama naman kasi ang hinala ko na nakapanganak na siya ilang buwan na ang nakakaraan, malamang nasa sarili niya siyang bahay at nagpapahinga.

"Mom, nasa bahay niya yata si Yelena. Maybe we should ask her neighbors if they know where she lives," I suggested.

I was about to walk on a shop nearby when mommy held my hand. "Sandali lang anak," Napalingon ako kay mommy nang sabihin niya iyon. She's wearing this furious look on her face. "Something's wrong in here."

"Huh? What?" Napalingon din ako sa mismong shop para hanapin ang sinasabi ni mommy. Nanlaki ang mata ko when I noticed that the lock of the shop is broken.

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon