Author's Note: I have this chapter prepared last night pa pero wala akong maisip na isulat kaya napending siya pero ngayon meron na.
Happy birthday @princesswarriorr :) Enjoy this special day of yours. Have a blast. God bless you!
Make Me Come song of the day: Only Hope by Mandy Moore (A Walk to Remember feels na naman)
PS: Sundays is still the update schedule.
--------
Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong desisyon kong kausapin si Papa pero alam kong sa ganitong paraan lang ako mapapanatag at makakahinga ng maluwag.
Hindi ko rin alam kung matatanggap nila daddy at mommy ang pasya kong makausap siya dahil alam kong masidhi ang galit nila sa kanya. Ayokong habambuhay nilang kamuhian si Papa dahil ni minsan, hindi naman ako sinaktan ni Papa. He was a responsible and loving father to me. Kung ako nga, kahit na kinuha niya lang ako sa kanila, hindi ko nagawang magtanim ng galit, I hope they can do the same thing to him too. Kung hindi man, at least they could try to be civil to one another.
Nakaayos na ako at handa na ako sa pag-alis. Magpapaalam na lang talaga ako kina daddy at mommy. Minabuti ko nang huwag pasamahin si Dan sa akin dahil kailangan din nung tao ng pahinga. I'm already relieved to have guards with me kahit wala si Dan. I think they can protect me enough just in case something might happen again.
After the incident outside the chapel, dumoble ang numero ng mga nagbabantay sa akin. From being invisible, I can easily determine who are my guards even if they're wearing their civilian clothing. Kahit naman hindi sila literal na nakabuntot sa akin and they gave me the distance that I requested, still, masyado silang halata dahil na rin sa dami nila. Hindi na lang din ako umangal since they insisted that its for my security.
Pagkapunta ko sa sala, nandoon na sila kuya, daddy at mommy. Mukhang ako na lang ang hinihintay nila para kumain. Naupo ako sa upuan ko para makapagsimula na kaming kumain.
"Shekainah, may lakad ka ba anak?" Mommy asked. "Bihis na bihis ka naman ata para sa almusal. Dadalawin mo ba yung kaibigan mong nasa hospital?"
"Kaibigan nga ba?" Nakangising sabat ni Kuya sa usapan namin ni Mommy.
"Shut up Kuya. Ang aga pa ha." Ganti ko sa pang-aasar ni Kuya bago bumaling kay mommy para sagutin ang tanong niya. "Mommy, kakausapin ko lang po si Papa."
Nakita ko kung paano natigilan si mommy at daddy sa sinabi ko. I won't wonder. Everyone just found my idea ridiculous when I informed them. Si Dan lang ata ang supportive sa kanilang lahat.
"Pero bakit pa anak?" Malumanay na tanong ni Mommy pero nararamdaman kong tutol din siya sa gusto kong mangyari.
"Mom, mabait naman si Papa. He took care of me. Hindi naman nila ako pinabayaan. May choice silang pabayaan ako noong kinuha nila ako sa inyo para makaganti pero hindi nila ginawa. Give Papa a chance please?"
Nagpalitan silang tatlo ng tinginan sa bawat isa.
"Mahirap 'yang hinihingi mo Shekainah." Kuya sternly said. "I know they had been nice to you but you will never know how it felt during those years that you were away from us."
Tinignan ko si daddy waiting for his words. "Tama si Shaun. It was tough. For a fact, tough is an understatement. Napakahirap ng mga panahong malayo ka sa amin anak. Lalong-lalo na sa mommy mo."
It's true that I don't know what they went through during those years. Ang nasisiguro ko lang, sobra nga silang nahirapan dahil hindi naman sila magkakaroon ng ganitong reaksyon kung hindi sila nahirapan noong mga panahong iyon.
BINABASA MO ANG
Make Me Come
RandomThe relationship of a master and a sclavus which is beyond what any words about relationship can define. "Can you make me come?" Date started: May 7, 2017 Date finished: November 1, 2017