59th Ride

13.3K 335 49
                                    

Author's Note: I was called for a meeting today. Don't know if I'll make it through the updates tonight. But let's hope for the best of everything. Sana matapos kami ng maaga sa meeting.

Anyways, the season two of SDRFD is already posted. Sa SDRFD season 1 ko na siya pinost so just check it out there.

Make Me Come song of the day: 니가 뭔데 (Who You?) by Kwon Ji Yong a.k.a G-Dragon

--------

Hanggang ngayon, hindi mawala-wala sa isip ko yung nakita ko sa Shang kanina. Is he doing something behind my back? May relasyon ba silang dalawa? Bakit kailangan halikan sa labi si Dan?

Letse! Mababaliw na ako sa kakaisip! Punyemas talaga! Mamatay na lahat ng malalandi sa mundo!

"Baby, patay na yang turkey." Napatingin ako kay daddy nang bigla siyang magsalita. "Hindi na papalag 'yan kahit pa tusukin mo 'yan ng kutsilyo ng paulit-ulit."

Napatingin ako sa plato ko nang dahil sa sinabi ni daddy. Durog-durog na ang laman ng parte ng turkey na kinuha ko kanina. Buto na lang ang buo sa plato ko.

"Sorry dad,"

"Bakit ba mukhang malalim ang iniisip mo? Masamang paglaruan ang pagkain Shekainah." Paalala ni daddy.

"Alam ko po. Pasensya na po."

"Ano bang nangyari at nagkakaganyan ka?"

Umiling ako, "Wala naman po."

Sigurado akong malalagot si Dan kay daddy kapag nalaman ni daddy na siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Hindi ko lang alam kung anong magagawa ni daddy sa kanya kapag nagkataon.

On the seat opposite to me, I saw Kuya smirked. This annoying creature! Makakaganti din ako sa kanya soon.

Magmula kasi ng ikwento niya sa akin ang nangyari kay Dan at Zara, hindi na nawala sa labi niya ang nakakalokong ngisi sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. May pakiramdam akong natutuwa 'tong gagong 'to na apektado ako sa mga kinukwento niya.

"Dad, baka pagod lang si princess. Kasama niya kasi ang bestfriend niya kanina."

Sinamaan ko siya ng tingin.

This assh0le!

Muntik ko nang mabato kay kuya yung knife na hawak ko. Kung hindi ko lang naalala na nasa harap namin sila mommy at daddy, kanina pa siya tinamaan ng kutsilyong hawak ko.

"Tama si Kuya, dad. Napagod lang akong makipag-reunion kanina sa bestfriend ko." Inirapan ko siya pagkatapos kong banggitin ang pinaka kinaiinisan kong salita sa ngayon.

"Take a rest then. I'm glad that you're catching up with your friends. Hindi ka naman namin pagbabawalan na lumabas kasama ang mga kaibigan mo. Your guards are always there to protect you. You can be rest assured that they'll protect you and your friends whenever you're outside."

Mukha namang hindi naghinala si Daddy sa sulyapan namin ni Kuya. Kung sakali man ding maghinala si daddy, si Kuya ang ipapalapa ko kay Daddy. Hindi si Dan ang malalagot kay Daddy dahil siya ang ituturo ko kay Daddy na dahilan kung bakit ako badtrip at kung bakit mainit ang ulo ko.

"Anyways, birthday mo na bukas Princess. Do you have any plans?"

Napalingon ako kay mommy dahil sa sinabi niya, "What? Birthday ko bukas?"

"Yes princess. Birthday mo bukas. Yun ang totoo mong birthday. Nakalimutan ko bang ikwento sa'yo?" Nang-aasar na tanong ni Kuya.

For sure, he purposely didn't told me that it's my birthday tomorrow. Alam ko na ang takbo ng isipan ng taong 'yan. Siya pa ba? Gagawin lahat niyan mabwusit lang ako.

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon