15th Ride

25.5K 482 38
                                    

Author's Note: For a fact guys, wala naman talagang kinalaman sa chapters yung mga song of the day na nilalagay ko maliban lang dun sa Now and Forever. Yung mga song of the day na nilalagay ko ay yung mga kantang pinapakinggan ko habang sinusulat ko yung chapter.

Make Me Come song of the day: Slide by Calvin Harris ft. Frank Ocean & Migos

--------

Pagkatapos na pagkatapos ng trabaho, agad akong dumiretso ng uwi sa condo dahil gusto ko nang makasama si Tantan! I'm so excited to see my little boy!

Ngayon lang ako naexcite ng ganito sa pag-uwi ng para lang sa aso. Hindi naman ako naeexcite na umuwi ng ganito para kay Brenda. Maski kay Dan, hindi ko naramdaman yung ganitong excitement na makita siya.

Pagkapasok ko ng unit ko, I was surprised to see a puppy sitting calmly on the carpeted portion of the floor right in front of the door. Hindi naman ito si Tantan. This is another dog. But I find it so cute because of it's waggling tail while looking at me.

 But I find it so cute because of it's waggling tail while looking at me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Uy, babae!" Pagtawag ko kay Brenda.

Mula sa kung saan, lumitaw si Brenda. "Oh? Nandito ka na pala. Ayan na yung tuta mo. Kanina ka pa hinihintay niyan."

"What are you saying? Hindi naman ito yung aso na pinapakuha ko sa'yo."

It was her turn to knot her forehead into curls. "Eh? Yan kaya ang binigay sa akin sa front desk kanina. Ang sabi iniwan daw para sa'yo. Ikaw lang naman ang Maria Lyn Boglio dito 'di ba?"

"Pero hindi naman kasi ganito yung itsura noong aso na sinasabi ko sa'yo. It was black and white."

"Pero 'yan nga kasi ang inabot sa akin sa front desk kanina. Kung gusto mo, bumaba ka doon. Bitbitin mo yang aso kung pakiramdam mo nagkamali sila ng bigay sa akin."

Like her suggestion, binuhat ko ang aso at bumaba sa front desk. I wouldn't want to give back this dog because of its cuteness pero kasi kawawa naman yung totoong owner niya kapag hindi ko siya binalik.

Pagdating ko sa front desk, nakangiting bumaling sa akin ang receptionist.

"Ma'am Lyn, may dumating ulit na aso. Para daw po sa inyo."

Nilabas niya para sa paanan niya yung dog carrier ni Tantan na kasama naming binili ni Gab kanina. Kinuha ko yung dog carrier at napangiti ako ang makitang nandoon si Tantan.

"Hi baby, nagpakabait ka ba habang nasa pangangalaga ka ni ate?" He barked one time. "Very good."

Binaling ko ulit yung atensyon ko sa receptionist. "Nga pala Ivy, nagkamali ka ata ng bigay kanina dito sa aso. Ito kasing aso na kabibigay mo lang ang hinihintay ko. Naibigay mo ata kay Brenda 'to. Hindi naman sa akin 'to. Baka hinahanap na 'to ng owner niya."

"Po? Para po talaga sa inyo 'yan." Chineck niya yung log book sa harapan niya. "Sa inyo po talaga iniwan 'yang mal-shi na 'yan."

"Sa akin talaga?" Sino naman kayang magbibigay ng mal-shi sa akin? "Kanino daw 'to galing?"

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon