60th Ride

14.5K 355 56
                                    

Author's Note: Walang magmomove on nga kasi. May hangover pa ako sa September 1 concert ni Gudo. 

Anyways, madalang na naman ulit sa patak ng ulan ang updates ko dahil medyo busy ako sa pag-aasikaso ng festivities ng org namin sa university this week until next week. Committee kasi ang writer niyo kaya eto, kayod pa more tayo. Para sa ekonomiya. PAK! 

Make Me Come Song of the Day: Missing You by Kwon Jiyong and Sandara Park (#DaragonFeels means walang magmomove on!)

PS: Sundays will always be our update schedule.

--------

Wala ako sa mood magparty for tonight pero nahihiya naman ako kay mommy. She prepared everything for this day and it's my first time celebrating my real birthday. I shouldn't let any bad thing ruin this day for me. Perhaps, I should just focus on my special day.

"Good morning-Uhm, what happened to your eyes? Bakit namamaga ang mata mo?"

Napalingon ako kay mommy dahil sa tanong niya. We're already at the restaurant of the hotel though we're occupying a private room. Hindi ko na nabigyan ng pagkakataong i-check ang sarili ko bago ako bumaba dito. Sana pala sinilip ko man lang ang sarili ko at hindi lang ako basta nagpalit ng damit.

"Napuyat po kasi ako sa pagmamarathon ng kdramang pinapanood ko kagabi. Nakakaiyak kasi yung kwento. Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak sa mga eksena kaya po namamaga ang mga mata ko," Paliwanag ko habang umuupo ako sa upuan ko at kumukuha ng pagkain.

"Ano namang pinanood mong kdrama?" Tanong ni kuya.

"Miracle in Cell No. 7."

"Anong nangyari? Bakit umiyak ka?" Tanong naman ni daddy.

"Hindi kasi nagkatuluyan ang dalawang bida. Pinaghiwalay sila ng isang napakabait na bestfriend. Inagaw ng bestfriend yung lalakeng bida na jowa ng babaeng bida." Sagot ko sa kanila pagkatapos ay sumubo ng pagkain kahit pa wala akong gana.

Napaangat ako ng tingin sa kanila nang wala maski isa sa kanila ang nagkomento sa sinabi ko. They all just exchanged glances before mom shrugged her shoulders.

"Well, choice ng lalake 'yun kung naghiwalay sila. If he really loves the woman, he'll never cheat," Mommy commented. "Men are natural born cheaters-"

"Hey, that accusation is too much mom! Hindi kami cheater!" Pagtatanggol ni Kuya sa mga lalake.

"If you're not a cheater, what should I call you then?"

"Gwapo," He confidently answered.

I saw dad silently laughing at his seat. Mom threw daggers at him stopping him from making any reactions.

"So, are you saying that being handsome automatically gives you the right to cheat or to at least play with the feelings of women?"

"Hindi lang naman lalake ang manloloko. Meron din namang mga babae," Singit ni daddy sa usapan ng dalawa.

Nilingon agad ni mommy si daddy at mala-demonyong nginisihan. "You want me to dig your own grave, hon?"

Mabilis na umiling si daddy. Masyado namang nagpapahalata na under 'tong si daddy kay mommy. Naiintindihan ko naman ang ibig ipahiwatig ni mommy since nakwento na niya sa akin ang kwento nila ni daddy.

Nagpatuloy ang usapan nila hanggang sa matapos ang pagkain ko. Sumingit na lang ako sa usapan nila para magpaalam na aakyat na ako sa kwarto para maghanda sa magaganap na party mamaya.

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon