47th Ride

15.2K 343 27
                                    

Author's Note: Hello sa lahat ng mga readers na tinawagan ko kanina. Naaliw ako sa mga reaksyon niyo kanina noong sorpresa ko kayong tinawagan. Though I feel sorry that I can only entertain you for a few minutes. Sana kahit papaano, napasaya ko kayo kanina kahit pa medyo bangag at baliwag akong kausap kanina. Hahaha!

Sorry nga pala sa mga readers na Smart, Sun or Talk 'N Text. Sa Globe and TM lang kasi ako pwedeng tumawag kasi doon lang ang unli ko. Hehehe. Sorry na guys. 

Make Me Come song of the day: Fall for You by Secondhand Serenade

--------

"Oh, I'm sorry. Si Tanner nga pala ang ikakasal. Even if I've known them all their lives, nalilito pa rin ako sa kanilang dalawa."

Hindi ko namalayang pinigilan ko pala ang paghinga nang marinig ko ang una niyang sinabi. Kung hindi pa niya sinabi iyon, hindi ako makakahinga ng maluwag.

"I can see that you were relieved with what I told you." Nakita ko ang nakakalokong ngisi sa mga labi niya. "I thought you've already decided to leave him for good? Ang sabi nila mukha namang hindi ka nagsisisi na iniwan mo siya."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Sometimes, I hate people who are concluding things like they've known me for a lifetime. Yung mga taong kung makapagsalita ay akala nila, alam nila ang lahat ng tumatakbo sa isipan mo pati na rin ang nararamdaman mo.

"Hindi mo alam ang nararamdaman ko."

"I know. Pero isa lang ang gusto kong malaman."

"Gaano mo kamahal ang kapatid ko?" Seryosong tanong niya habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. "Hanggang saan ang kayang panghawakan ng pagmamahal mo sa kapatid ko? Hindi ko kasi mawari kung paano niya nagagawang sabihin sa akin na mahal na mahal ka niya kahit pa sinasaktan mo siya. Gusto kong malaman kung may mapapala ba ang kapatid ko sa pagtitiis niya at sa paghihintay niya sa'yo kasi kung ako lang, gusto ko na siyang iuntog sa pader para tigilan na niya ang kahibangan niya sa'yo."

I used to think that she's nice because of our previous encounters. But then, it turned out that she's a wicked sister. Solenn Andrea can be an evil for her brothers. Hindi ko naman din magawang sisihin siya o kagalitan siya sa panghihimasok niya. Natural lang sigurong mangialam siya dahil sinaktan ko ang kapatid niya. She has every right to be mad at me.

"Hindi naman nakabase sa isasagot ko sa'yo kung dapat nang itigil ni Dan ang pagmamahal niya para sa akin. At mas lalong hindi rin naman nakadepende sa pananaw mo kung dapat bang palayain o pakawalan ko na si Dan. Hanggat mahal ko si Dan, mamahalin ko siya sa paraang alam ko at kaya ko."

"Paraang alam mo? Paraang kaya mo? 'Yang pamamaraan na 'yan ba ay ang paasahin at patuloy na saktan ang kapatid ko? Have you had yourself checked? Hindi kaya you're a sadist? Magpacheck-up ka kaya kay Noelle?"

I gritted my teeth with her accusations. "It's true. I've brought nothing but harm to your brother. Oo, wala na akong ginawa kundi ipahamak at saktan siya sa mga desisyong ginagawa ko. But you never knew my stand. You never understood why I did those things. And you'll never understand why I chose to runaway. You'll never understand because you'll never get the chance to be in my situation. In a situation whereas you're standing in the middle of two cliffs. Nasa pagitan ka ng dalawang bangin pero kailangan mong pumili kung saan ka tatalon. Technically, I have the choice not to decide. Pwede namang manatili na lang ako sa pagitan para hindi ako masaktan. Pero paano yung mga taong maapektuhan kapag nanatili ako sa gitna? Kung hindi ako ang masasaktan, sila ang masasaktan. 

"I can always choose the safest choice. Yung choice na hindi ako masasaktan at mahihirapan. Yung makasariling desisyon na wala akong ibang iisipin kundi ang sarili ko lang. But I've lived my life standing in the middle for so long. Sa kagustuhan kong protektahan ang sarili ko, yung mga taong nasa paligid ko naman ang nasasaktan at nahihirapan on my behalf. I can't bear it anymore. Maraming tao na ang nasaktan. Maraming tao na ang nagsakripisyo ng buhay nila para sa akin. Sapat na sila. Ayoko nang dagdagan pa sila. Si Krisha ang magiging huli sa kanilang lahat."

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon