27th Ride

19.2K 393 16
                                    

Author's Note: Happy Father's Day to all dads out there. Happy father's day to your dads too! Enjoy this special day dedicated to all dads! 

Wala na masyadong mahabang author's note dahil nagmamadali na ako. Ciao~

Make Me Come song of the day: Always Be My Baby by David Cook

--------

Walang nakakaintindi ng nararamdaman ko. Everyone thinks that I'm enjoying this when in fact, I didn't.

Hindi masaya sa pakiramdam na malaman mong nasira ang samahan ng dalawang tao dahil sa'yo. Hindi masaya sa pakiramdam na nalaman kong minahal ako ng dalawang tao na nagkataong magkapatid pa.

It's really bothers me. Big time.

While I was at the balcony of oasis villa, lumapit ang isa sa mga guards ni Dan.

"Ma'am, gising na daw po si Sir Dan. Maari na daw po kayong bumalik ng villa dahil hinihintay niya daw po kayo."

"I see. Ipahanda mo na yung sasakyan para makabalik tayo kaagad."

Mabilis na tumango yung guard bago umalis sa harap ko para gawin ang ipinag-uutos ko.

Kailangan kong makausap si Gab pagkatapos nito. Since the time that I learned that he is a master, hindi ko pa siya nakakausap.

Kaya ba siya pumasok sa society dahil sa akin? Bakit mas pinili niyang kalabanin si Dan kaysa sa panatilihin ang relasyon nilang magkapatid?

"This is so absurd. This should really end as soon as possible."

Papasok na sana ako sa loob ng villa nang mapaigtad ako sa sakit ng pagtama ng kung anong bagay sa likuran ko.

What the hell?!

"Ma'am!" Malakas na sigaw ng mga guards tsaka nila ako pinalibutan at inalalayan.

"What happened here?" Narinig kong tanong ni Kenisha sa kung sino. Nang iangat ko ang paningin ko sa kanya, nanlaki ang mga mata niya tsaka nagmamadaling lumapit sa akin. Mariin akong napapikit nang hugutin niya ang kung ano mang nasa likod ko. "Buhatin niyo siya at dalhin sa kwarto sa taas. Ipatawag niyo si Tyler and report to him everything that had happened here."

Noong naalis na ni Kenisha yung palaso, noon ko naramdaman yung sakit. Wala akong magawa kundi ang kagatin ang labi ko para magkamalay ako. I never thought that this is too painful! It's unbearable!

Maingat akong inilapag ng isang guard na nagbuhat sa akin sa kama at agad akong inasikaso ni Kenisha. Inabala niya ang sarili niya sa paggagamot sa sugat ko. On our left, nakalapag yung palaso na tumama sa likod ko.

Nanliit ang mga mata ko nang mapansing may papel na nakasabit doon.

"Kenisha, pakiabot sa akin yung palaso please?"

"What? Huwag ka ngang gumalaw ng gumalaw-"

"You know I've been through enough. A single stab wound won't kill me. Now, iabot mo sa akin yung palaso. There's something on it."

Saglit na itinigil ni Kenisha ang ginagawa at inabot sa akin ang palaso. I studied the arrow and read the message on the paper.

远离他。

Chinese? Why send me a message in Mandarin?

"Ken, can you understand this thing? It's written in Mandarin. I can't understand Mandarin."

Inabot ko sa kanya ang palaso at pinabasa ang nakasulat sa papel na nakadikit sa mismong palaso.

"Yuǎnlí tā. In simple words, this says 'stay away from him'. Maybe the person who sent this to you wanted you to stay away from a man or so so."

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon