61st Ride

13.8K 367 43
                                    

Author's Note: I'm really sorry guys kung napakadalang ng updates ko. Naging sobrang abala lang talaga ako sa mga duties ko as committee for the Psych Week in our university. That will go on until this week kaya pagpasensyahan niyo na talaga. Babawi ako right after this one. Mairaos ko lang ang linggong 'to, back to regular programming na po tayo.

Mahal ko kayo~

Make Me Come song of the day: The Way You Look At Me by Christian Bautista

PS: Sunday is still the update schedule.

--------

When it was ten in the evening, we decided to head back the port. Medyo may tama na rin kasi sila Noelle at Kenken kaya hiniling na ng mga lalake na bumalik na kami sa port para maihatid makauwi na sila. Nanatili naman ako sa deck habang tinatahak namin ang dagat pabalik sa port. Hindi kasi mawala-wala sa isipan ko ang mga nakita ko kanina.

"Why are you alone here princess?"

Napalingon ako sa likuran ko and I saw Miggy standing a few steps away from me.

I smiled at him, "Salamat sa pagpunta kahit na short notice."

"Walang problema. You're our friend. We will always make time for you whenever you need us the most." He answered back while playing with my hair. Nagagawa niya iyon dahil mas matangkad siya sa akin. I think he's taller than Dan.

Silang mga kaibigan ko, kayang magbigay ng oras at panahon sa akin dahil kaibigan nila ako. I wonder if Dan and Gab had the same way of thinking that's why they're with Zara.

"Seeing you now, it seems like alam mo kung bakit wala si Dan at Gab dito," He said. Naramdaman ko ang presensiya niya sa tabi ko at hindi ko nagkamali dahil naamoy ko ang mabango niyang pabango dahil sa hangin na umiihip pabor sa direksyon ko.

Napakibit-balikat ako, "Kinda but I can't do anything about that."

"You can do anything about that Lyn. Kaya mong gawin ang lahat patungkol doon. Ang hindi mo kayang gawin ay ang kontrolin ang isipan nila. It's their decision not to go here. Yun ang hindi mo macocontrol kahit na anong gawin mo. We do things at our own free will."

"I know. Kaya nga mas masakit eh. Kasi kagustuhan niyang pumunta doon at wala akong magagawa para doon."

I saw him smirked, "Nakakatawa lang kasi parehas kayong nag-organize ng yacht party."

"Hindi naman ako ang nag-organize nito. Mommy ko. She just wants to celebrate my birthday in a grand way since this is going to be the first time I'll celebrate my birthday with them after a long time."

"But you love him, right?"

"Oo naman. But I can't feel that he's feeling the same way too."

"Just because he missed one important day of your life?"

Napakunot ang noo ko sa tono ng pananalita niya. Is he telling me napakababa ng nararamdaman kong pagtatampo kay Dan?

"So, anong pinapalabas mo? Mababaw ako?"

He turned to me. Mabilis siyang umiling, "Iyon ba ang pagkakaunawa mo sa sinabi ko? That's not what I meant though."

"So, ano nga?"

He then faced the dark sea. "I doesn't mean that he missed one important day of your life, you're not special to him. Hindi porket wala siya dito, hindi ka na mahalaga sa kanya. Let me ask you, alam ba nilang birthday mo? Hindi 'di ba?"

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon