53rd Ride

14.6K 385 21
                                    

Author's Note: Naiingit na ako kay Shekainah. Ilang taon na rin akong single. Four years na rin mula noong huli akong napasok sa isang "labeled" relationship. For the past few years kasi puro lang M.U. Somehow, on my age, I realized that should be looking forward for a more serious and mature kind of relationship. Yung pangmatagalan na. Hindi yung parang nagpapakiramdaman na lang kayo.

Saan ko ba mahahanap ang Tyler ng buhay ko? Tyler of my life, if ever you're reading this, pinost ko na sa previous chapters yung number ko. Tawagan mo ko pagkatapos ng thesis defense namin. Hahaha! Libreng-libre na ako once maipasa namin yung thesis ko. Maglalaan na ako ng oras at panahon para sa'yo. Hahaha!

Puro na 'to kalokohan. Enjoy the update na nga lang! Hahaha!

Make Me Come song of the day: All The Love In The World by The Corrs

PS: Sundays will always be the fixed update schedule.

--------

Palabas na ako ng kwarto noon nang makabanggaan ko ang lalakeng bagong pasok sa kwarto ni Dan. Nasapo ko ang noo ko nang tumama ako sa dibdib ng nakasalubong ko.

"Oh, Shekainah. Nandito ka." Tila gulat na gulat na tanong ni Gab. "Anong nangyari sa'yo? Bakit namumula yang mata mo? Umiyak ka ba?"

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Kinausap ko lang si Dan. Nagkasagutan lang kami pero ayos lang naman ako."

"Ha?" Pilit niyang tinanaw ang loob ng kwarto. "But that is Gab." Tinuro niya pa yung lalakeng nakahiga sa kama.

Napanganga ako sa kanya. "Ha?"

Nilampasan niya ako at nilapitan niya yung nakahiga sa kama. "Si Gab 'to. Hindi mo na ba talaga kami makilalang dalawa?"

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Kahit kasi nakatayo na silang dalawa sa harapan ko ngayon, hindi ko na malaman kung sino si Dan at kung sino si Gab.

The intruder then turned to the the one who's lying on the bed. "Bro, bakit ganyan ang itsura mo? Hindi ka naman napuruhan kanina ha? Bakit nakabenda ka at may pasa ka pa?"

"Ah, ito ba? Sinubukan ko lang. Hindi pala masarap sa pakiramdam. Ikaw? Saan ka galing?"

"Kinausap ko lang yung doktor na tumitingin sa sugat ko para itanong kung pwede na ba akong lumabas. Naglakad-lakad na rin ako para marelax. Kumikirot kasi yung sugat ko kapag nakahiga ako at pakiramdam ko, mas lalo lang akong nanghihina." Tinuro niya yung likod niya pagkatapos niyang magpaliwanag.

Pero sandali, naguguluhan na ako sa kanilang dalawa.

"Nyeta kayong dalawa! Sino ba talaga si Dan at sino si Gab?!" Tinuro ko silang dalawa. "Kanina niyo pa ako pinagtitripang dalawa! Kanina si Dan pala ang kasama ko pero nagpakilala siyang Gab! Tapos ngayon sinasabi ni Dan na si Gab 'tong kausap ko! Ano ba talaga?!"

Nanliit ang mga mata nung nakasalubong ko sa pinto saka pinukol ng masamang tingin yung nakahiga sa kama. "This is all your fault Tanner! You shouldn't have proposed that stupid idea of yours! Nalilito na tuloy si Shekainah!"

"Kung mahal ka talaga ni Shekainah, makikilala niya kung sino ang tunay na Dan sa ating dalawa. Hindi ko kailangang ipakilala ang sarili ko ng paulit-ulit para lang malaman niyang ako si Gab." Malokong sagot ni Gab.

Ngayon, sigurado na ako kung sino yung nakahiga sa kama. Pumikit ako at huminga ng malalim bago ko nilapitan si Gab na nakahiga pa rin sa kama. Ngumiti ako ng matamis sa kanya tsaka hinaplos ang mukha niya.

"Bakit ganyan ka makangiti?"

Nang iangat ko ang kamay ko, nakita ko ang bakas ng make-up na nasa mukha niya. Nakaramdam ako bigla ng inis.

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon