Author's Note: Medyo stressed na ulit si ako sa dami ng mga kailangang gawin at asikasuhin sa school so, ayun. Matagal-tagal ulit akong mawawala.
Make Me Come song of the day: Two Less Lonely People In The World by KZ Tandingan
PS: Sundays is still the update schedule.
--------
For the first time since I came here, ngayon ko lang naisipang maglibot dito sa Hong Kong. Magmula nang dumating ako dito, hindi naman na ako lumabas. Nagsasawa na din kasi akong magkulong sa kwarto.
Agad kaming bumalik dito sa city proper dahil may emergency daw na kailangang asikasuhin si daddy. We were left with no choice but to come back with him dahil hindi daw siya mapapalagay nang hindi kami nakakasama. Minsan na kasi siyang naging kampante sa pag-iwan sa amin pero dahil doon, nalayo ako sa pamilya ko nang mahabang panahon.
Walking here at the busy streets of Hong Kong, hindi ko maiwasang mamiss ang Pilipinas. Ang malaya kong paglalakad dito, maihahalintulad ko sa kalayaang meron ako sa Pilipinas. It feels the same despite of the presence of the guards whom I know are watching me from a far. Hindi ko naman na kinuwestiyon kung bakit kailangan nandoon sila kahit na nasaan ako. Hindi naman na nila kailangang ipaliwanag.
Napasimangot ako nang makita ko ang lalakeng naglalakad palapit sa akin. Kahit na maraming tao, nangingibabaw din talaga ang itsura ng kapatid kong 'to.
"Anong kailangan mo?" Hindi ko talaga mapigilang hindi magsungit sa kanya.
"Bakit ang sungit-sungit mo sa akin shobe? Mas kinakampihan mo si Yelena samantalang hindi mo naman siya nakilala. Ako ang kapatid mo. Dapat ako ang kinakampihan mo."
"Bakit ko naman kakampihan ang isang assh0le? Bakit ka ba kasi nandito? Naiinis kaya ako kapag nakikita ko ang pagmumukha mo."
"Wala naman. Nakita kasi kita kaya nilapitan kita. Himala, lumabas ka na sa lungga mo."
"Nakakasawa ding magkulong sa kwarto."
"How about let's bond? I'm free. Let's have a tea."
Napataas ng bahagya ang kilay ko. "Niyaya mo ko o pinipilit mo kong sumama sa'yo?"
"Both." He held my hand and guided me towards a tea house na nadaanan ko kanina. He did the decency to order for us since siya naman ang mas pamilyar dito.
While he was stating his orders, natigilan ako nang makita ang sunod na pumasok sa restaurant.
Even if he's wearing shades, kilalang-kilala ko ang mukhang iyon. Kahit pa siguro may suot siya o wala, makikilala ko pa rin siya. Nakapikit man ako o hindi, sigurado akong siya iyon.
He looked like he was looking for someone. Napugto ang hininga ko nang napako ang paningin niya sa kinauupuan ko. I can't see his eyes that's why I can't guess if he managed to see me or not.
Pero mukhang nakilala niya ako dahil naglalakad na siya ngayon palapit sa mesa naming dalawa ni Kuya.
"Bakit namumutla ka diyan shobe? Para kang nakakita ng multo-Ah, nakakita nga ng multo. Gwapong multo."
Hindi ko magawang gantihan si Kuya dahil nasa harap na namin siya ngayon. He turned to Kuya then nodded at him.
"How are you Lyn? Or should I call you Shekainah?"
Parang bumagsak ang puso ko sa sahig nang marinig ang boses niya. I thought he was Dan. Si Gab naman pala 'to.
Do I miss him so much for me to say that Gab is Dan?
BINABASA MO ANG
Make Me Come
AlteleThe relationship of a master and a sclavus which is beyond what any words about relationship can define. "Can you make me come?" Date started: May 7, 2017 Date finished: November 1, 2017