32nd Ride

18.9K 395 16
                                    

Author's Note: Hello kina @JumbleMind, @CrazyBitch1218, @little_missU, @WitchyBitchyBrat, @MissDee7, at @PatriciaPaco15! Thank you for commenting and voting on the past chapters! Thank you for your support!

PS: Update schedule is still every sundays! <3

Make Me Come song of the day: Realize by Colbie Caillat

--------

Because of what happened to Krisha, the final race for the Omnes Interficere was cancelled. Gab raised the white flag declaring Dan as the winner. Maraming mga masters ang disappointed sa naging pasya ng dalawa pero wala naman silang magagawa kung ayaw nang ipagpatuloy ng dalawa ang karera.

"Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa lahat ang biglaang pagkamatay ni Krisha. Nagawa lang patahimikin ni Tito ang mga press pero hindi ibig sabihin noon na matatahimik na ang mga isip natin." Kenisha said.

Nakatambay ako ngayon sa office niya dito sa headquarters habang hinihintay kong ipatawag ako ng headmistress. Of course, Dan knew nothing of the punishment I'm about to receive. Ang akala lang niya, tatambay lang ako sa opisina ni Kenisha dahil wala akong pasok ngayong araw.

"But a rule is implemented in the society right? Walang kahit na sino pa ang maaring pag-usapan ang nangyari kay Krisha. You won't hear gossips anymore of course, unless they'll use a codename for her."

"It's such a disrespectful thing to do for someone who just died in a disgusting way."

Kahit pa pagandahin namin ang tawag, she was indeed killed in an unimaginable way. After they had used her body, they just threw her body like a trash. Wala naman daw kasing senyales na doon ito ginalaw sa lugar kung saan siya natagpuan. She must have been raped somewhere else before she was left there.

"Well, there's nothing we can do about it. Hindi naman natin mapipigilan ang mga matatabilang dila ng mga sclavus. Alam mo naman sila."

Well, truth always sucks.

"Pero, bakit nga ba nandito ka Lyn? Hindi mo naman naging ugali na tumambay dito sa headquarters unless kailangan. Tell me, may naviolate ka bang rule?"

"What made you think like that? That's rude you know."

Napakibit-balikat siya. "You're not the first sclavus who went here na nagsabing trip lang nilang tumambay but in reality, pinatawag sila ng headmistress."

I won't wonder because she's known to all sclavus. Though she wears her mask whenever a sclavus visits her. She keeps her identity hidden in the dark except to us. Siguro naging dahilan para ipaalam niya ang katotohanan sa pagkatao niya sa direktang relasyon niya kay Dan.

"Well, if that's the case then perhaps, you were right."

"Hindi na ako magtatanong kung anong nalabag mo. Pero nasaan ang magaling mong master?"

"Magkakasama sila nila Miggy, Jacksenn at Gab. I think they went to Krisha's wake. To give their sympathies and of course, to investigate na rin daw."

"Himala hindi ka sumama?"

"Kahit naman hindi ako ipinatawag ng headmistress, hindi pa rin naman ako sasama doon. Pakiramdam ko kapag sumadya ako, binabastos ko ang alaala niya. Ayoko ng ganung pakiramdam."

Malakas kasi ang kutob ko na ako ang dahilan kung bakit siya ang namatay. Ako ang may kasalanan sa nangyari sa kanya.

"Bakit mo naman binabastos ang alaala niya sa pagpunta mo dun?"

"Dahil siguro sa alam kong hindi naman siya minahal ni Dan. I mean, ewan ko. Kahit na medyo rude pakinggan, hindi siya totoong minahal ni Dan but he really cares for her. Masyadong mabait si Krisha para mangyari sa kanya 'to."

Make Me ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon