Pagpasok ko palang sa Campus bumungad agad sa akin ang mga matatalim na tingin at malalakas na bulungan. Nagtatampo si Nana sa'kin kahapon kung ba't daw ako biglang nawala sa Canteen, sobrang nag-alala siya sakin dahil hindi pa ako nakakain ng lunch kaya nilibot niya ang buong campus para mahanap ako habang dala ang pagkain namin.
Jusko! ba't ba ako nagkaroon na kaibigan na ganyan. Pero kasalanan ko naman iyon, pagkatapos ng scene kahapon sa Canteen ay agad akong umuwi without leaving any message kay Nana, kawawa naman, umiyak pa naman yun kahapon kaya ayun dinala ko siya sa 7/11 and bought her some Ice cream para tumigil na sa pag-iyak, nang tumahimik na siya ay kinwento ko sa kanya ang lahat ng kaguluhang pinasok ko kahapon. Pero imbes na magalit o maawa sakin ay nanghihinayang siya dahil hindi niya nakita ang kanyang crush
"OMG she's here na!"
"Can't wait to see her cry"
"Kung ako sa kanya, I will transfer to other school nalang"
" Humanda nalang siya dahil last day na niya sa school nato, kawawa naman"
"Anong kawawa? eh bagay yan sa kanya, ang pangit niya!" Sa halip na makinig sa mga sinasabi nila ay tinuloy ko nalang ang paglalakad ko. These people are the future of our country but look at how they judge others. This should not be tolerated! One of the reasons why most teenagers have low self-esteem because of these judgemental people. Why can't they just mind their own business and kept their uneducated brain away from their mouths?!
Bwesit! Akala ko ay magbabago na ang takbo ng buhay ko. Nang na sa tapat na ako ng classroom namin ay napansin kong tahimik ang loob, tinignan ko ito at walang tao which is good para walang istorbo sakin.
Umupo ako sa chair na inupuan ko kahapon. May narinig akong parang nagha high-five sa ilalim ng Teacher's table, tatayo na sana ako nang biglang nagsipasukan ang mga familiar faces sa loob kaya inub-ob ko nalang ang ulo ko dahil nakita ko sa kanilang mga mukha ang pagkairita sa presensiya ko.
"Guys! Walang mga profs today dahil may urgent meeting silang lahat"
Nang marinig ng mga estudyante ang anunsyo ay bigla silang nag-ingay at mukhang nagkasiyahan silang lahat dahil walang mga guro at take note whole morning talaga wala kaming class. Teka, nasan na kaya si Nana ba't wala pa siya? As always late na naman yun bumangon. Ang ingay talaga nila, makalayas na nga parang sasabog na ata ang eardrums ko dahil sa mga bibig nila na walang tigil sa pag-iingay.
Niligpit ko ang aking mga gamit pagkatapos ay agad akong tumayo pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong mag 'Kreeech' ang leggings na sinuot ko. Tinignan ko ito at Sh*t! napunit ang leggings ko. Natahimik silang lahat at nabaling ang atensiyon sakin, mukhang alam na nila na may naglagay ng pangdikit sa upuan ko. Maya't maya ay nagsitawanan silang lahat at binigyan ng pandidiri look.
"Oh, look at her leggings! Ang cheap napunit. You deserved it! Panget mo kasi" rinig kong lait, hindi ko alam kung sino ang nagsabi dahil wala akong pakialam kung sino siya.
Hindi ko siya pinansin.
"Sino ang naglagay ng pandikit sa upuan ko?" kalmadong tanong ko kahit sa kaloob-looban ko ay para na akong sumabog sa galit.
Sa halip na sagutin nila ako ay pinagtatawan lang nila ako.
"Sino? Sagot!" galit na sigaw ko
Dahil sa hindi ko na makontrol ang aking sarili ay bigla kong nabato ang libro sa blackboard kaya tumahimik silang lahat at parang nagulat sa ginawa ko.
May bigla akong naalala na scene sa canteen at duda ko siya ang may pakana nito. Humanda ka sakin, akala niyo siguro hindi ko sila kilala. No! nagkamali kayo, kilala ko yung tatlo kahapon sa canteen, kaklase ko yung mga yun, sila lang naman yung nagpakilala na akala mo'y mga gwapo.
Pero I think yung Xander ang may pakana nito dahil siya lang naman ang grabeng makareact kahapon. Ito pala ang plano niya? Sige, akala niya siguro aatrasan ko siya. Hindi ako lumalaking duwag.
Tumalikod ako at aakmang lalabas nang bumungad sa'kin ang pagmumukha ni Nana.
"Anong nangyari sayo ley?" Tanong ni Nana na kararating palang. Tinignan ko lang siya at nilampasan.
"Anong ginawa niyo ni Ley? hah?! magsalita kayong lahat!" Galit na tanong nito.
Napatigil ako at tiningnan si Nana sabay kaladkad palabas baka magwild pa ito dito , iba pa naman to magalit .
"Okay lang ako Nana" I said with my calm voice.
"Oh my Gosh!" sabi ni Nana! with a shocking face sabay tingin sa likod ko
"Anong nagyari sa leggings mo, Ley!?" sabi ni Nana
"Tingin mo ano? Okay lang ito mahaba naman ang t.shirt ko kaya matabunan lang to" sabi ko
"Are you sure? Uwi nalang kaya tayo tas balik sa hapon, nalaman ko kasi na nagmeeting daw ang mga profs today" sabi ni nana
tsss kakarating lang naman niya ta's uuwi agad siya?
"No, It's okay mauna ka nalang Nana, may gagawin pa ako" ngising sabi ko
"Oyy Ley alam ko na yang smirk na yan tsk! tsk! di ka parin nagbago! oh siya sige bye na, take care nalang sa kong anong gawin mo" napailing nalang siya saka tumalikod at nagsimula ng maglalakad.
Kilalang kilala na niya talaga ako, sorry Nana, kailangan ko kasi itong gawin dahil hindi ako magpapatalo sa Xander na yun.
"Alis na ako"
Naglalakad ako patungong locker ko at sa pagbukas ko may nakita akong Black na Box ta's may red na ribbon at may nakalagay na letter sa ibabaw, kinuha ko ang box at binasa ang letter
Open this lovely box with a wide smile. Hope you like it ^_^ - Anonymous
Yun lang ang nakalagay sa letter.
Pagbukas ko sa box
"FROGS!!!!"
"Shit" Tinapon ko palayo ang box dahil may palaka sa loob!
Bwesit. Humanda ka talaga sa'kin.
Umuwi nalang ako sa bahay para malinis ang sarili. Pagkatapos kong gawin iyonn lahat ay kumuha ako ng hindi masyadong maliit na box na kulay blue tapos may inilagay ako sa loob tsaka ko sineal ang box with white na ribbon. This would be a best gift.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok para simulan ang plano ko. Saan ko nga pala ito ilagay, wala siyang locker dito, putik palibhasa sa kanila itong school baka may sarili, tsk. Pumunta nalang muna ako sa rooftop para magpahangin, one fact about me is that I love mornings. I just love to hear the chirping sound of the birds and the wind that kissed my face is different, ang lamig niya sa pakiramdam pero masarap siya sa feeling, nakakafresh lang sa isip. Napatingin ako sa baba at napansin kong dumami na ang mga tao, sayang hindi ko magawa ang plano ko. Tinignan ko ng mabuti ang box saka nilagay sa table dahil naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at binasa ang mensahe na galing kay Nana.
Aalis na sana ako nang makita ko ang doorknob na umikot, senyales na may papasok kaya agad akong tumakbo at nagtago sa isang haligi. Nagulat ako dahil si Xander ang pumasok at nakita niya ang blue box.
Ang swerte ko naman, sumang-ayon ang ang tadhana sa plano ko. I opened my phone at vinedeohan siya.
Binasa niya muna ang letter na dinikit ko sa harap ng box "This is for you, Xander. Home made cupcake"
Without hesitation he opened the box, akala niya siguro galing sa mga fan girls niya 'yan. Pagbukas nya sa box may nakatip pa itong blue paper, inalis niya ito at halos mapatalon siya sa gulat nang makita nya ang nasa loob nito. Napatakip ako sa aking bibig upang pigilin ang pagtawa ko ng malakas.
"Shit! C-cockroach! What the fuck!" Mabilis nya itong tinapon palayo kaya nagkahiwa-hiwalay sila ang mga fake cockroach sa sahig. Nanginginig na ako dito dahil gusto ko na ilabas ang pagtawa ko.
Aalis na sana siya nang ma-realize nyang hindi ito gumalaw, tinignan niya to ng mabuti at ginalaw pa nya ito gamit ng paa niya.
"Fuck! This is a toy." galit na sigaw niya sabay gulo ng buhok.
BINABASA MO ANG
The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]
Teen FictionSi Hadley Nickx Dilworth ay gusto magkaroon ng peaceful na buhay sa kanyang school and now that her mother transferred her to another university she decided to hide her identity, but unfortunately he met this guy named Xander Klent Kang who is known...