CHAPTER 16

4.4K 123 12
                                    

Nagmamadaling pumasok si Nana sa Comfort Room para suotin ang two-piece na kulay red, maya't-maya ay bumukas ang pinto at lumabas siya na---teka, ang unfair niya naman ata..
"Hey! You're so unfair, bakit naka-shorts ka? Tapos ako naka two-piece!" Yes! Naka high-waisted shorts siya na kulay puti at pinartneran ng kulay pula na bikini top.

"Sinong nagsabi sayo na ako lang mag-suot ng shorts? " she smiled and handed me the color white high-waisted shorts. "Oh heto para sayo, siyempre ikaw din may shorts. Hindi naman talaga tayo magsusuot ng two piece, malay natin may mga manyak tayong ka-blockmate" she shrugged.

Tumango-tango lang ako sa sinabi niya at agad na sinuot ito. Parehas kami ng kulay ng shorts pero magka-iba ang desinyo.

"Thanks" sabi ko.

She giggled"No prob, Let's go....Beautiful beach we're coming~" Hindi siya halatang excited.

Kinuha niya ang kamay ko at tuluyan na akong hinila papunta sa labas at sa pagbaba namin ay sumalubong sa harap namin silang tatlo na may gulat na expression sa mukha, hindi ko nalang pinansin pero si Dave ay nakatitig kay Nana na ikinahigpit ng hawak ni Nana sa kamay ko. Halatang kinikilig pero pinigilan niya lang. "Hi guys, what are you doing here? Diba Girl's room ito?" kuryusong tanong ni Nana.

Tumingin si Ethan sakanya pero bakas parin sa mukha niya ang gulat.

"S-sinamahan lang namin si Dave sa paghintay sa'yo" Sagot ni Ethan.

Ngumisi si Nana "Nakakita ka ba ng multo Ethan?"

"H-ha? Wala....wala" Sagot nito at umiling-iling pa.

"Okay, who's that chic behind you Nana?" Nakangising tanong ni Xander habang ang mata ay nakatitig sa'kin and the way he smile is somehow flirting. Playboy talaga.

"She's so familiar.." sabi ni Ethan na parang nag-iisip. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito"I think I saw her before, Where was that? Hmm" dagdag na tanong ni Ethan.

"Who is she Nana? She's incredibly gorgeous" komento ni Xander na ikinabog ng dibdib ko. Sanay naman ako sa compliment noong hindi ko pa suot ang mga disguises ko. Hala, putik hindi ko nga pala nasuot kaya pala parang may nakalimutan ako. Tangina naman.

"Ba't andami niyong tanong hindi pa ba obvious na si Ley ito? Ang o-OA niyo talaga, di ba si Ley lang naman ang palagi kong kasama dahil siya lang ang nagiiisangkaibigan ko?! Hindi ko alam na may pagka-slow din kayo" Iritang sabi ni Nana sa kanila.

"Si nerd yan?! Impossible!" Gulantang sabi ni Xander at lumapit samin tapos sinuri ako ng mabuti. Para bang hindi siya makapaniwala na ako ang nakatayo sa harap niya.

"Cut the stare, Xander" iritang sabi ko dahil hindi ako comfortable sa titig niya parang na conscious ako bigla.

"Okay, chill. Gotta go guys, my babes are waiting for me" sabi niya at agad na tinalikuran. I just rolled my eyes.

"Ang ganda mo naman pala Ley bakit tinago mo iyon?" nakangiting tanong ni Dave.

"Wala, lang trip ko" iksing sagot ko, ayokong malaman nila ang dahilan.

"You're still beautiful with and without your disguises" ngiting sabi ni Ethan na ikinainit ng pisngi ko. Shuta! Minsan lang ito magsalita pero hindi ko alam bakit sumaya ako. Nginitian ko nalang siya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Tara na mag-swimming na tayo!!" excited na sabi ni Dave sabay akbay ni Nana na ikinagulat niya at nagsimula silang maglakad kaya sumunod nalang kami ni Ethan sa kanila.

Tumigil kami sa kung saan nag tipon-tipon ang aming mga ka-blockmate. Maririnig mo ang mga ingay at hiyawan nila dahil halatang nag-enjoy. May mga naglaro ng volleyball, may na nagswimming at marong ding nagfe-feeling model.

I saw their shocking faces while staring at us except kay Xander dahil nakipaglandian siya sa unahan. Narinig ko ang mga bulungan nila na ikinailing ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, ayoko talaga sa attention pero noong pinangit ko ang aking sarili ay napansin pa rin nila ako. Shuta naman.

"Oy dude ang ganda niya" isang ka blockmate ko na Lalaki "Si Hadley ba yan? Yung nerd? Woah! Ang ganda niya" may mga sinasabi sila na hindi ko nalang pinansin dahil ayokong marinig ang mga kaplastikan nila.

Umupo kami sa nakahilerang sun lounger na napasilungan ng payong, humiga ako para makapag-relax. Tapos na akong maglagay ng sunblock nung nasa room palang kami. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at napapikit upang madama ang simoy ng hangin at marinig ang alon ng tubig sa dagat. Sobrang nakakarelax talaga, ang gaan sa pakiramdam.

Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng saya tapos ang gaan pa ng puso't utak ko yung parang wala talaga akong mapait na pinagdaanan. This is what I need noon pa man but unfortunately ngayon ko lang ito na-realize. Akala ko ma-b-bore ako sa trip nato pero hindi pala, good thing na sumama ako dahil kung hindi maybe na sa kwarto lang ako at nag-iisip ko paano ko gawin ang favor ni ate. Kahit panaginip ko lang iyon pero kailangan ko iyong tutuparin dahil mahal na mahal ko si ate. Honestly, noong patungo kami sa airport ni Nana, I tried my best to act like an old me and great! I did. And I also think na baka sa ganitong paraan unti-unti kong mabibitawan at tanggapin ang nangyari pero that doesn't mean na kakalimutan ko si ate Sam.

The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon