CHAPTER 42

3K 50 12
                                    

"Nana, where are my things?" Tanong ko. Siya kasi ang nagdala ng mga gamit ko noong nag cr ako. Matapos kong umalis kanina ay pumunta ako ng restroom pero nagkasalubong kami ni Nana kaya sabi niya siya nalang ang magdala ng bag ko sa loob ng room.

Nag-PEACE sign si Nana at binigyan ako ng colgate smile. Binigyan ko lang siya ng malamig na titig, natinag naman ito at dali-daling lumapit sakin na nakapout.

"Ley kasi, hawak ni Xander yung bag mo, bigla lang niya itong inagaw at hindi ko siya napipigilan kasi kumaripas ito ng takbo patungo sa rooftop" di mapakaling sabi niya.

Biglang nagflash sa utak ko yung nangyari kahapon, umakyat lahat ang dugo ko sa ulo. Kalma ka lang Ley . Wag mo na yun isipin. Pafall siya, alam ko yun at baka totoo yung sinabi ni Ethan kaya tumigil kana.

"Bakit hindi mo siya hinabol?" tanong ko

"Kasi ang bilis niyang tumakbo, sorry na " si nana na ngumiti ng tipid. Napatawa nalang ako sa reaction niya dahil parang hinintay nalang niya akong magalit.

"Okay lang, Nana. Itigil mo na nga 'yan, di bagay sayo." Natatawang sabi ko

Mabilis naman ito napalitan na matamis na ngiti bago magsalita at nakisabay sa aking pagtawa.

"Ley, puntahan mo na kaya si Xander sa rooftop para makuha mona ang bag mo. Tas, hindi ako makakasama sa'yo dahil may importante akong gagawin, mwah loveyou!" ngiting sabi niya saka ako pinagtutulakan.

"Go! Kunin mo na Ley baka buksan niya yung bag mo at makita ang bracele--"

Oo nga pala, kailangan kong makuha agad ang bag ko baka makita niya ang bracelet.

Kumaripas na ako ng takbo without looking back. As in parang si flash na ako nito kung makatakbo. Hingal na hingal akong nakarating sa rooftop, nakahawak pa nga ako sa tuhod ko kasi parang nangatong na ito dahil sa kakatakbo na walang pahinga.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid and someone caught my attention na nakatalikod and I'm sure si Xander ito, buhok palang na kulay pula, kilalang kilala ko.

Inis kong nilapitan ito, hindi pa ako gaano ka lapit sa kanya nang bigla siyang lumingon na nakangiti. Natigilan ako at parang tinunaw niya ang puso ko sa ngiti niya na ngayon ko lang ulit nakita. Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang gusto itong lumabas sa dibdib ko at pinagpawisan pa ng sobra ang mga kamay ko.

"Ganon na ba ako kagwapo para matulala ka?" Kindat niyang sabi. Umiinit bigla ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Y-you wish!" Nagkandautal na sabi ko

Ngumisi siya na parang aso at dahan-dahang lumapit sakin, umaatras naman ako para dahil natatakot ako na baka marinig niya ang tibok ng puso ko.

I never stop walking backwards until I felt the wall on my back.
Bigla niya akong kinorner sa dalawa niyang kamay, pinikit ko ang aking mga mata dahil mas lalo lang ang akong kinakabahan sa posisyon naming dalawa.

"I love you Ley" malumanay niyang sabi.

"I love you Ley"

Napamulat ako sa sinabi niya at unti-unting tumitig sa mga mata niya.

The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon