"Ley" rinig kong tawag ni Ethan sa'kin. Pero hindi ako lumingon sa kanya dahil nakatuon lang ang atensiyon ko kay Xander na salubong ang kilay na ngayon ay masamang nakatingin kay Ethan.
"A-ah, anong ginagawa mo dito Xander?" Di komportableng tanong ko.
Tumingin siya sakin pero salubong parin ang kilay nito. Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan dahil baka sigawan niya ako, marami pa namang taong dumadaan dito.
"Hinahanap ka." Malamig niyang tugon.
Nangatong bigla ang tuhod ko dahil sa malamig niyang mata na nakatingin sakin. Naramdaman kong may humawak sa kabilang kamay ko at aakmang hilahin. Tiningnan ko ito at si Ethan ang humawak pero bigla ding hinawakan ang kabila kong kamay ni Xander at marahan akong hinila kaya napasobsub ang mukha ko sa dibdib niya.
I sniffed 'hmm, ang bango niya'
Putik! Tumigil ka nga Ley!I snapped back to reality when I heard him talk na ikinataka ko.
"Wag mo siyang hawakan Ethan!" Inis niyang pahayag.
Hindi ko makita ang reaksiyon ni Ethan dahil nakaharap ako sa dibdib ni Xander at nakatalikod naman ako kay Ethan.
"Bakit? Sayo ba siya? Wag mong kakalimutan Xander na may Girlfriend kana" malamig na sabi ni Ethan.
ANong girlfriend? Akala ko ba wala na sila ni Kristina?
Aalis sana ako nang mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa kamay ko at ang kabilang kamay naman niya ay nakahawak sa batok ko.
Parang nakahug siya sakin?!
Bumilis ang pagtibok ng puso ko hindi dahil kinikilig ako, kundi nahihiya ako dahil ramdam na ramdam ko na tinignan na kami ng mga estuyante na dumadaan dito.
Nagsimula na silang magbubulungan. Pero hindi ko maiintindihan dahil nahihiya na talaga ako. Nakasteady lang ang ulo ko. Ayokong makita ang mga reaksiyon nila.
Magkakastiff neck ako nito.
Lupa, kainin mo na ako. Walang hiya talaga itong si Xander.
"Wala na kami ni Kristine at Oo, akin nasi Ley. Ano naman ngayon sa'yo?" Ramdam kong may bahid na inis ang mga katagang yon.
"Ganon ba, Xander?" Mapang-asar na sabi ni Ethan.
"Alam mo Xander para kang babae, kung makapagpalit ka ng babae parang nagbibihis ka lang ng damit at alam ko namang hindi ka nagbabago kaya please lang, wag mo siyang issali sa lista ng mga babae mo!" Halata sa boses ni Ethan na galit na ito. "Layuan mo si Ley, alam kong sasaktan mo lang siya!" dagdag niya
Napako ako sa kinakatayuan ko dahil sa sinabi ni Ethan. At parang binaril ang puso ng 45.
Isa siguro ako sa mga babaeng pinaikot ni Xander. Baka, pinagtitripan lang niya ako o kaya, hinulog sa mga corny lines niya at kapag nafall na ako diyan na ako sasaktan at paasahin. Siguro tama na yung pag-iiyak ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]
Teen FictionSi Hadley Nickx Dilworth ay gusto magkaroon ng peaceful na buhay sa kanyang school and now that her mother transferred her to another university she decided to hide her identity, but unfortunately he met this guy named Xander Klent Kang who is known...