CHAPTER 32

2.9K 66 1
                                    

Namalayan ko nalang ang aking sarili na pumasok sa music room at umupo sa piano-stool. Huminga muna ako ng malalim bago pindutin ang piano.  I started playing Human by Christina Perri, I closed my eyes as my fingers glided over the keys and let sadness controlled my mind...just for today.

At first, nagtatataka ako kung bakit masaya tuwing magkasama kami ni Xander. Akala ko masaya ako na tinanggap ko siya bilang kaibigan pero iba palang ang kasiyahan na naramdaman ko sa mga araw na magkasama kami. Gusto ko na siya, ngayon ko lang na-confirm. It sucks to think that I only realized my feelings for him kung kailan may nagpapasaya na sa kanyang iba. Ang sakit pala no, kapag late mo na ma-realize ang lahat. Maybe, I'll just accept this and try to be happy for them.

"Come out Nana, alam kong nandito ka"seryosong sabi ko matapos kong tugtugin ang buong kanta. Naramdaman ko siya kanina dahil sa perfume niya.

"Grabe! Ang galing mo pa rin tumugtog ng piano!" manghang sabi niya.

Nginitian ko nalang siya dahil wala akong gana magsalita ngayon.

"Why are you so tahimik? May nangyari ba sa'yo?" takang tanong ni Nana. 

"Anong ginawa mo dito, Nana?" Pag-iiba ko

"Napadaan lang galing ako sa rooftop kaso nakita kita, glass kaya ang door dito." sagot niya. Bakit hindi niya kasama si Dave?

I sighed, "Nana, tama ka" 

"Na gusto mo si-

"Don't mention his name" I cutted her off. Napatakip siya sa bibig niya at tumalon-talon.

"OMG! Confirmed. Sinabi mo ba sa kanya?" She asked and excitement is evident in her tone.

"No and never" ikling sagot ko dahil naalala ko ang eksina kanina sa canteen.

"Hala, bakit naman? Feeling ko nga may gusto din  siya sa'yo" may halong tukso ang pagkasabi niya.

"May girlfriend na siya, ngayon pa lang. Seryosong girlfriend. Bumalik ang dati niyang kasintahan tapos nagkabalikan sila. Pero okay lang, masaya ako para sa kanya dahil sa wakas tumino na siya." Tumawa ako.

Napatigil lang ako sa pagtawa ng hampasin ni Nana ang braso ko, "Gaga, huwag kang tumawa kung pinilit mo lang. Ang pangit pakinggan, promise!" inis n'yang sabi "Halika nga dito" sabi niya sabay hila sa'kin para yakapin.

"Okay lang 'yan, my friend. Tara sa mall boy hunting tayo" seryosong sabi niya kaya pabiro ko siyang sinapak "Gaga ka, tumahimik ka nga" natatawang sabi ko bago kumalas sa yakap.

Nang matapos ang last subject namin ay kaagad akong umuwi, nagpalaam nalang ako kay Nana na mauna at nagdahilan na masama ang pakiramdam. Ayoko muna sumama sa kanya dahil may date silang Dave, ayokong istubohin sila at mas lalong ayokong magin third wheel.

KINABUKASAN ay Sabado at inaya ako ni Nana na lumabas. Miss na raw niya ako. Duh! Pakitang-tao ang bruha, nagtatampo na ako sa kanya palagi nalang si Dave. Charot! Hindi kami pumunta sa mall, doon kami sa amusement park. Nawala ang pagkalungkot ko dahil sa mga extreme rides na sinakyan namin ni Nana. Nag-enjoy ako pero si Nana mukhang hindi parang na-trauma ata, bakit puro extreme rides pinili ko pero laging nakasunod sa'kin. Adik talaga. Lumabas kami ni Nana at nakakita ng Kwe-kwek  pero nakita ko siya ngayon, kasama niya si Kristina. Grabe ka naman tadhana, ang lupit mo sa'kin. Parang unti-unting tinutusok ng mga karayom ang puso kong makita siyang masaya sa piling ng iba. Kaya inaya ko si Nana na umuwi pagkatapos namin bumili ng kwek-kwek. Hindi niya nakita sina Xander kaya safe ako dun.

Aalis na sana kami nang magsalita si Kristina na ikinatigil ko. Putik!

"Oh! Is that Hadley, Love?" Tang'ina naman.

Teka, love? So, it means sila na talaga?

Humugot nalang ako ng malalim na hininga dahil hindi ko alam kung ano ang i-rereact ko.

"Ley?" Tinawag na niya akong Ley? Bakit iba ang dating sa'kin ng tinawag niya ako sa palayaw ko?  Hindi parin ako lumingon sa kanila.

"Ley, lumingon ka nga. Para kaming ewan dito na kumausap sa taong nakatalikod- oh Hi Nana" sabi niya

Nakita kong ngumiti lang si Nana kay Xander bago nag nakaw ng tingin sa'kin na may tanong sa kanya mata. I just smiled at her and nodded. Lumingon ako sa direksyon nila at binigyan sila ng pinakamatamis kong ngiti. "Oh, Xander, Kristina andito pala kayo"

Nakita ko ang pagroll-eyes ni Kristina habang nakayakap sa braso ni Xander.

"Himala't namasyal ka dito?"natatawang tanong ni Xander.

"Siyempre boring sa bahay eh. " Pinilit kong tumawa

"Ah ganon ba." Sabi niya. "Nana, halika nga dito ipapakilala ko sayo ang girlfriend ko" dagdag niya.

Palihim akong napakagat sa aking labi dahil sa narinig. Nakangiting lumapit si Nana at nilahad ang kanyang kamay ni Kristina " Hi, I'm Liana kaibigan ni Hadley" Tinanggap niya naman ang kamay ni Nana "Hello, I'm Kristina girlfriend ni Xander" maarteng sabi niya

"Haddy, look may Kwe-kwek."masayang sabi niya kay Kristina.

"I don't like kwe-kweks" she said with a tone of disgust. Nakita ko ang pagbago ng mukha ni Xander at napalitan ito ng pagtataka.

"Diba favorite natin to noon, Haddy?" Lungkot na tanong ni Xander.

"People change, love pero para sa'yo kakain tayo"ngiting sabi niya sabay halik sa pisngi.

Sige maglambingan kayo sa harapan ko. Grabe hindi sila nahihiya, nasa public tayo, ay oo nga pala makapal ang kanilang mga mukha. 

"Xander, mauna na kami ha? Mukhang masama ang pakiramdam ni Ley eh. Alam mona nakakahilo ang mga rides" biglaang paalam ni Nana.

Thanks for saving me Nana.

"Sure kayo? Are you okay Ley?" Concern niyang tanong. Nagthumbs-up lang ako saka tipid na ngumiti.

"Sige, mag-ingat kayo. Magdate muna kami ng girlfriend ko" paulit-ulit? Girlfriend!

Ang sakit pakinggan, sana hindi nalang kami pumunta dito. Kung alam ko lang na masisira ang araw ko sana hindi nalang ako pumanta rito.





The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon