CHAPTER 24

3.3K 73 2
                                    

Mag-isa lang akong naglakad sa hallway dahil as always wala pa din si Nana. Napakakupad talagang kumilos ang babaeng yun. Sinadya ko talagang agahan ang pagpasok ko para hindi ko makita ang pagmumukha ni Xander.

And speaking of the devil, ba't ang aga niya?

"Andito kana pala Babe? Why did you not wait for me? Alam mo bang susunduin sana kita?" Kunot noong sabi niya

As if alam niya ang bahay namin.

Nagtataka ba kayo kung paano niya ako hinatid kahapon? Actually, hindi hanggang sa mall lang talga ako dahil nagsisinungaling akong magkita kami ni Nana doon.

I just don't want him to know where I live tss. Ang bahay nalang namin ang kaisaha-isahang makonsidera kong peaceful  at hindi ako papayag na tatapak siya doon.

"Paki mo ba at huwag mo nga akog matawag-tawag na babe hindi ako baboy. " Iritang sabi ko.

Imbes na makipagtalo siya sakin ay bigla niya akong inakbayan at hinalikan sa cheeks na ikinalaglag ng panga ko.

"Good mornig babe, how's your sleep? No mosquitoes during your sleep last night?" Worried niyang tanong. Correction, acting pala.

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko pero nilabanan ko ito sa pagkunot ng aking noo. Matalim ko siyang tinignan at walang sabing tinampal ang kamay niya.

"Ang kamay mo." Mataray na sabi ko. Pero hindi parin siya bumitaw sa pag-akbay sakin at pinandilatan niya lang ako at binigyan ng 'mag-go with the flow kana lang' look.

Shit ngayon nga pala mag-start tss. Kitams? Nagsimula pa lang kami pero naiirita na ako bwesit! Kung may ibang option lang sana, aba'y hindi ako papayag dito.

He wants me to act right? So be it!

"Oh! Good morning din babe, no mosquito bothered my sleep naman ang himbing nga ng tulog ko eh" malambing na pagsabi ko sa kanya.

Nakita ko ang pagkagulat ng mukha niya pero hindi nagtagal ay napalitan ng pagngisi.

Ano na naman kayang kalokohan ang nasa isip ng casanova na'to?

Ngayon ko lang napansin na may nakatingin palang babae sakin na parang anytime ay iiyak na.

"Hindi parin ako maniniwala sayo baby, kaya hindi pa rin ako papayag na makipagbreak ka sa'kin." Tinignan niya ako tapos tinaasan pa niya ako ng kilay. "At ikaw! huwag kang feeling diyan na mahal ka niya dahil hindi ka naman maganda!" Mataray na sabi niya sakin.

Malamig ko lang siyang tinignan na tila ba'y hindi ako naapektuhan sa sinabi niya. Pero totoo namang hindi ako naapektuhan.

Tss. As if I care? Wala akong pakialam kung pangit man ako sa paningin ng iba basta ang hinahanap ko katahimikan ng aking buhay bwesit!

"Speechless" panunuya niya sa'kin saka bumaling namin sya kay Xander "I need to go na baby because I have a class pa see you later." She was about to kiss him but the next thing I knew I blocked her kaya ako yung nahalikan niya sa cheek at hindi si Xander.

"Oops not so fast lady, who the hell gave you the permission to kiss MY boyfriend infront of me?" Malamig na tanong ko. Nakita kong nagulat si girl sa sinabi ko pero mabilis din itong nabura at napalitan ito ng ngisi.

Nakita ko sa peripheral vission ko si Xander na halatang nagulat din sa ginawa ko. Duh! This is what he wanted right?

"Eww. Get out of my way witch and of course I have the right to kiss him because I am his girlfriend din naman" tinignan niya si Xander "diba baby?" Maarteng tanong niya.

Hindi ko alam pero kukulo talaga ang dugo ko sa mga ganitong uri na babae. Nakakairita ang kaartehan kasi eh.

Hindi siya sinagot ni Xander kaya lumapad ang pagngisi ko.

"He WAS your boyfriend"  I corrected her. Shit! I never imagined myself to be in this kind os situation.  Magsasalita pa sana siya kaso naunahan siya ng bell, tatlong HA HA HA para sa kanya.

"Gosh! time na, epal talaga" naiiritang sabi niya

"Hindi pa tayo tapos babae babalikan pa kita at ikaw rin baby" maarteng sabi niya sabay flying kiss kay Xander.

I just shrugged.

"Gosh! You're face is so annoying!" Reklamo niya sa mukha ko.

Oh? Problema nito sa mukha ko? 

Pero nakakatawa talaga ang reaksiyon niya kanina. Namumula sa inis kulang nalang ng usok sa taenga at ilong para magmumukha siyang si TOM ng TOM AND JERRY hahahaha putik.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong tumawa pero mahina lang.

"Damn her face was epic!" At nagpatuloy sa pagtawa.

"H-hoy Ley anong nangyayari sa'yo? Mukha kang baliw dito mas okay pang bumalik ang pagkacold mo keysa maging baliw ka, take a look oh andami ng nakatingin sayo--Hoy! Xander bakit tulala ka diyan, gago ka hindi mo manlang napagsabihan 'tong bespren ko." Whisper na sabi ni Nana at pinagsabihan si Xander.

Napatigil ako sa kakatawa at tumingin sa paligid bigla akong nakaramdam ng ilang.

Shoot, napalakas ko ata.

I compose myself at tumigil sa pagtawa. Halos ang mga dumaan ay nagtaka sa'kin, oh? Tinitingin nila? Masama na bang makaramdam ng saya?

 Attention na naman.

Yumuko nalang ako at walang sabing hinila si Nana without looking back.

Shit! Sana pinigilan ko nalang ang pagtawa ayan tuloy, na sakin ang buong atensiyon nila.



The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon