CHAPTER 27

3.2K 78 2
                                    


Hindi ko alam pero ang pangit ng mood ko ngayon. Tapos naman ang monthly period ko pero ang pangit talaga ng feeling ko today. Hindi ko matukoy kung bakit ako nakaramdam ng ganito. 

Two days have passed simula nung halikan ako ni Xander, so this means wala ng bisa ang pagpapanggap namin.

FInally! I'm free!

Pero bakit ganon? Bakit hindi ko ramdam ang kasiyahan, ba't parang nalulungkot ako sa tuwing naiisip ko  na tapos na ang deal namin? Bakit ganon? Pero simula nong kiss namin ay hindi parin kami nag-usap tungkol don tapos ganon parin ang trato niya sa'kin and babe parin ang tawag niya sakin.

Ano to lokohan?

Akala ko tapos na pero bakit imbes na mainis ako ay masaya ako.

Xander, bakit mo ginugulo ang isip ko? Pwede umalis ka mona? Mas lalo mong ginugulo ang isip ko.

Natigilan ako sa pag-mo-monologue ng may biglang umakbay sakin na ikinagulat ko.

"Hi babe good morning, how's your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos? If I know namimiss mo ako." Nakangising bungad sa akin ni Xander. 

Parang tumalon ang puso ko dahil sa ginawa niya. Ang mga paru-paru sa aking tiyan ay nagwawala. Ang bango ng bibig niya. Bakit ngayon ko lang ito napansin?

Mga ilang sigundo pa lang akong nakatitig sa kanya at ngayon ko lang na-realize na ang lapit-lapit pala ng mga  mukha namin.

Putik! Kaagad ko siyang tinulak bago pa siya maka-isip ng kung ano-ano. Pero ang gago kinindatan lang ako.

Tae! Nahulog ata ang puso ko, pwede pakipulot at ingatan? Charot.

"Tumigil ka nga Xander, tayo lang namang dalawa dito, ikaw ha kinareer mo talaga ang pagiging boyfriend mo. May feelings ka na sa'kin no? Ayeeh" pang-aasar ko sa kanya para matabunan ang kaba ko sa puso.

Nakita kong bigla siyang sumimangot pero agad din itong napalitan ng mapang-asar na ngiti.

"Sos! Ikaw kaya itong may lihim na pagtingin sakin and hey remember we still have 7 days? Kaya sulitin ko nalang 'to. Hindi mo ba ako mamimiss babe kapag tapos na ang Deal natin?" Nung una pang-aasar ang tono ng pagsasalita niya pero bigla nalang itong sumeryoso.

Hindi ko alam pero bigla akong napalunok sa tanong niya.

Oh Please Xander, itigil mo na yan...
Maawa ka sa puso ko.
Wag mo akong bigyan na seryoso na mukha diyan.

Please not that face.

"Ano ba Xander, will you please cut that stare at anong 7 days pinagsasabi mo? Akala ko ba tapos na?" inis na sabi ko.

Hindi ko na talaga kaya eh.

Eh totoo naman nakakainis siya. Dahil palagi niya aking binigyan ng mga mixed signals.

Diba alam naman nating lahat na puro kalokohan ang naisip niya atsaka hindi ako komportable pag ganito siya kaseryoso. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso eh.

"Rule no.9 ko ay kapag nilayuan na ako ni obsessed girl ay may 7 days extension pa para masiguro na hindi na siya babalik especially sa mga old gf's ko." Sabi niya pero seryoso parin ang mukha niya.

"Wait what? May rule no. 9 ba? Wala naman ah"

"Meron, ngayon ko lang naisip period."seryoso parin ang mukha niya.

Bwesit siya.

"Cut that serious stare, Xander" naiirita na talaga ako.

Nagtaka ako bigla ng marinig ko ang malakas na pagtawa niya.

The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon