CHAPTER 43

3.3K 50 13
                                    

Kakauwi ko lang galing sa date namin ni Xander— hinatid nya ako dito sa bahay namin. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na kami na. Ang sweet pa nga niya kanina eh, sinubuan niya ako noong kumain kami, tapos nong gininaw ako sa sinehan ipinatong niya agad yung jacket niya sa balikat ko tapos may bunos na yakap pa.

I know, those moves are very common pero putik, kinikilig ako dahil ngayon lang ako naka-experience sa mga ganon.

Umikot-ikot ako sa kama at saka tumili. Pinadiyak padiyak ko pa ang mga paa ko sa kama.

Napatigil lang ako sa ginawa ko nang biglang pumasok si mommy na may bahid na pag-alala at parang si Flash na nakalapit sakin.

Oh? Nandito na pala sila mom?

"Anak? What happened?! May masakit ba? Saan?!" Tarantang tanong niya habang tinignan ako ng mabuti. Tumawa ako at bumangon saka biglang niyakap si Mommy. Naramdaman ko namang ginantihan niya ako ng yakap.

"Nothing momI'm just happy" ngiting sabi ko at kumalas na sa pagyakap ni mommy.

Nakita ko ang pagtagaka sa mukha ni Mommy pero mabilis din itong nawala dahil napalitan ito ng ngisi.

"That different smile but beautifulparang inloveOyy Hadley magsalita ka nga, may boyfriend kana no?" Ngising sabi ni mommy.

I playfully smiled at her and I slowly nodded. Tapos mabilis na nagtalukbong ng kumot. Naramdaman kong inagaw ni mom ang kumot at pinilit na matanggal sa mukha ko.

"Ang baby ko inlove na, may boyfriend pa. Tell me who's the lucky guy?" Sabi ni mom sabay kiliti sa gilid ko. Nakiliti naman ako kaya hindi ko na hawakan ng maayos ang kunot kaya nabitawan ko ito.

"Mom naman eh." Nahihiyang sabi ko.

"Tell mesino? I will make him your last dance sa debut mo." Ngiting sabi ni mom.

Tumingin naman ako kay mom saka ngumiti ako.

"Mom, wag nalang nahihiya ako eh at isa pa malayo pa ang debut koNovember 29 pa 'yun, excited ka naman eh." namumulang sabi ko.

"You're my daughter and you deserve to have a grand celebration. Teka nga, ikinahiya mo ba siya?" puno ng pagdududang tanong niya.

"Ay hindi ko naman siya ikinahiya mom, mahal ko naman siya." nakatungo kong sabi. "At ganyan ka naman mom kahit malayo pa ang birthday ko iisipin mong malapit na. " dagdag ko. Para makaiwas sa mga makapawis na tanong ni Mom.

Pero hindi niya pinansin ang huling sinabi ko.

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Mom saka nag form ng 'O' ang bibig niya.
"Oh my. Salamat po panginoon at may boyfriend na 'tong anak ko at hindi ako nagkakamali ng pandinig mahal niya ito. Akala ko po'y hindi na siya magkaboyfriend, salamat po talaga." sabi ni mom habang nakatingin sa itaas. Natawa naman ako sa ikinilos ni mom. Akala ko magalit siya sa maaaring sabihin ko.

"Mom naman, sige na labas na po kayo dahil matutulog na ako." Ngiting sabi ko sabay halik sa pisngi ni mom.

Niyakap naman niya ako saka hinalikan sa noo. Tumayo siya bago nagsalita.

"Ang anak ko dalaga na pinalabas na niya ako sa kwarto niya. " madramang sabi ni Mom. Bigla namang pumasok si Dad na may bahid na pag-alala.

Uh-oh. Alam ko na kung saan ito mapupunta.

"Honey, anong nangyari? " Alalang tanong ni Dad tapos hinawakan ang balikat nito.

"Ang baby natin may boyfriend na." 

"May boyfriend lang pa What?! Ley, is this true?" seryosong tanong ni Dad kaya bigla akong kinabahan. Ngayon ko lang ulit nakita si Dad na seryoso.

The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon