Prologue

11.7K 236 16
                                    

"Nana, nakita mo ba si Xander" tanong ko.

Pero umiling lang siya. Hinanap ko lang siya hanggang sa napagdesisyunan ko na pumunta sa restroom, naiihi na kasi ako. Nang lumabas ako galing sa restroom ay may narinig akong nag-uusap and I think mga kaibigan ito ni Kristine. Hindi ko alam pero may nagpush sa akin na makinig kaya nagtago lang ako sa may pintuan.

"Girl, nakita mo ba si Kristina?"

"Nakita ko siya sa garden kanina, magkasama sila ni Xander."nang marinig ko iyon ay agad akong tumungo sa garden. Nang nasa labas na ako ay may naaninag akong dalawang tao na nag-uusap, alam kong silang dalawa ito. I don't know pero bigla akong kinabahan.

Lumapit pa ako ng konti at nagtago sa madilim na part para hindi nila ako mapansin.

"Love, kailan mo ba siya hihiwalayan? Diba you made her fall inlove with you? Malapit na tayong magtagumpay sa plano natin" ramdam ko ang pangngisi niya sa bawat salitang sinabi niya.

Anong plano?

"Love, don't worry. I'll do that later" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinagot ni Xander. I felt my hands trembling and my knees were about to give up. Namumuo na rin ang mga luha ko sa mata.

Bakit Xander?

Bakit mo ako niloko?

Plano niyo lang pala ito?

"Duh! Kahapon mo pa yan sinasabi pero hindi mo parin nagawa! Ano ba ?! Don't tell me, you have feelings for her?! Wag mong sabihing oo, hihiwalayan talaga kita. " Inis niya paring sabi.

"Love naman, that will never happen. Ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba" parang nadurog ang puso ko sa mga narinig, mga luha ko ay walang tigil sa paglandas sa aking pisngi, ang sakit.

The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon